Chapter 1

11 2 0
                                    

ATHENA'S POV

"Bumangon ka na nga dyan!" Nagising ako dahil sa sigaw ni mama.

"Opo, babangon na po" pabalik na sigaw ko

Hi hello! Ako si Athena Ariyah Aurelia Yamarra. Disi otso (18) anyos at nagaaral sa Victoria University. First year college na ako at kinuha kong kurso ay Culinary arts. At ang Victoria University ay isang paaralan kung saan maraming mga mayayaman at may kakayahang mag bayad ng malaking halaga para makapasok sa school na'yun.  Mahirap lang kami at nakakapasok ako dun sa school na'yun kasi scholar ako.

"Ano, tutunganga ka nalang dyan? Wala kang balak kumilos?! Magsasaing ka pa!" Ayun si mama. Ganyan na talaga yan. Sa lahat ng kamalasan na nangyayari sa buhay nya, ako lagi ang nakikita nya para sisihin. Sanay na ako sakanya at di naman ako nagtatanim ng sama ng loob sakanya kasi naiintindihan ko naman, malas naman talaga ako para sakanya

"A-aray ko teka ma!" Hinigit ni mama ang tenga ko hanggang makapunta kami sa likod ng bahay. Nandito kasi yung kusia namin

Walang bubong dito sa kusina namin at umulan kanina kaya malapot at maputik ang lupa

"Kailangan pa kitang hilahin para mapabilis ang pagpunta mo dito! Magsaing ka na!" Nataranta ako dahil sa sigaw ni mama mismo sa mukha ko

"O-opo mama" nilayasan ako ni mama

Nagsaing na ako at naligo narin. Si mama na muna ang magbabantay sa sinaing baka ma-late pa ako

Habang naliligo, di ko maiwasang isipin kung anong mali sakin. Di ko maiwasang mag-reklamo sa buhay na meron ako. Ano bang ginawa kong masama nung nakaraang buhay ko?

Bakit kailangan kong maranasan ang mga pananakit galing sa nanay ko? Sa mga schoolmate ko? Bakit hindi ko nakilala ang tatay ko? Bakit di ko sya nakita?

Pinunasan ko ang luha ko na kanina pa tumutulo at tinapos ang pagligo. Kailangan ko ng bilisan bago pa ako masigawan ulit ni mama

Binilisan ko na ang pagbi-bihis at lumabas na ng kwarto naming tatlo. Sama sama kami ni mama at kuya sa isang kwarto. At dahil maliit lang ang kama, sila mama at kuya lang ang nagkasya doon. Natutulog ako sa matigas na upuan, mas kumportable naman ako sa matigas at hindi sa medyo malambot. Okay lang naman sakin na makatabi ang mga lamok tuwing gabi e.

Pumunta ako sa kusina para sana kumain pero nakita ko dun ang tatlong pandesal. Ubos narin yung sinaing ko kanina. Gutom na gutom pa naman ako. Okay naman na siguro to, ako lang naman ang kakain.

"Yan lang ang natira kaya kainin mo na. Wag ka ng maarte" pagalit na sambit ni mama sa likod ko

"Di naman po ako gutom e, tsaka masarap naman po to" nginitian ko si mama ngunit tinarayan lang ako nito

Kinuha ko na yung tatlong pandesal at nilagay sa plastik. Mamaya ko na'to kakainin kapag nasa jeep na ako

"Ah ma, yung baon ko po—" di ko na natapos ang sasabihin ko ng ibato sakin ni mama ang dalawang bente.

Pinulot ko nalang yun at humarap ulit kay mama

"Sige na po mama, aalis na po ako" ngumiti ako kay mama. Hahalikan ko sana sya sa pisnge ng i-iwas nya ang kanyang mukha sakin

"Umalis ka na nga! Andami mo pang sinasabi!" Iwas ang kanyang paningin sakin habang sinasabi iyon.

Ngumiti nalang ako at lumabas na ng bahay. Medyo malayo ang terminal ng jeep dito pero nilalakad ko lang para makatipid ako sa pamasahe. May trabaho naman ako tuwing sabado at linggo sa isang cafe pero kailangan ko paring magtipid para makaipon para sa kaarawan ko. Para naman maranasan ko rin ang paghandaan ng maraming pagkain sa espesyal na araw para sakin

We're Destined TogetherWhere stories live. Discover now