Chapter 5

1.9K 60 0
                                    


Hindi na namin namalayan ni Russel kung anong oras na kaming nakatulog. Pero sa natatandaan ko pa ay hinatid pa niya ako sa kuwarto dahil medyo naalipungatan pa ako. Gumaan ang pakiramdam ko na naishare niya sa akin ang dahilan kung bakit siya nagrerebelde—dahil sa kaniyang ama, na inaakala niya ay walang pakialam sa kaniya. Kung mabibigyan lang din ako ng pagkakataon para makausap ko ang tatay na si Sir Damien Ho, malalaman ko din kung ano ang side niya. Kung ano din ang dahilan niya. Kung talaga bang anak na lalaki ang habol niya, kung talagang nawalan siya ng amor sa kaniyang unang asawa na si Madame Victoria, kung minahal naman niya ang second wife niya. Pero kahit ganoon, ay gumaan ang pakiramdam ko. Sana ay ganoon din si Russel. Nagpasalamat pa ako sa kaniya dahil inabala ko pa para gawan niya ako ng pares.

Nagising ako ay alas onse na ng umaga. Napasarap yata ako ng tulog. At isa pa, pakiramdam ko ay ang ganda-ganda ng umaga ko. Nagpasya kong maligo at magbihis bago ako umalis ng guest room. Hindi mabura sa mga labi ko ang tuwa habang naglalakad ako sa hallway ng mansyon na ito. May mga nakasalubong naman akong kasambahay. Sinasabi nila sa akin na sadyang hindi nila ako ginising dahil ang bilin daw sa kanila ni Russel ay mga ganitong oras ako magigising dahil anong oras na din kami nakatulog. Speaking, nasaan na ba ang isang 'yon?

"Ah, si Russel po?" hindi ko mapigilang itanong sa isa sa mga kasambahay na nakasalubong ko.

"Ay, umalis po si Sir Russel, Miss Jelly. Hindi nga lang po niya sinabi kung saan po siya pupunta. Basta, ang sabi po niya, may kikitain lang daw po siya." sagot niya nang itinigil niya ang kaniyang ginagawa na paglilinis sa mga bintana. "Ang bilin pa po niya, may natira pa naman daw pong pares na niluto niya, ininit na daw po niya iyon para daw makakain na po kayo."

Hindi ko alam, kahit mababaw para sa akin nang marinig ko iyon mula sa kaniya ay iyon pa ang naging dahilan para mapangiti ako. "Salamat po..." nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang Kusina.

Wala akong nadatnan na kung sino doon. Pero napukaw ng aking atensyon ang isang mangkok na nakapatong lang sa kitchen counter. Hindi ako nag-atubili na lapitan iyon. Nang tinanggalin ko ang nakatakip ay mas lumapad ang ngiti ko dahil mainit-init pa nga ito. Dahil sa naeexcite ako kumain nito ay hinawakan ko ito saka ilipitan sa dining table. Kumuha din ako ng kutsara para makapag-almusal na.

Mas lalo sumasarap ang pares sa panlasa ko. Nakakatuwa lang dahil mabuti nalang ay may natira pa sa niluto niya. Pagkatapos kong kumain ay ako na ang naghugas ng pinakainan ko. Tapos ay nagpasya naman akong pumunta sa Hardin para maghangin at magpababa naman ng kinain. Hinihimas ko ang aking tyan.

"Ang sarap talaga magluto ng daddy mo, ano, anak? Hindi nakakasawa." sabi ko saka umupo ako sa bench. Ang lawak ng bakuran nila. Marahil, kapag may okasyon ang pamilyang Hochengco, dito sila nagseset up para sa party o kung anuman. "Pero, saan talaga siya nagpunta?"

Maya maya pa ay lumapit sa akin si manang na may dalang cellphone. Tarantada siyang lumapit sa akin. Binigyan ko siya ng pagtatakang tingin.

"Bakit po, manang?" tanong ko pero nanatili pa rin akong nakaupo sa bench.

"Si Sir Russel po nasa kabilang linya. Hindi daw po niya matawagan ang cellphone ninyo." sabay abot niya sa akin ang kaniyang cellphone.

Tinangap ko iyon saka nagpasalamat kay Manang bago ko idinikit ang telepono sa aking tainga. "Russel?"

"Hindi mo sinasagot ang tawag ko." seryoso niyang bungad sa akin.

"Naiwan ko kasi sa guest room ang cellphone ko. Dumiretso na ako dito sa baba pagkatapos kong maligo at magbihis." malumanay kong tugon.

"Nagbreakfast ka na ba?" sunod niyang tanong.

"Ah... Kakatapos ko lang kumin. Teka, nasaan ka pala?"

Touch Of The Wild Man | Editing | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon