Aya's POV
Waaaaaaaaaaaah!!
Sembreak naaaaaaaaaaaaaaaa!!
Haaaay, medyo boring lang pero okay lang yun at least bakasyon na naman!! Pero nasaan kaya si Tristan??
Hmmmm.....
Nagtataka kayo kung bakit hinahanap ko yung unggoy na yun noh?? Kasi this past few days lagi na siyang pumupunta dito samin. Bakit? Hindi ko rin alam. Kaya medyo comfortable na ako na kasama siya. Sanay na ako sa mga kalandian niya pag nandito siya samin or pag magdedate daw kami. Sanat na rin ako sa mga kakulitan at pagiging moody niya. Sanay na din ako sa boyfriend-girlfriend na laro namin. Dati kasi medyo naiilang ako eh, parang hindi pa ako sanay pero ngayon okay na. Sabi nga nila Camx para na daw totoo eh. Pero ewan ko ba kay Tristan kung bakit ayaw niya pang tapusin.
Yung sa may suspension ko naman, ayun tapos na. Nakapasok na rin ako pero 1 week lang kasi meron nga kaming sembreak. Akala nga daw ng mga kaklase ko nag-pa drop na ako, dahil 2 weeks daw akong hindi nagparamdam sa kanila.
After kong mag-kwento sa inyo, kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Tristan
-----
To: TristanHey, himala wala ka yatang balak dalawin ako?? Hmmm... Tampo ako niyan :<
-----Sent!!
Haaay sana naman mag-reply siya, bored na talaga ako eh.
*Bzzzt...Bzzzt*
Yan nagreply na siya!!!!!
-----
From: TristanHahaha, miss mo naman agad ako. Wag kang mag-alala medyo busy eh, pero pupunta ako diyan wait ka lang vanilla.
-----
Pag-kabasa ko nung text niya, nagreply agad ako.
-----
To: TristanHahaha, utot mo!! Bilisan mo lang dala ka ng pagkain at bagong kwento.
-----Sent!!
Nag-ayos na agad ako ng itsura ko, malay mo kasi mukha pala akong sabog dito diba??
Inayos ko na rin yung kwarto ko, ang dami ko kasing kalat eh.
Maya-maya may narinig din akong nag-doorbell, kaya sinilip ko muna yun sa bintana ko. Nung makita ko na si Tristan yun, kumanta muna ako habang nandito ako sa may veranda.
You set it again my hearts in motion
Every words feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm inlove
And I'm terrified
For the first time and the last in my only life
Tapos nakita ko siyang pumalakpak.
BINABASA MO ANG
Instant Girlfriend (REVISING)
FanficAng pag-ibig ay hindi isang laro na kapag gusto mong umayaw-aayaw ka na.