KABANATA XXVI

1.6K 40 6
                                    

Kenzo's POV:

Masayang nag simula ang umaga ko at sana tuloy-tuloy na 'to hanggang mamaya.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Justine sa akin.

"Kape lang po ako.. Busog na ako dun sa taho kanina.." Sagot niya.

Kunot noo siyang humarap sa akin.

"Kape lang? Diet ka?" Tanong niya.

"Oo eh.. Papamacho ako ngayon.. Natatakot ako eh.. Baka bukas hindi na ako ang mahal mo.." Biro ko.

Inirapan niya ako.

"Ewan ko sayo.. Magluluto ako nang eggs at mag to-toast nang bread.. Lulutuan nalang din kita.." Sagot niya.

Natawa ako.

"Hay.. Kung alam ko lang sana pala pinakasalan na kita dati nung college ka pa.." Sagot ko.

Natawa siya.

"Kasi nga.. takot ka sa daddy ko.." Sagot niya.

Natawa din ako.

"Paano ba naman kasi.. dinarag niya ako dati.." Sagot ko.

Justine laughed again but this time mas malakas na ang tawa niya.

"Sorry.. Naalala ko lang dati.. Nung time na tinuruan mo akong mag drive.. Diba kinausap ka ni Dad prior to that?" Tanong niya.

Natawa din ako.

"Ay oo! Sobra ang kaba ko nun.. Sabi niya talaga sa akin HANDS OFF tapos sa harap niya may baril!" Sagot ko.

"Hmmm.. Pero hindi ka nakinig sa Daddy.." Sagot niya.

"Anong hindi? Sa pagkakatanda ko hinawakan ko lang ang kamay mo nun.." Sagot ko.

"Oo nga.. Pero diba ang sabi ni Dad, hand off daw?" Tanong niya.

"Ay nako nako Justine.. Ang tagal nating naging mag boyfriend at girlfriend.. Alam na alam mo na 'yong holding hands na ang pinaka behave ko.." Sagot ko.

Bilang namula ang buong mukha ni Justine.

"CHE!" Sagot niya.

Natawa ako lalo nang nakita kong nahihiya siya.

"Grabe.. Ang sarap balikan nang mga alaala no?" Tanong ko.

Tumango siya.

"I agree.. Isipin mo 'yon? Ang bata pa natin nun no?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Yeah.. Kakagraduate mo lang nun.. Tapos ang hirap pa nang set up natin nun kasi long distance tayo.. Weekly akong pumupunta nang Cebu.. Ang gastos nun!" Sagot ko.

Natawa ulit si Justine.

"Ang gastos sa pamasahe at load.." Sagot niya.

"Ay oo! Load pa pala! Naka line ako nun ah! Ang laki nang binabayaran ko monthly nun!" Sagot ko.

"Ah ganun? So sumbatan tayo dito?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Hindi! Never kong isusumbat sayo 'yon.. Your so worth it para gastusan at bigyan nang oras at effort.." Sagot ko.

Bigla ulit siyang namula at wala na akong sagot na narinig mula sa kanya.

"Sayang no?" Mahina kong tanong sa kanya.

Pinatay niya ang stove kung saan siya nag luluto nang itlog at biglang humarap sa akin.

"Sayang? Ang alin?" Tanong niya.

SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon