Chapter 11

27 10 3
                                    

Lexi's POV

"Yaya Mara! Ana! Nasaan kayo? Lumapit  kayo rito!" sumisigaw kong sabi habang nakaupo sa rattan chair na nasa harden.

"Ay Ma'am, N-nandito po kami," natarantang sabi ni Ana.

"Ma'am Lexi, may K-kailangan ba kayo Ma'am?" tila takot na tanong ni Yaya Mara.

"Sino ang gumawa ng sandwich na ito? Ang pangit ng lasa!" sabay tapon ko ng sandwich.

"Nako, Buti na lang 'di tayo natamaan!" ani ni Yaya.

Parang kumulo ang dugo ko dahil sa narinig. "Ano ang sabi mo Yaya? Hindi ko kayo natamaan? Dahil ano ha, dahil bulag ako?
Iyan ba ang ibig mong sabihin ha?"

"Ay, hindi Ma'am, hindi iyan ang—"

"Tama na!" Pagputol ko sa sinasabi niya. "LEAVE. ME. ALONE! Ayo ko ng marinig ang mga boses ninyo!"

"Ahh sige P-po Ma'am, kung kailangan mo kami eh, tawagin mo lang kami Ma'am," ani pa ni Ana.

Narinig ko ang mga yapak nila na papalayo sa akin.
Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko pero agad ko naman ito pinahiran.

Sinikap ko na makapunta rito sa harden na hindi ina-alalayan dahil kabisado ko na agad ang loob at labas ng aming bahay.

Tumayo ako at dahan-dahan na lumakad sa paligid ng harden.
Nalanghap ko ang hangin na humiihip sA aking pisngi at dumadampi sa katawan ko.
Ang ganda pakinggan ng huni ng mga ibon na nasa paligid ko at ang bango ng mga bulaklak na nandito sa harden.

Nasapo ko ang aking dibdib dahil tila kumirot ito!

Ito na lang ang natira sa akin:
Ang pakiramdam, pandinig, pang-amoy at panlasa.
Hindi ko na makita ang kagandahan ng paligid ko dahil bulag na ako, walang silbi at walang magagawa!

Bumagsak na ang mga luha ko at hindi ko na mapigilan ito.

"Miss Lexi,"

Isang malumanay na boses ang narinig ko at naramdaman ko na niyakap niya ako mula sa likod.

Nagpumiglas ako sa yakap niya at binitawan naman niya ako.

"S-sorry Miss Lexi, 'di ko napigilan na mayakap ka nang makita kita na umiiyak!" Mahina niyang sabi.

Hinarap ko siya na may madilim ang mukha. "Dahil ba na awa ka sa akin? Ganoon ba?"

"Hindi sa ganoon Miss Lexi. Alam ko na nahihirapan ka pa na tanggapin ang nangyari sa iyo pero nandito kami para tulongan ka.
Nandiyan si daddy mo, si Zeb at nandito ako... hinding-hindi kita pababayan!" Gumaralgal ang boses niya. "Lahat ng gusto  at sabihin mo ay susundin ko!"

Mapait akong ngumiti. "Talagang hindi mo ako pababayaan at sundin mo ang lahat ng gusto ko?"

"Oo, sabihin mo lang at gagawin ko iyon,"

"HUWAG. KA. NG. PUMUNTA. RITO.  Ella!"

Hinawakan niya ang balikat ko. "Ahh M-miss Lexi, please humingi ka lang ng iba huwag lang iyan,"

Ramdam ko na umiiyak siya at tila nangingninig ang kamay niya habang hawak ang balikat ko.

Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. "Umalis ka na rito at kalimutan mong magkakilala tayo!
Hindi ko kailangan ang presensya mo rito at higit sa lahat, hindi ang katulad mo ang makakatulong sa akin!"

"P-pero Miss Lexi, gusto ko lang na madalaw ka at maku—"

Hindi natuloy ang sasabihin pa niya dahil tinawag ko ang mga katulong sa bahay.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon