Midnight 4

39 5 3
                                    


Hinatid ako ni Gab sa tinutuluyan kong rest house. Pero pagkatapos nun, umuwi na rin sya agad.

I was so happy. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

I opened my phone and changed his name on my contacts.

I was about to message him when my phone vibrates.

Napangiti ako nung mabasa kung sino yung sender.


From: Oh my Gab❤

Thank you for making this night extra memorable. I promise you won't regret this. I'll make you happy as much as I can. Je t'aime, Chloe Syne Dela Cruz! ❤


I can't help but to smile reading his text.

I know that this night, is the night I would never forget.


***


*Door bells*


I woke up with the loud sound of the door bell. Ugh. Who the hell would knock off at this time?!

I checked my phone. It's just 9am in the morning.


*Door bells*


"Ugh. COMING!" I stood up and rub my face a little. "Istorbo naman, natutulog pa yung tao eh,"


Naglakad na ako papunta sa pinto at pagbukas ko nun, handa na akong sigawan kung sino man ang istorbo na--!


"So there you are," He said looking straight at me. "Halika na, umuwi na tayo!" Galit na sabi nya, hinawakan nya ang braso ko at hinila ako palabas ng bahay.

"Aray ko! Ano ba Dad, bitawan mo nga ako!"

"Tumahimik ka! Umuwi na tayo!"

"Bitawan mo ako hindi ako uuwi!" Binawi ko yung braso ko sa kanya ng buong lakas. "Bakit mo ba ako sinundan dito?! At paano mo nalaman na nandito ako?!"

"Ano? Bakit kita sinundan?" He shook his head in disbelief. "Hindi ka ba nag-iisip, ha Chloe Syne?! ANAK KITA! Malamang hahanapin kita! Hindi mo ba alam na nabaliw na ako kakahanap sayo?!"

"Sinabi ko bang hanapin mo ako? Eh diba wala ka namang pakialam sakin?! MULA NUNG MAMATAY SI MAMA, PARANG WALA KA NA RING ANAK--"


I stopped talking when I felt the slap on my cheeks.


"I did everything to make you better.. Nagpakasubsob ako sa trabaho para hindi bumagsak ang business natin. Para hindi kita mapabayaan, dahil yun ang pinangako ko sa Mommy mo. Tapos sasabihin mong wala akong pakialam sayo?" Lumapit sya sakin. "Bakit? Ikaw lang ba ang nawalan? Nawalan din ako ng asawa, anak. Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako!" He said while a lot of tears falling from his eyes.


I cried a lot while he was saying all those words. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit.


"Sanay naman ako sa sakit na binibigay sakin ng mundo araw-araw, Dad eh. Pero alam mo kung ano yung sakit na hindi ko kinakaya?" Pinahid ko yung luha sa pisngi ko. I pointed at him. "Yun yung mga panahon na kailangan kita pero wala ka.."


I'm trying not to break down in front of Dad. Pero sobrang bigat na.


"Patawarin mo ako kung nagkulang ako sayo, anak.. Pero maniwala ka't sa hindi, para sayo lahat ng ginagawa ko. Sana maintindihan mo rin ako.."


I shook my head.


"Hindi kita maintindihan, Dad.." then I turned my back on him.


See You at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon