Nakaupo sa isang sulok ng silid-aralan, tuliro at di alintana ang galaw ng kanyang kamag-aral. Sapagkat nag-iisa, ngunit bakit ganon tila meron syang iba pang kasama. Malamig na hanging ang humaplos sa kanyang katawan, lalong-lalo na sa may bandang kalamnan. Sa sobrang bigat ng kanyang pakiramdam, tila sa kanya'y may pumipigil, upang sabihin ang saloobing kanyang kinikimkim. Pinilit nyang tumayo, magsalita at itaas ang kanyang kamay subalit may hadlang upang magtagumpay.
Ngunit huli na ang lahat para sa bagay na iyon, sapagkat lumabas na ang mabahong dragon. Dragon na nakahimlay sa loob ng kanyang pantalon.
Ang hirap talaga, ang matae sa loob ng klase...diba.!?
BINABASA MO ANG
"Dragon Sa Loob Ng Pantalon"
Short StoryIsang masaklap at mapait na karanasan mula sa aking panahon ng kabataan, at ngayon ay bibigyang kulay upang muling balikan at sa inyo'y isalaysay. Tunghayan ang aking kwento.