One Shot

42 3 0
                                    

"Histrionic Personality Disorder"

"I am Kate Madrigal, I'm diagnosed has a H.P.D stands for Histrionic Personality Disorder." sabi ko habang nasa upuan ako at lahat ng ibang may mga disorder ay nakatingin sa akin.

"Gusto mo ba Miss Kate i-share mo sa amin ang kweto mo at paano mo nalaman na mero'n kang ganiyan disorder?" sabi ng babae na nasa gitna na nakatayo.

"These past few months isa pa akong normal na high school student at nag-aaral sa isang magandang paaralan. But ito kasama na ninyo na ako." pauna kong sabi.

(Few months ago...)

"Kuya!!!!" sigaw ko kay Kuya na mahimbing na natutulog sa kama niya. Nagising ko naman siya kaya agad siyang bumangon.

"O, baby girl ikaw pala." agad naman akong yumakap kay Kuya. Naasar naman ako dahil imbis na yakapin na muna niya ako inuna muna niya ang pag-alis ng muta niya.

Lalo ko naman hinigpitan ang yakap sa kaniya para mapansin niya ako. Alam ko na matanda na ako para umasta na parang bata kaso I want this attitude. Kuya loves me if I have this.

"Hindi na ako makahinga Kate. Teka, nag-almusal ka na ba?" sabi niya habang inaayos ang buhok.

"Hindi pa. Saka Kuya regalo ko?" Yes, its my birthday today. "I know hindi mo 'yon nakalimutan." masaya kong sabi.

"Ah, kasi?" sabi ni Kuya habang kinakamot-kamot ang ulo niya. Nag-iba naman ang timpla ng mood ko ngayon. Mukhang kinalimutan niya ang birthday ko. Nawala naman ang ngiti na nakasilay sa akin labi. "Sorry nakalimutan ni Kuya madami kasing ginagawa sa company. Yamo babawi naman sa'yo si Kuya at isa pa malay mo may ibigay din sa'yo sila Mommy at Daddy."

"Okay. Kailan nga pala uuwi sila Mommy? Celebration ng birthday ko sa linggo, e." tanong ko.

"Hindi ko alam bunso. Alam mo naman 'yong mga 'yon. Pagpasensyahan mo na, saka ayaw mo bang kasama si Kuya?" nalungkot naman ako sa sinabi ni Kuya dahil para wala na talaga ako kila Mommy. Hindi na nila naiisip na may bunso silang anak na nagdaraos ng kaarawan.

"Gusto Kuya. Ahhhhmm... basta ako lang ang baby mo, ne?" masaya kong sabi.

"Oo naman kahit may girlfriend pa si Kuya." sabi niya sabay pisil sa pisngi ko. Napakunot naman ang noo ko. Tama ba ang pagkakarinig ko? 'Girlfriend'?!

"No, kuya hindi ka pwe-pwedeng mag-girlfriend." matigas kong sabi. Napahalukipkip na lang ako at napairap sa kawalan.

"Bakit?" malungkot na sabi ni Kuya.

"If I said 'No.' NO!!!!!!" sigaw at sinabakan ko na ng layas.

Pagbaba ko ng kusina nakita ko ang mga katulong na parang may masaya na pinapanood sa t.v. Ang pinapanood nila ay isang singer na hindi ko kilala. I don't care, kung sino siya!

"Ang galing talaga niyang kumanta." sabi ng isang katulong na tutok na tutok sa t.v.

Lubhang naiinis ako kapag ganiyan sila. Ako ang Amo nila kaya dapat nasa akin ang atensyon nilang lahat!

Kinuha ko ang isang baso na nasa lamesa at binagsak ko ito malapit sa may paa ko. "Arrrrrrraaaaayyy!!!"

"Naku! Ma'am Kate!" sigaw ng mga nag-aalalang katulong. Lalo naman silang ninerbyos ng makita nilang nagdudugo ang binti ko at may mgg bubog na tumalsik dito.

Napangiti naman ako ng makita ko kung paano sila mag-alala sa akin. "Bata ka anong nangyari sa'yo?" sabi ng pinakamatandang katulong sa akin.

"Yaya, masakit." umiyak ako. Hindi ko narin maramdaman ang sakit dahil natutuwa ako sa atensyon na binibigay nila sa akin.

Histrionic Personality Disorder (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon