SBDV POV
“Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnggggggggggg”. Ito ang tunog na ikinaiinis ko tuwing sasapit ang umaga. Hudyat na naman para bumangon ako mula sa aking pagkakahiga. Unang araw ngayon ng pasukan sa kolehiyo ngunit ayaw gumalaw ng aking katawan ni aking mata ay hindi magawang maimulat. Inuunat ko ang aking kamay sa kinaroroonan ng orasan at agad na pinatay ngunit ayaw pa rin. Ibinato ko na lang sa pader para tumigil. Yun hindi na tumutunog pakiwari ko’y nasira. Pero okay lang naman, bibili na lang ulit ako ng bago sa palengke. Teka, kilala ninyo na ba ako. Kung hindi, magpapakilala ako sa inyo. Ako nga pala si...“Steven Brian De Vera, gumising ka na dyan. Tanghali ka na. Mahuhuli ka na sa school mo. Ano ba? Ilang beses ng tumunog iyang orasan mo abot hanggang sa kusina tapos hindi ka pa rin nagigising! Ano na lang sasabihin ng mga magulang mo kung ganyan ang inaasal mo? Ano ito? Inihagis mo na naman ang orasan! Tingnan mo sira na naman, bibili na naman ng bago! Mabuti na lang sana kung nadumi ako ng pera eh di sana mayaman na tayo!” pambungad na sigaw ng isang matanda lalaki sa loob ng aking kwarto. Siya nga pala si Tiyo Edgardo. Kapatid siya ng mama ko. Simula ng mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente, kinupkop niya ako at inalagaan. Siya na ang halos nagpalaki sa akin pagtuntong ko ng high school. Pero madalas hindi ko talaga siya sinusunod. “Tiyo naman, inaantok pa ako. Hindi pa naman kayo nasanay sa akin tuwing umaga. Bigyan ninyo pa ako ng palugit na sampung minuto. Gagayak na ako pagkatapos niyan. Pangako po” inaantok na sabi ko kay Tiyo sabay higpit ng pagkakabalot ng kumot sa aking katawan. “Siguraduhin mo lang na tatayo ka na diyan sa kama mo. Kung hindi, bubuhusan kita ng tubig. Tandaan mo iyan! Ngayon nagsimula na ang sampung minuto mo” sabi ni Tiyo Edgardo. “Sige ho, pasarado na lang ulit ng pinto paglabas niyo” sabi ko kay tiyo. Boooogggshh. “Galit ba si Tiyo?" tanong ko sa sarili ko. Bahala na. Tutulog na lang ulit ako.
Tumahimik na ang buong paligid. Naghahanda na akong ipikit ang aking mga mata nang biglang lumamig ang buong paligid at sinabayan pa ng pag-ihip ng hangin sa loob ng aking kwarto. Hindi na ako mapakali kaya unti-unti kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa akin. Nilinga-linga ko ang buong kwarto, sinipat kung ano ang nangyayari. Bumangon ako at tumingin sa kaliwa, sa kanan naman, sa likod, sa unahan. Sinubukan kong tingnan ang ilalim ng kama pero wala pa rin. Isang bahagi na lang ng kwarto ang hindi ko pa natitingnan, ang kisame. Dahan-dahan kong itiningala ang aking ulo at tingnan ang kisame. Isang babaeng mahaba ang buhok ang nakita ko na nakatayo sa kisame. “Tulungan mo ako. Parang awa mo na, hindi ko na kaya. Tulungan mo ako, dali na, pakiusap na” sabi ng babae sa kisame sa akin. Tiningnan ko siya nag masama at nagwika, “Ano ba naman, pambihira! Hindi ka ba titigil? Istorbo ka sa pagtulog ko. Sinabi ko na sa’yong hindi muna kita matutulungan sa ngayon. Dahil diyan sa ginawa mo mas lalo kitang hindi tutulungan, inaabala mo ako sa aking pagkakatulog! Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na huwag muna ngayon. Ang kulit mo rin!” pabulyaw ko sa multo. “Sorry naman, hindi ko naman sinasadya. Nagbabakasakali lang naman ako na baka ngayong araw matutulungan mo na ako. Pasensya na, hindi na muulit” paliwanag ng multo sa akin. “Hindi na talaga mauulit kapag hindi ka na nawala sa harapan ko!” sabi ko naman sa kanya. “Ito na nga aalis na. Basta tutulungan mo ako. Babay na” sabi ng babaeng multo sabay naglaho ito.
“Hay, mabuti na lang wala na siya. Napakakulit. Alam naman niyang hindi na ullit ako tumutulong sa mga multo” sinabi ko sa sarili ko. Hindi ko na naman talaga gusto ang mapalapit pa sa multo at tiyak na magdudulot lang ito ng kapahamakan. “Makakatulog na rin sa wakas!”. Hihiga na ulit sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. “Steven, sino na namang kausap mo at sumisigaw ka? Multo na naman ba iyan? Di ba sabi ko sa’yo tigil-tigilan mo na ang kalalapit sa mga multo. Oo nga pala, ubos na ang sampung minuto mo, bumaba ka na sa kusina at kumain ka na. Nakahain na ang mga pagkain. Ikaw na bahala mag-asikaso sa sarili mo dahil matanda ka na. Dalian mo diyan, tatanghaliin ka na sa pasok mo, unang araw mo pa naman sa kolehiyo” pagtatalumpati ni Tiyo Edgardo sa akin. “Tiyo, huwag na huwag ninyo nga po akong matawag-tawag na Steven, Brian po, Brian ang itawag ninyo sa akin. Sina Mama at Papa lang ang may karapatang tawagin ako sa pangalang iyan. Ngayon na wala na sila, wala na ring maaaring tumawag sa akin sa pangalang iyan. Opo, aasikasuhin ko na po ang pagpasok ko” sambit ko kay Tiyo. “O siya bahala ka na Stev... este Brian. Bago ko nga pala makalimutan, may iniwanan akong pera sa ibabaw ng refrigerator, kunin mo na lang at ako’y mauuna na sa trabaho ko. Sige diyan ka na, bumangon ka na ha! Baka mahuli ka sa pagpasok mo” sabi ni Tiyo habang pababa na siya ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Ghostly InLove
Fanfiction(NOTE: Ang mga babasa ninyo ay halos may pagkakatulad sa K-Drama hit na 'Let's Fight Ghost'. Ginawa ko itong inspirasyon dahil ito ang kauna-unahang K-Drama na napanood ko at gustong-gusto ko ang kwento tungkol sa multo. Sana magustuhan ninyo :) )