"Okay Class, be sure to pass your homework on the said day. Is that clear? ."
Yan lang ang tanging narinig ko sa buong lesson ng guro. Hindi kasi ako makapag concentrate dahil sa masakit ang katawan ko. Lalabas na sana ako ng lumapit ang mga kaklase ko pati na rin si Candy sa akin at inilapag ang mga notebooks nila sa mesa ko.
"Alam mo na ang gagawin diyan. Tutal, matalino ka naman diba."
"Siguraduhin mo lang na tama yang mga sagot."
"Kailangan mauuna yang sa akin."
Isa isa din silang umalis. Noon, gustong gusto ko talaga ng homework pero ngayon, kinatatakutan ko na ito. Paano ba naman kasi, ako ang gumagawa ng homework ng iba kong kaklase. Minsan hindi na ako nakakatulog. Dagdagan mo pa ang mga utos nina Mama.
Umalis ako ng classroom at nagtungo sa rooftop. Dun na ako madalas na pumupunta dahil tahimik.
Umupo ako sa sahig at isinandal ang likod ko sa isang pader. Napapikit ako ng mata dahil nakaramdam ako ng sakit sa katawan bigla ko namang naalala ang ginawa sa akin ni Tiyo Felix kaya hindi ko maiwasang mapaluha.
Si Papa ni isang beses ay hindi ako nagawang sigawan kaya nga minsan naiisip ko na baka nga hindi talaga ako minahal ni Mama. Tumigil ako sa pag iyak ng naramdaman ko na may nakatingin sa akin. Pagmulat ko, nagulat na lamang ako na nasa tabi ko na palang nakaupo si Vincent. Hindi naman masyadong malapit. Sapat lang ang distansya. Nakatingin lang siya sa akin.
Iniiwasan ko yung nga tingin niya. Akala ko pa naman ay walang pumupunta dito. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad ng bigla siyang nagsalita.
"Wait."
Tumayo siya at dahan dahang lumapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya o kung ano ang gagawin niya basta ang ginawa ko ay nagmadali akong umalis sa rooftop.
I regret leaving the rooftop while running. Mas tumindi ang sakit ng katawan ko na parang sinusuntok ng paulit ulit. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa ulo ko kung bakit ginawa ko yun. Hindi naman sa natatakot ako kay Vincent.
Huminto ako sa paglalakad at sumandal sa pader. Napapagod ako at nagugutom rin.
"Rain!!!"
Boses yun ni Owen. Tumayo ako ng tuwid at ngitian ko siya habang palapit sa akin. Kasama niya sina Arthur at Terrence.
"Kanina pa kita hinahanap. Tara kain tayo. Manglilibre si Arthur."
"Ano?. Tsk. Rain ililibre kita pero ikaw lang. May pera naman kayo diba?."
Tumango lang ako sa sinabi nila. Si Terrence naman ay nanatiling tahimik kaya kinausap ko ito.
"Terrence may problema ka ba?"
Tanong ko. Tinignan niya ako sa mata. Ang mga titig niya sa akin ay parang may pagtataka. Napansin din naman ng dalawa yun.
"Rain. Tell me, okey ka lang ba?"
Napakagat ako ng labi tapos tumawa. Pinilit ko na gawing natural ang kilos ko. Sana hindi nila napansin na may kakaiba sa akin. Pero bago ko pa masagot ang tanong ni Terrence may nagsalit mula sa likod ko.
"Terrence, Arthur, Owen. Jordan's waiting for you in his office. Dalian niyo raw."
Si Vincent na namam. Bakit bigla bigla siyang sumusulpot?. Hindi ko man lang napansin. Nagtinginan ang tatlo na mukhang naguguluhan.
"Ngayon na?"
Tumango lamang si Vincent. Kaya walang nagawa ang tatlo. Habang papalayo sila, nakita ko pang lumingon sa akin si Terrence... May problema ba siya?. Iba siya ngayon.
Nakalimutan ko, nandito pa pala si Vincent. Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko. Mabuti na lang at hindi yung parte na masakit.
"A-anong kailangan mo?"
Tanong ko.
"Kailangan mong pumunta ng Clinic. Your badly hurt."
"A-ano?. Paano---"
Bigla niyang inikot ang damit ko sa may tagiliran kaya napatingin ako. Kaya naman pala masakit yung parte na yun. Dumudugo na pala. Hindi maayos ang pag gamot ko sa sugat sa may tagiliran ko. Yun yung sa picture frame. Mukhang kailangan ko nga pumunta ng clinic.
"Paano ba to? Wala yung nurse."
Sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa kama. Mukhang ako na muna ang gagamot dito.
Nagulat ako sa pagbukas ng pinto. Si Vincent pala. Parati na lang ako nagugulat sa presence niya.
"Anong----"
Napansin ko ang dala niya na first aid kit.
"Jusy stay still."
Ginawa ko ang sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala na akong lakas. Talagang pagod ako.
Naramdaman ko ang unti unting pag angat ng shirt kaya pinigilan ko ito at tinignan siya ng masama.
"Don't worry. Wala akong gagawing masama ."
I don't know why pero naniniwala ako sa sinasabi niya. I felt secure by his words. Hinayaan ko lang siya na gamutin ang sugat ko. Habang ginagamot ako, napansin ko na he's gentle. Hindi gaanong masakit yun. Before I knew it, tapos na pala.
" Uhm... Salamat Vincent."
He didn't say anything at lumabas lang nang room. Siguro aalis na yun. Hindi na muna ako umalis sa clinic. Gusto ko munang magpahinga kahit konti. Humiga ako at pipikit na sana ng biglang nag ring yung phone ko. Pagtingin ko sa caller, agad ko yun sinagot.
"Hello?. Seth?... Miss na miss na kita bestfriend..."
Tuluyan nang nagsilabasan ang nga luha ko miss na miss ko na talaga si Seth. Miss din kaya niya ako?.
"Seth... Ba't ngayon ka lang tumawag?. Alam mo ba kung gaano ko hinintay na marinig ang boses mo?.... Seth.... Seth?. Hello?"
Bakit hindi siya nagsasalita?. Tinignan ko ulit yung caller. Si Seth nga pero bakit ayaw niya magsalita?. Tanging malalim lang ng paghinga ang naririnig ko. Paulit ulit kong tinatawag ang pangalan niya pero wala.
" S-seth... Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sayo pero... G-gusto ko lang malaman mo na miss na kita at ayos lang ako dito... Alam ko na nag aalala ka sa akin...Seth-----"
*Toot Toot Toot Toot*
Binaba na niya ang tawag. Pero ni isang salita wala siyang sinabi. Bakit?. Ano ba ang nangyayari sa kanya doon?. Sigurado ako na si Seth yun pero bakit?...
Mas lumakas ang pag iyak ko. Hindi ko siya maintidihan. Ayaw niya na ba sa akin?. May nagawa ba akong mali?. Bakit naman Seth... Kailangan kita ngayon.
Umiyak ako ng ilang minuto hanggang sa wala na Talagang luha na lalabas. Inayos ko ang sarili ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Magang maga ang nga mata ko at pulang pula ng ilong ko. Kailangan ko nang bumalik sa klase...
Paglabas ko ng Room, nagulat ako ng nakasandal si Vincent sa pader at nakapikit... Kanina pa ba siya nandito?. Ibig sabihin... Narinig niya lahat?. Pero bakit?. Akala ko pa naman umalis na siya. Nakakagulat talaga ang bigla bigla niyang pagsulpot.
Pero... Nagpapasalamat ako sa ginawa niya ngayong araw. He has a good side afterall.
-LOUISSE💙
BINABASA MO ANG
The Girl In Distress (Slow Update)
Teen FictionAkala ni Rain na ang kasalukuyan niyang buhay ay sadyang mahirap. Little did she know about what is coming ahead and the truth that will break her apart. Highest Rank Achieved : #2 in Distress [ 07/07/19] #4 in Bullied [09/14/19] Started: May 9, 20...