Midnight 3

27 6 3
                                    


Isang buwan na ang nakalilipas simula nung magbakasyon ako dito sa France.

Dapat flight ko na ngayon sa Manila pero pinagpaliban ko muna. Ayoko pang umuwi. I planned to extend my stay here for a couple of months.


Isang buwan na rin simula nung magkakilala kami ni Gab.

Walang gabi na hindi kami nagkikita. Na para bang, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko sya nakakausap.

Alam na rin nya na mag-isa lang ako dito. And he understands the reason why I didn't tell the truth that time, kasi nga naman mahirap magtiwala agad.


Pero ano nga ba ang alam ko kay Gab? Hindi kasi sya pala-kwento ng personal nyang buhay kasi wala naman daw talaga syang ikukwento. Boring daw ang buhay nya eh. Ni wala nga daw syang social life. Hanggang dun lang, hindi na nya in-elaborate. Mas madalas naming pag-usapan ang present. Kung ano yung masayang gawin o yung maganda pasyalan.

When he said that we should enjoy the present, hindi ko namamalayan na unti-unti ko na palang nakakalimutan yung past ko.


Nandun lang kami palagi sa bridge every midnight, nakakatuwa nga kasi yun na nga ang nagsilbing meeting place namin.

I heard na bawal pala talaga ang tourist doon dahil nga delikado. But who the heck cares? It's a perfect spot! Kung dati takot ako sa heights, ngayon, I feel safe when I am there.


Or siguro, dahil kasama ko si Gab...


"Huy! Ikaw naman magkwento, kanina pa ako daldal ng daldal dito oh,"

"Eh paano naman kasi, ilang linggo na tayong ganito, puro lang kwento, wala man lang wine or anything hard!" Reklamo ko.

"Ikaw ang kulit mo! Sinabing hindi maganda sa kalusugan yung alak eh. Kapag nalaman kong umiinom ka nun, itutulak na talaga kita dito!" Sabay nguso nya dun sa baba ng bridge.

"Okay, fine! Joke lang," I surrendered.


Tumahimik kami saglit.


"Ano ng plano mo? Kailan ka babalik ng Pilipinas?" He asked me randomly.

"Hindi ko pa alam, ayoko pang umuwi." I answered. "Eh ikaw?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Ako? Baka dito na ako mag-stay eh, for good.."

"Ha? Bakit naman? Diba bakasyon ka lang din dito?"


He glared at me.


"Andami mong tanooong!" Pinisil nya yung magkabilang pisngi ko.

"Ouch!" Pinalo ko yung kamay nya. "Because you're not fair! Ikaw, alam mo na yung buhay ko. Pero ikaw, wala ka man lang sinasabi sakin," I pouted.

"Totoo namang wala akong makukwento sayo eh. Kulit kulit mo rin eh, no?"

"Sus. Ni hindi ko nga alam kung may girlfriend ka!"


Bigla kaming natahimik pareho. Uh-oh. Wrong words?


"Pffft-- HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" He suddenly laughed so hard.

"Hoy. Anong nakakatawa?"

"Boring nga ang buhay ko tapos GIRLFRIEND?! Hahaha! NANG-AASAR KA BA?!" Biglang naging serious yung mukha nya.

"Oh.. Hahahahahahahaha!" Now it's my turn to laugh. Lol. "So, No Girlfriend Since Birth?" I teased him.


Tinitigan nya ako ng masama. I raised my hands as a sign of surrender. Malapit lang kami sa edge eh, baka bigla nya akong itulak, mahirap na.


"You can say that, pero may hinihintay kasi ako.." He said in a serious manner.

"Oh... I see," Sabi ko na lang.


Ano bang nangyayari sakin? Why do I feel... disappointed?


"Galing din syang Pilipinas.. Alam mo ba, tuwing gabi lang kami nagkikita, tuwing gabi lang kami nagkakasama, pero alam mo yun? Sa kanya ko nahanap lahat ng kulang sakin. Sa kanya ako naging masaya," Then he looked at me.


Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan sa mga sinasabi nya.


"Hinihintay kong.. maramdaman nya rin yun sakin," He said while staring straight into my eyes.

"A-anong--?"


"They say love takes time. But hell, life is short. In every moment that I spend with you, I know I found the real happiness. Syne.. I love you,"


He smiled when I don't utter a single word.


"Pero gaya ng sinabi ko, maghihintay ako.. Don't pressure yourself,"


I still can't speak. I don't know what to say. He just freaking confessed out of the blue! For goodness' sake!


"Let's go? Para makapagpahinga ka na sa inyo," Tumayo na sya at pinagpagan yung pants nya.


"Hindi mo na kailangang maghintay," I said bravely.


Tumayo na din ako para humarap sa kanya. He's right, life is short to hold back.


He taught me not to waste any moment. He taught me how to.. love again.


"Because I love you too, Gabrielino Celeste.."


Unti-unting lumapad ang mga ngiti nya. Hinawakan nya ang mga kamay ko.


"Kung nananaginip ako, please wag mo akong gigisingin.."


Natawa ako sa sinabi nya. That's why I caressed his face with my palm. "You're not dreaming.. This will be the proof,"













And like someone who love with no fears and regrets, I kissed him.

See You at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon