Vacation Starts

10 0 0
                                    

"Gusto mo mag-bakasyon dun sa condo?" tanong ni tita sakin. Syempre naman pumayag ako. Haller? Condo yun pre! Charaught!

April 18, 2014; 3:45 am nang umalis kami sa Mangaldan at pumunta sa Five Star Terminal sa Dagupan. Excited na excited ako. Humiwalay ako ng upuan sa kanila mommy. Para naman feel ko na parang mag-isa ko lang bibyahe. "Kuya isa pong Mega Mall"  habang inabot ko yung bayad ko. :) *I'm such a feeler talaga!*

Nag-status at nag-tweet ako kaagad sa account ko sa Twitter at Facebook. ;) "Going to Cainta, Rizal" in just 2 hours may nag-comment na "Uy condo girl! Rich kid!" Kingina! Magbabakasyon lang sa condo, rich kid agad?! Pawata pre!

Nag-status ulit ako "Cambridge in a bit." Yes na yes! Parang gusto kong magmayabang sa kanila na naka-condo ako! Kaso, bakit ako magyayabang e magbabakasyon lang naman ako? :(

It's time! Pagkapasok namin sa gate sinalubong agad kami ng guard. Nung nakapasok na kami sa unit, I was like"Gosh ang ganda! Dito na ako titira!" Tapos yung room ko "daw" was so cute na ayoko ng umuwi sa Pangasinan.

After 3 days "Ashi tara na uwi na tayo ayusin mo na yang mga gamit mo." Grabe naman! 3 days palang ako dun tapos uwi na ako agad. -3-  PERO nabuhayan ako ng loob nung sabi ni tita na "Auntie dito pa si Ashi sa May nalang po siya uwi pag-uwi ko dito galing America tapos dito ko na siya bibilhan ng school supplies niya." Tumakbo agad ako sa kwarto at nagsisigaw ng "YES! YES!" pagkatapos nun pumasok din si mommy sa kwarto sabay yakap ng mahigpit sakin tas umiyak ,"Wag kang pasaway dito ha. Babalik ako. I love you anak! Mamimiss kita!" Tapos un, umalis na sila at naiwan ako. ;)

Lust SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon