Astraea POV
Nagising akong wala na si kaiden sa tabi ko.
Saan nanaman ba pumunta ang letchugas na yun?!
"Tss!paghahanapin niya talaga ako!" Mahinang sambit ko. Bumangon ako sa pagkakahiga, tutal ay maliit lang naman ang islang 'to ay hindi malabong hindi ko siya mahanap.
Paalis palang ako para hanapin siya ngunit tanaw ko na agad siya mula sa malayo papalapit dito sa direksyon ko. Ng tuluyan siyang makalapit ay huminto siya sa harap ko.
"Tara!" Sabi niya sabay hila saakin.
"Teka saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ngunit hindi man lang niya ako sinagot.
_______
"Eto ba yung sinasabi mo?" Tanong ko sakanya.
"Oo eto nga, dito muna tayo pansamantala. May nahanap na nga ako kung saan tayo mag stay pansamantala" sabi niya.
Hindi na muli akong nagsalita bagkus ay pinuntahan na namin ang may-ari ng tutuluyan namin ni kaiden.
"Magandang umaga po, manang lita eto po pala yung girlfriend ko" panimula ni kaiden.
Girlfriend? Tama ba yung rinig ko? Girlfriend!? Amporkchop naman oh!
"Napakagandang dalaga naman nito!" Natutuwang sabi nito.
Nasa lahi namin ang magaganda't gwapo ewan ko nalang pag nalahian pa ni kaiden baka masama na sa pinaka maganda at pinaka gwapo sa buong mundo!
"Magandang umaga po, ako nga po pala si astraea" sabi ko.
"Ikinagagalak kitang makilala, osiya dumito muna kayo pansamantala" sabi ni manang lita.
"Maraming salamat po" sabay naming sabi ni kaiden at saka ito umalis.
Ng makaalis na si manang lita ay sinamaan ko na ng tingin si kaiden.
"Oh bakit ganyan ka makatingin sakin?" Tanong niya.
"Hindi mo alam?" Sambit ko.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sagot niya.
Tsk!
"Bakit mo sinabing girlfriend moko!?" Inis kong sabi.
"Bakit? Doon din naman tayo mapupunta e, look. Inamin kong gusto kita, liligawan kita at kapag nahulog kana sakin sasaluhin kita. Pangako ko sayong hindi kita sasaktan" sabi niya.
Meron bang ganun? Hindi sasaktan? E lahat naman ng nagmamahal nasasaktan!
"Ewan ko sayo! Hindi ko gusto mga banat mo! Atsaka meron bang nagmamahal na hindi nasasaktan!?" Sabi ko sabay irap.
"Hindi nga kita sasaktan e, makikita mo Irish mare-realize mo nalang na mahal mo na pala ako" sabi niya sabay kindat.
"Pwe! Korni mo!" Sagot ko.
"Ipagluluto nalang kita, ano bang gusto mo? May mga pagkain ng hinanda diyan si manang lita lulutuin nalang" sabi niya.
"Kailan kapa natutong magluto!?" Gulat kong sabi.
"Wag mo nga akong maliitin! Ginagawa ko 'to para sa future natin" nakangiting sabi niya.
Seryoso ba siya? O nagbibiro lang siya? Kasi 'tong puso ko sasabog na!
"Future ka dyan! Magluto ka na nga lang! Dami mong alam" sabi ko.
"Masusunod po kamahalan" sabi niya.
Lumabas muna ako saglit dahil baka tuluyang mahulog na 'tong puso ko!
_________
Sabay kaming kumakain ni kaiden at ni-isa saamin ay walang nagtatangkang magsalita o magbukas ng topic.
*Awkward*
"Pasado ba yung lasa?" Tanong niya.
"Oo, nagustuhan ko naman siya" sagot ko.
"Pwede na ba tayong mag-pakasal?" Sambit niya na ikina-samid ko.
Tf!?!
"Tubig! Tubig!" Sabi ko at iniabot naman niya sakin ang basong may tubig na ininuman na niya.
No choice mga cist! Wag ng maginarte pa! Nasamid na nga ako aarte pa!
Ng makabawi ako sa paginom ng tubig ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam mo ba yung indirect kiss?" Nakangising tanong niya.
"Oo, pero hindi ako naniniwala don" malamig kong sagot sa tanong niyang walang kwenta.
"Hindi ko naman tinanong kung naniniwala ka e ang tanong ko lang kung alam mo yun" sabi niya.
*Glared*
"Kumain na nga lang tayo!" Sabi ko na sinangayunan naman niya.
Feeling ko mag-asawa kami ni kaiden char!
Pagtapos naming kumain ay iniligpit ko na ang pinagkainan namin at inilagay ko 'yon sa lababo.
"Ako na, mag relax ka lang dyan at hayaan mong pagsilbihan kita" seryosong sagot niya.
"Sigurado ka? Pwede naman kitang tulungan" sabi ko.
"Isipin mo nalang na ikaw ang prinsesa at ako ang knight and shining armor mo na laging handang pagsilbihan ang prinsesa niya" sabi niya.
Inhale,exhale!
"Osige, tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong" sabi ko at iniwan ko na siya sa kusina.
Ng makaalis na ako doon ay huminga ako ng malalim.
"Kumalma ka please" pagaawat ko sa pusong kanina pa nagwawala.
Bakit sa lahat ng lalaki e kailangan kay kaiden pa, siya lang ang lalaking nagpalakas ng tibok sa puso ko. Mortal enemy ko siya pero bakit sakanya pa ako nahulog? Madalas kaming mag-away, madalas kaming magkapikunan, pero hindi ko inaasahang mapupunta sa ganito ang nararamdaman ko para sakanya. Yung pagbilis ng tibok ng puso ko,yung pakiramdam na mawala lang siya saglit sa tabi ko o hindi ko siya makita kahit isang araw lang, it's a sign na nahuhulog na ako sakanya or should i say na tuluyan na akong nafall sakanya..
_______
Dapit hapon na at magkatabi kaming nakaupo ni kaiden sa buhangin at pinapanood ang paglubog ng araw.
"Sa tingin mo? Kailan tayo makakabalik?" Tanong ko
"Hindi ko alam, pero gagawa tayo ng paraan para makabalik tayo. Si daddy im sure pinapahanap na niya tayo" sagot niya.
Huminga ako ng malalim at nilingon ko siya. Diretso lang ang tingin niya pero malayo.
Sa oras na 'to ay alam kong hindi na ako bibiguin ng puso ko sa nararamdaman ko. Ang lalaking katabi ko, ay ang lakaking nag-pagulo sa inosente kong puso. Masasabi kong tuluyan na niyang nawasak ang pader na humaharang sa puso ko para walang sino man ang makapasok dito. Pakiramdam ko ay habang buhay kong gustong makasama siya, dahil mawala lang siya saglit ay hindi na kumpleto ang araw ko...
To be continued...
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Novela JuvenilAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza