who am i...

151 0 0
                                    

it was a typical monday morning..

after magising dederetcho sa harap ng salamin..

magtatangal ng mga bakas mula sa isang mahimbing na pagkakahimlay..

hilamos..

hawi ng buhok..

konteng pa-cute sa salamin..

Oops! bago ko nga palaa makalimutan..

im shane, a typical college student sa isang university somewhere in central luzon. a simple girl with a huge dream. wala namang masyadong interesting sa pagkatao ko except sa kung sino at ano ang gusto ko.. preference kung baga..

nerdy looks.

thick eye glasses.

old fashion style of clothing

it was a sunny and nice monday morning. A fresh new start nanaman ng linggo. stressed out kase last week. events to organize, projects to to submit, organization meetings. haay..

kahit gaano ka hectic ng schedule eh I always find a quite time para sa sarili ko. kaya eto ako, naglalakad sa pathway papunta sa lugar kung saan malayo sa polusyong dulot ng mga responsibilidad na naka atang sakin...

i found my self starring blankly sa mga palay na nakatanim sa vicinity ng school then millions of thoughts came rushing.. isa na dun si boss.

aw! enough shane. enough of those wishfull thingkings. bukod sa mali, eh masakit din at the same time. pagpapatiwakal yan. suicide ng paulit ulit...

eto na yata yung pinaka tahimik na lugar sa campus maliban sa library namen then all of a sudden my bumulabog sa tahimik na ambiance ng paligid. isang pamilyar na boses galing sa di kalayuan.

"sabi na e! dito lang kita makikita."

it was my bestfriend si tyler.

"anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" pa buntong hininga kong sambit sakanya.

"hinahanap ka sa office. mag submit kana daw ng write ups mo sabi ni chief." sagot ni tyler habang paupo siya sa tabi ko.

"kakapasa ko lang ng article about tree planting activity ng institute of agriculture." sagot ko sakanya habang tinatangal ang earphones na naka pasak sa tenga ko.

"ah.. ganun ba? eh yung sa upcoming school intramurals? ikaw magcocover dun right?" he is sippin' a juice sa tetra pack na nabibili sa school pantry.

"yup! and isa yun sa mga events that im excited to cover" sabat ko sakanya sabay agaw sa roller coaster na hawak niya..

"weh? hashtag #pumapagibig." biro ng loko.

"ano ka ba! tumigil ka nga!" sabay balya sa braso niya.

"alam ko kung anong event ang hawak mo!" sabay nagkatitigang kame,

"basketball!!!" sabay naming sigaw. sabay tawa.

"sabi na e! sabi na e.. maglalaro kase this year yung love of a lifetime mo!" sabi ni tyler habang nagpapagpag ng likuran ng pants.

"school paper work ang gagawin ko dun hindi kung anu ano kaya you better stop your green thoughts." sagot ko sakanya sabay tayo at ayos ng sarili.

"tara na nga. pupuntahan ko pa yung isang event mamaya hapon. mass induction ng mga frat and soro mamayang 1 pm." sabi ni tyler sabay hila sa kamay ko.

One shot, To win your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon