"Hazel, maglinis ka ng bahay. Darating mga tropa ko," utos sa akin ni kuya.
Tinatamad pa akong kumilos. Nakasalampak ako ngayon sa sahig at nanonood ng t.v.
"Kaya mo nayan kuya," pagbalik ko sa kaniya ng iniuutos niya.
"Kasama si Louie." Agad akong napatayo dahil sa sinabi niya.
"Hindi mo naman agad sinabi kuya, na darating pala ang asawa ko!" nakangiting saad ko. Na-excite tuloy ako bigla.
"Weh, tapos pag nandyan na, para kang maamong tupa," pang-aasar nito.
Hindi ko na siya pinansin at nagsimula nang maglinis ng bahay. Dapat sobrang linis para maimpress si Louie my loves!
Malinis na ang bahay pero mukha naman akong dugyutin. Pawisan ako at gulo-gulo na ang buhok.
Maliligo na sana ako pero narinig ko ang pagtunog ng doorbell namin.
"Kuya may tao. Buksan mo!"
"Ikaw na, naliligo ako e."
Napasimangot naman ako. E mukha na nga akong pulubi dahil sa itsura ko e.
Pagkabukas ko ng pinto ay agad na tumambad sa agad ang itsura ng mga tropa ni kuya.
Apat sila, at nasa unahan si Louie.
"Yow Hazel."
"Si kuya mo?"
"Hi Hazel, ganda mo ah."Bati nung tatlo sa akin. Habang seryosong nakatingin sa akin si Louie.
Ang sungit talaga nito. Tapos 'yung mata niya parang lagi kang may ginawang masama kung makatingin.
"Sana nag short ka muna bago mo buksan ang pinto," masungit na saad niya habang nakapamulsa.
Ang gwapo naman nito! Kahit simpleng t-shirt at shorts lang e bongga na agad.
Napatingin ako sa suot ko. May short naman ako kaya lang maikli, 'tsaka masyadong malaki ang suot kong damit kaya natabunan siguro.
"May shorts ako 'no!" Itinaas ko ang suot kong damit para ipakita ang suot kong shorts. Medyo napataas ng onti dahil nakita ang bandang pusod ko.
"What the fuck." Umiwas ng tingin si Louie at napalunok. Ewan ko kung bakit.
"A-ahm pasok kayo hehe." Binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok silang apat.
Kaniya-kaniya silang punta sa pwesto nila kung saan sila komportable. Ang iba ay sa sofa, ang iba ay sa kusina.
Si Louie ay naupo sa sofa, agad naman akong tumabi sa kaniya. Nakalimutan kong marumi na pala ako!
"A-ah Louie." Seryoso niya akong tinignan.
"Oh?" Ginulo niya ang buhok niya. Napansin kong namumula ang mga tenga niya.
"Ano kasi—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nagring ang cellphone ni Louie.
"I'll just answer this," saad niya bago tumayo at lumabas.
May naisip akong kalokohan! Shit HAHAHAHAHAHA. Natatawa ako kapag naiimagine ko ang itsura niya.
Pasimple akong sumunod sa kaniya. Tahimik lang para 'di niya mahalata.
Tumigil ako ng ilang dangkal nalang ang layo namin sa isa't isa.
"Yes...I'm here at my friend's house...no... I'll be there later..." Rinig kong sabi niya.
This is it!
"Ugh, b-babe...shit faster u-ugh... L-Louie ahhh f-fuck." Tumingkayad ako at inilapit ang bibig ko sa cellphone niya bago malakas na umungol. Sobrang pagpipigil ng tawa ang ginawa ko.
Gulat na humarap sa akin si Louie. Pulang-pula ang mukha niya.
Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa kaniya.
"What the hell, Hazel! Si mom ang kausap ko." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Biglang namutla ang mukha ko. Shit akala ko kaibigan lang niya.
Muli niyang inilagay ang cellphone sa tenga niya.
"M-Mom, ahm si Hazel po 'yon... Hindi po mom, she's just joking... What?! No! Uuwi ako. Walang nangyari ma." Pinatay niya ang tawag. Napasabunot siya sa kaniyanh buhok.
Kumunot ang noo niya, mas gwapo talaga siya pag seryoso o kaya galit.
Napalunok ako ng tinignan niya ako nang seryoso.
Huminga siya ng malalim.
"Pakisabi sa kuya, mo uuwi muna ako."
"S-sorry."
"That's okay."
Ilang oras na ang nakakalipas simula nung umalis si Louie. Kinakabahan pa rin ako. Nagtanong si kuya kung anong nangyari pero wala akong sinabi. Nakakahiya 'yung ginawa ko!
"May tumatawag." Iniabot sa akin ni kuya ang cellphone ko.
"Hello?" sagot ko.
["Hazel,"] kilala ko na agad kung sino ito. Si Louie.
"O-oh Louie, bakit?"
["Panagutan daw kita sabi ni mommy."] Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.
"Huh?!?" gulantang na saad ko.
["Ilang beses ko ng pinaliwanag sa kanila na wala namang nangyari sa atin, at nagloloko ka lang. Pero ayaw nilang maniwala."] Napasapo ako sa aking mukha.
"Pero, hala!" Wala akong masabi!
["Bakit ka kasi umungol—mom, kausap ko pa po si Hazel."] Mukhang kausap niya ang mommy niya.
"Louie,"
["Hello hija, this is Louie's mom. Don't worry, papanagutan ka ng anak ko. Ipapahanda ko na ang lahat, excited na ako!"] Napalunok ako sa sinabi nito.
Wtf! Ano ba 'tong pinasok ko!
"W-wait po—"
["Hazel, si Louie 'to. Nasa labas ako ng bahay niyo."]
Patakbo akong lumabas ng bahay namin.
Nakangisi ngayon sa akin si Louie.
"Damn. Ungol mo lang pala ang kailangan para maging akin ka." He chuckled. Then he bit his lower lip.
"H-ha?"
"Hazel, sorry pero wala ka ng kawala. It's either pananagutan kita o pananagutan mo 'ko. You choose, baby." Kinindatan pa niya ako.
Hindi ko pa rin maisip kung anong nangyayari. Fuck!
"Wait, 'di ko gets," naguguluhang sabi ko.
"It's your fault baby, you just fucking moaned when I was having my phone conversation with my mom. Kaya akala nila ano," namula ang mukha niya.
"Ano?"
"Ano, shit. 'yung nag-ano tayo."
"Nag chukchakan?"
Bigla siyang natawa sa sinabi ko.
"Damn, baby. Ipinaliwanag ko na sa kanila. Pero ayaw nilang maniwala."
"Pano 'yan Louie?"
"Nandito nga sila e, mamamanhikan na raw." Napahawak ako sa sentido ko.
Hinapit niya ang bewang ko at tsaka lumapit sa akin. Ibinaba niya ang mukha niya para magkapantay kami."Don't worry, I'll be the one to handle everything." Tumaas ang gilid ng labi niya.
"Boyfriend na ba kita?" Umiling siya.
"E ano? Kaibigan lang? Pero with benefits?"
"What?!"
Natawa ako sa reaksyon niya. Seryoso naman siyang tumingin sa akin.
"I'm your husband now, baby." Napanganga nalang ako sa sinabi niya.
Tangina?!
~Ctto