Dave's P.O.V
"Lasing ka na. Halika na dadalhin na kita sa kwarto mo." Huh? Sino naman 'to?Hindi ko alam kung nahihilo lang ba 'ko dahil sa alak o nagagalit ako ngayon dahil kay Keziaㅡor maybe both.
"Dave, halika na." The fuck, 'di nalang kasi ako pabayaan. Nag-iisip ako. Kailangan kong mapag-isa. Maingay sa loob, kaya nga ako pumwesto rito sa labas sa tabi ng pool para makapagmuni-muni.
Lumingon ako sa kanya.
"Pabayaㅡ"Kezia?! Si Kezia.
"Halika na tumayo ka na d'yan, lasing ka na. Tingnan mo oh, tinatapon mo na sa pool lahat ng bagay na mahawakan mo."
Napatingin ako sa pool. 'Di na ko nagulat nung pati phone ko nakita kong nasa bottom na ng pool.
Agad niya akong inalalayan pagtayo ko. Bakit parang tumangkad ng konti si Kezia? Weird.
Dinala niya ako sa kwarto koㅡI mean this is my room because that's what she said.
Nahihilo na talaga ako. I hate my head.
Bakit ba kasi ako pumayag na sumama rito, kasalanan 'to ni Wade. Pinilit niya kong pumunta sa despidida party ni Christian, ex ni Kezia. Kezia is my friendㅡgood friend. Kaibigan ko rin naman si Christian, but I just don't feel okay when he's around, especially when he's around Kezia.
Naiinis ako.
Tinanggal ni Kezia ang braso ko sa balikat niya na nakaakbay dahil sa pag-alalay niya sakin kanina, at agad niya akong inalalayan pahiga sa kama. I can feel her breath on my neck.
I don't know what got into me. Hinila ko siya, napalakas yata. Pero wala akong planong mag-sorry because this is her fault.
Napapuwesto siya pahiga sa kama, at napaibabaw ako sa kaniya.
"What the fuck, Dave?" Sigaw niya.
Huh? First time niya kong minura. So unusual for her to curse, kahit na galit na galit siya, hindi siya nagmumura. At isa yun sa nagustuhan ko sa kanya.
'Di ko na pipigilan ang sarili ko. Kanina pa 'ko nagtitimpi, nagsisimula palang yung party.
I kissed her. The moment my lips touch hers, lalo akong nahilo. There's this something I can't explain.
I cut the kiss, it was just a short kiss, but it made my eyes spark. Nang tumingin ako sa kaniya after, I saw how really shocked she is. Sobrang laki ng mga mata niya, parang lalabas na.
Napaupo ako pero nakapaibabaw parin sa kaniya. Sinuntok niya ko sa tiyan, mahina lang pero may pwersa.
Something's really off. This is not right.
Napaupo na rin siya under me. Bale nakaupo ako sa lap niya. Inilagay niya yung isang kamay niya sa likod para itukod sa kama at para na rin mailayo niya ng konti yung mukha niya sakin. Yung mga mata niya hindi maalis sa pagkakatitig sakin.
"Lasing na lasing ka na. Magpahinga ka na. Get off me. Hindi ako nagbibiro, Dave sasapakin talaga kita."
Another unusual word from her, and even her voice changed into a deep, authoritative sound, ngayon ko lang siya narinig magalit and this is really weird. Usually she's understanding and jolly. Ibang iba siya ngayon.
Maybe dahil lasing ako kaya kung anu-ano na na-iimagine ko or siguro dahil ngayon ko lang nakita yung side na 'to ni Kezia. She's making me crazy.
And I like it.
Sorry, this is your fault, you're making me insane. I told myself before I kissed her again for the second time, but this time I don't have the mind to cut it. I will let her feel na dapat ako ang kasama niya, hindi si Christian.
She doesn't respond. That's when I cut the kiss. I looked her in the eye, pero nainis lang ako nang mapansin kong nakatitig pa rin siya sakin. Mas gulat siya ngayon at mas inis kaysa kanina.
"Pumikit ka." I commanded.
Pero tumitig lang siya sakin with those shocked eyes. I'm getting mad. Gusto ko lang naman maramdaman niyang gusto ko siya, at hindi dapat ganon ang pagtrato niya sa ex niya, kasi nagagalit ako.
"Pikit." This time I told her this with authority na agad naman niyang sinunod, na may konting buntong hininga. Narinig ko pang may binulong siya, something between lagot ka sakin and 'pag nakaalis talaga ako rito but I don't care. Then there she closed her eyes. I smiled. She's so obedient, another thing na nagustuhan ko sa kaniya.
Nilapit ko yung mukha ko sa kaniya and then I closed the distance between us by kissing her. This time she responds. I'm starting to like this situation, even though something's not really right.
She cuts the kiss, then she avoids my gaze.
Napayuko siya. I heard her say shit.I think maybe she's shy? Or maybe she likes our shared kissㅡor maybe not. Whatever it is I hope she won't forget our first kiss.
I heard her again, saying "Happy?" sarcastically. At may pahabol na pabulong na... you pervert. While shaking her head nang nakayuko.
I smirked. This is really unlikely her. But, this again is one of the reasons that I like her, she's different. And these new traits she's showing me, I don't care where it came from. I still like her.
But Argh. The hell, sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Nasobrahan yata ako nang inom, paano ako uuwi nito? Walang maghahatid sakin, kung lahat sila lasing na rin. I'll stay here nalang pwede namang hindi na ako umuwi muna ngayong gabi, dito nalang ako matutulog katabi si Kezia. I smiled at the thought.
Maybe this time, she'd fall for me, too.
And also maybe right now I am ready to voice out my feelings for her and to accept the rejection, later after my confession.Iniangat ko ang ulo niya. But...
I regret doing it after.I saw another person. It's not her, She's not Kezia.
Lalong sumakit yung ulo ko. Parang binibiyak, parang pinupukpok ng martilyo.Arrghhh! Fuck! Fuck!
I think I can't handle this weirdness anymore.
I think I would faint.The last thing I saw in front of me before I collapsed on the shoulder of whom I thought was Kezia, is Wade's bit shocked face.
Ahh, fuck. I kissed him?
This is not really right.ㅡ