CHAPTER 1 - BOOM

7 1 0
                                    

CHAPTER 1 - BOOM



''Anung napili mo? Badboy, Chickboy, Coldboy, o Smartboy?'' laman ng balita at tanong ang naririnig ko dito sa loob ng campus kahit umagang-umagang pa.Hayyss.. napailing ako. Anu bang paki ko? Nandito nga tayo para Mag-aral hindi upang Makikipaglandian, Makipagharutan, Makipagrambolan, Makipag-awayan, Makipagbangayan, at Makipagsikatan. Araw-araw nalang wala talagang oras na hindi ako makakarinig ng balita sa mga chismosa't pakiaalamero. Pwede bang wag nalang sila maghagip ng lagim dito sa school dahil hindi tayo nakakasiguradong totoo ba yung mga sabi-sabi nila.

Pumasok ako sa room at as usual, mga walang paki tong mga kaklase ko at laging nakahawak lang ng Selpon, minsan naman Magazines, minsan naman Makeup Kit, minsan naman yung mga Matatalim na materyales. Hayyss kaya nga wala akong mga kaibigan dito eh. Wala kasing papasa sa taste ko. Umupo ako sa upuan ko at kumuha ng reviewer. Magi-study ako para advance lang. Ganito kasi ginagawa ko tuwing nasa loob ng ako ng room.Magi-study para ready na sa text at quizes. At dahil sa sobrang ingay ng room namin lumabas ako at naghanap ng lugar na mapapagtambayan.

Naghanap ako ng tambayan at finally may nakita ako, nasa likod lang ito ng school building namin at sobrang sariwa ng hangin. Napapikit ako at napasandal sa dingding ng building.

Tahimik.Sariwang Hangin.Walang istorbo.

Ito ang perfect place para sa akin. Ito ang perfect place para makapagstudy tayo ng maayos. Para maprocess agad naman yung mga reviews natin.

Napapikit ako habang inaanalyze ang mga pinagstudyhan ko.

''Physics.Mythical Theories.Physical bod------''

PLONNNKKKKK

Napadilat ako. ''ARRRGGGGGHHHHHHH!'' sobrang sakit. May tumilapon na kung anung matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. Sheyt! Sobrang sakit. Hinimas-himas ko ang ulo ko at tiningnan ko kung saan nanggaling ang insidente. May tatlong bultong tao ang papalapit sa akin. Para silang natatae na ewan, Parang kinakabahan, Parang Natatakot, Parang nababalisa.

''Uhmmm. Were very sorry. Ito kasing kaibigan ko eh napalakas ata ang pagtapon ng baseBALL kaya natamaan ka dito banda. Sorry talaga ha?'' lumapit ang isang babaeng may straight ang buhok at feeling close pang hinihimas-himas ang aking ulong natamaan. Tinanggal ko iyon at walang sabing binaling ang sarili ko sa kabila. Tsk. Kaya pala masakit kasi Bola ng Baseball ang tumama sa akin.Shit! Ang sakit talaga, parang magkakabukol ata ako nito.

''Mag-isa ka lang ba dito?'' i narrowed my eyes to the girl who talk. Katabi sya nung babaeng straight ang buhok. Sya yung may maikling buhok sa kanila pero hanggang balikat iyon. And seriously guys.. Para silang mga artista. Ang tatangos ng ilong eh, ang puti pa. They are helly gorgeous lady.

Hindi ako nagsalita bagkus ay napataas ang kilay ko ng sabay-sabay nilang inilahad ang kanang kamay nila sa akin.

''Im Ellen Peralta''pakilala nung babaeng straight ang buhok with matching smile pa sa akin.

''Im Cristal Chae-Yun''sabi nung babaeng may kulay pula ang buhok sa bandang dulo.

''Im Dheybeniel Santos''sabi nung babeng pinakamaikling buhok sa kanila pero hanggang balikat lang.

Hindi ko tinanggap ang mga kamay nila. Tumayo ako at pinagpag ang sarili. Tiningnan ko kung maayos ba ang reviewers ko atsaka sila tiningnan.

''Im Shmen'' saad ko sabay talikod. Mabuti ng hindi nila ako makilala, baka kasi bigla nalang akong dumugin sa mga Fans nila dito. Para kasi silang Artista, baka naman dibah?

''Your Shmen....?''hindi ko na binaling ang sarili ko sa nagsalita sa likod na parang may hinihintay silang sagot sa akin.

Huminto ako''You dont have to know''huli kong sabi pagkatapos ay iniwan sila.

Love in a RivalWhere stories live. Discover now