PROLOGUE

4 3 0
                                    

TGMTP

(Prologue)

Isang babaeng kakaiba. Tahimik, mapag obserba, mapagmasid, bibihira kung umimik, cold, business minded at workaholic.

Sya si Alexandra Lhexibhie Gail Del Valle. Isang CEO ng mga kilalang kumpanya sa buong mundo. Sya ang nangungunang pinakamagaling sa larangan ng pagnenegosyo sa mga babae. Isang babae na hindi mo basta basta mauutakan. Isang babaeng maganda pero tinatago ito. Isang babaeng binago ng panahon at mga kahindik-hindik na pangyayari.

Kabaligtaran ng isa pang babae na...

Maingay, madaldal, clingy, maarte, happy-go-lucky, party goer at conyo.

Sya naman si Riandrina Claudine Mallari. Isang maganda, sexy, mayaman, at actress. Maraming mga kumpanya ang nag aagaw agawan sa kanya dahil sa angking ganda at alindog nito na kinahuhumalingan ng halos lahat ng lalaki. Magaling din ito sa pag arte at talaga namang mahusay sya sa larangang ito. Pero, sa kabila kaya ng maganda nyang buhay na tinatamasa ngayon, ano nga ba ng kanyang nakaraan?

Habang may isang lalaki naman na...

Playboy, mahilig magpaiyak ng babae, cassanova, bihirang ngumiti at seryoso sa buhay.

Sya lang naman ang kaisa isa at dakilang playboy na si Kenny Dicxson. Pagkatapos paibigin at pagsawaan ang isang babae, bigla nalang itatapon, at iiwan. Pero hindi lang babae iniiwan nya, iniiwanan nya rin ng pera ang mga babae nya. Sya rin ang may ari at nagpapatakbo ng limang five star hotels, 8 restaurants, one airline, three malls and botique, and seventeen resorts in the Philippines. Hindi rin sya basta basta dahil kung gaano sya kaloko at kagaling sa pagpapaiyak ng babae, ganun din sya kaloko at kagaling magpaikot ng mga tao sa business world kung kaya't mabilis lang niyang nakukuha ang anumang gustuhin nya.

kasama ang kanyang mahigpit na kaaway na si Jared Ace Mendez. Isang batikan at kilalang badboy. Basagulero, tambay, takaw sa gulo, maloko, bully, rule breaker, mayabang, at isa pa ring playboy.

Kilala sya sa galing nyang makipaglaban at sa pagpapaiyak ng babae. Sya'y isang modelo ng kanyang sariling kumpanya at sikat sa mga babae at bakla. Pinagtitilian at pinag aagawan. Magaling humawak ng mga sitwasyon at leader-be-like. Ano naman kaya ang kwento sa likod ng lahat ng ito?

Apat na karakter na may iba iba at kanya kanyang style sa buhay para mabuhay at sumikat.

Ano nalang kaya ang mangyayari kung silang apat ay paglaruan ng tadhana at pagtagpu-tagpuin?

Magkaka World War III na nga kaya sa pagitan ng dalawang playboy o magiging magkaibigan sila?

Yung dalawang babae kaya ay magiging magkaibigan? o magkaaway?

Sabay sabay nating pasukin ang kanilang mundo at alamin ang kwento ng....

"Two Goddesses meets Two Playboys"

Two Goddesses meets Two PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon