"Bakit ka naririto?"
Napamulat ako sa maliwanag na paligid, at nakita ko 'siya', nakaharap ang kanyang likuran sa akin ngunit alam kong siya iyon. Sa tangkad niya sa akin, sa kanyang buhok, alam kong siya iyon.
"Narito ako upang iligtas ka"
Naramdaman kong tumawa siya ng mahina, hindi pa rin siya humaharap sa akin datapwa'y lumakad pa papalayo.
"Bakit?"
Bakit? Bakit nga ba? Kasi mahal ko siya? Tama, dahil minamahal ko siya.
"Dahil mahal kita at ayaw ko na mawala ka sa akin, hindi ko kaya"
Natigilan siya sa paglayo sa akin, kinuha ko ang pagkakataong iyon para lumapit ngunit natigilan rin ako nang siya'y magsalita.
"Ngunit bakit hindi mo ako 'napigilan'?"
Naririnig kong humihikbi siya, nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.
"Hindi ko alam ang kinaroroonan mo at kung ano ang iyong 'ibig gawin'"
"Ngunit paano mo nasabi na mahal mo ako kung wala ka naman sa tabi ko nang mga sandaling iyon?"
Natigilan ako sa mga sinabi niya, hindi alam ang mga sasabihin ko at wala rin namang balak bumuka ang aking bibig. Paano ko nga ba nasabi, puro lang ako palusot makuha lang ang nais ko.
"Bakit ka naririto?"
Pagulit niya sa kanyang tanong.
"Kasi mahal kita at nais kong makasama ka, kaya ako naririto"
Alam kong ikinagalak niya ang sinabi ko, nagagalak rin ako, kadahilanang iyon ang totoo.
Humarap siya sa akin para ako'y akapin, at ako'y lumapit sa kinaroroonan niya.
"Mahal din kita"
"Mahal din kita"
BINABASA MO ANG
"Kasi Mahal Kita"
Teen Fiction"Kasi Mahal Kita" "Huwag mo akong sukuan, please" "Hindi ko na kaya" "Masakit na kasi eh" "Huwag mo akong iiwan" "Mahal kita, bakit ko gagawin iyon?" --twiction