HCAD Library

88 2 0
                                    

This is a true story . . . . . .

Nangyari ito sa Eskwelahan ng Holy Cross Academy Of Digos City sa Probinsya ng Davao del Sur. Ikinwento ito ng isang Teacher sa kanyang mga Estudyante.

May isang Maintenance sa Eskwelahan ng Holy Cross na kada gabi raw ay naglilinis ng Library sa Holy Cross.

Mahilig daw si Kuyang maglinis ng Library kada gabi. Gusto niya daw kasing maglinis ng Library na wala nang mga Estudyante sa Eskwelahan.

Mga ilang days na daw siyang naglilinis ng library kada gabi. Mga Ilang days lang naman kasi ngayon lang daw siya nadisturbo. 

Nung isang gabi daw mga 9pm ng gabi naglilinis si Kuya. Medyo late na, hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nalate siyang naglinis. Wala ng mga tao, Dalawa nalang sila ng Guard na nasa Guardhouse. Medyo malayo layo ang Guardhouse sa Library. Umakyat na siya sa Second Floor na kung saan Nandoon ang Library. Kinuha niya yung  susi sa kanyang bulsa para mabuksan na ang Pinto at makapagsimula na siyang Maglinis. Pinaandar niya lahat ng ilaw sa library. Inayos niya muna yung mga Upuan, Bookstand na nasa lamesa at ang mga Lamesa. Inayos niya rin ang mga Newspapers at  Libro sa mga BookShelves. Inayos niya rin yung mga Dictionaries at Encyclopedias. Meron din kaming mga computer sa library pero kakaunti lamang. Chineck niya lahat ng computer kung hindi na nakasaksak. 

Ang lakas talaga ng loob ni kuyang maglinis ng library sa ganoong oras. Hindi talaga siya natatakot.

Sa may likod ng Library o sa may likod ng Librarians Chair, ay May isang kwarto kung saan nandoon nakasilid ang mga gamit panglinis. Kinuha ulit ni kuya yung mga susi sa kanyang bulsa. Maya maya pay binuksan niya ito at pagbukas niya , napahinto siya , gulat na gulat, namumutla, halatang halata sa kanyang mukha na takot na takot siya at napasigaw. May nakita siyang isang lalaking nakalutang, duguan at may hawak na kutsilyo .Nakatutok kay kuya yung kutsilyo. Takot na takot talaga si Kuya. Umatras si Kuya at biglang tumakbo. Hinabol si Kuya ng Lalaki palabas ng Library hanggang sa dulo ng Hagdanan. Pagdating ni kuya sa dulo ng hagdanan naglaho na yung nakalutang at duguang lalaki na may hawak ng kutsilyo. Tumakbo ulit si Kuya papuntang Guardhouse. Takot na takot talaga siya. Pagdating niya sa guardhouse, tinanong siya ng guard kung anong nangyari sa kanya. 

Manong GUARD: Anong Nangyari sayo? . Bakit ka tumatakbo?. Bakit namumutla ka?.                                         

KUYA(maintenance): ah . wla . wla. (Takot na Takot ang mukha, sabay lingon at tingin doon sa Library)

Manong GUARD: Tapos ka na bang maglinis? 

KUYA(maintenance): Oo.Oo. (Gulat na Gulat parin)

Manong GUARD: Ah, ganun?. pinatay mo na ba lahat ng ilaw?. Nilock mo na yung pintuan ? 

KUYA(maintenance): Oo.Oo. Uuwi na ako.

Hindi na binalikan ni Kuya ang Library para patayin lahat ng ilaw at ilock ang mga pintuan. Sino ba naman ang babalik pa doon?. Nakakatakot kaya noh.. Hindi na namin alam kung nasa Holy Cross pa ba si Kuya Maintenance.. 

So, doon lamang nagtatapos ang kwento :) thanks guys :) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HCAD LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon