Chapter 2

3 0 0
                                    


ATHENA'S POV

"Athena, ano yung eksena mo kanina with papa Jed? Yung pagbayad mo sakanya sa jeep kanina, yung pagpigil nya sa pagsampal sayo ni Gianne? What the hell is going on?" Napayuko ako dahil kahit ako, di ko rin alam kung anong nangyayari

Isa lang naman akong nerd na niligtas ng prince charming ng karamihan. At ang tanging ginawa ko lang ay tulungan syang magbayad sa jeep.

Di ko naman akalain na tutulungan nya rin ako. Bali-balita kasi na gangster sya at pag gangster ka, natural na masama ka

Ang judgemental mo naman kasi Athena. Ni hindi mo pa nga nakakausap yung tao, may nasasabi ka ng masama sakanya.

"H-hindi ko rin alam Sabrina. Ang alam ko lang, tinulungan ko syang magbayad sa jeep" naguguluhan kong pag-sagot sakanya

Lunch time namin at papunta na kami sa cafeteria. Ayoko pumunta dito dahil mabu-bully nanaman ako pero di ako pinakinggan ni Sabrina. Ang sabi nya, sya na daw bahala sakin at dapat di na ko mag-alala. Pero di ko maiwasang mag-alala e.

"I-ikaw nalang ang bumili Sabrina. Alam kong bu-bullyhin nila ako" pinipilit kong hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak nya sakin pero masyadong mahigpit at kapag hinihila ko paalis, ako yung nasasaktan

"Walang mangyayari kung di mo sila lalabanan. Ang ending, ikaw nanaman ang kawawa kaya tara na" wala na akong nagawa dahil tuluyan na kaming nakapasok

Natigilan sa pagkain ang mga estudyanteng malapit samin ng makita nila kami, or should I say, ako. Nagsimula na silang magbulungan tapos tatawa.

"Girl yung nerd oh"

"Yan yung mahirap diba?"

"Bakit nandito yan?"

"Tago nyo yung bag nyo girls, mamaya mawala yan ng di natin nalalaman"

Napayuko ako dahil di ko kayang tanggapin ang mga sinasabi nila. Sinasabi ko na nga ba, dapat hindi ako pumasok dito dahil ako nanaman ang nakita nila para gawing katatawanan

"Wag kang makinig sakanila Athena. Tara na, hanap na tayo ng mauupuan" hinila na agad ako ni Sabrina.

Pumuwesto kami malapit sa labasan ng cafeteria. Naiwan akong mag-isa rito dahil nag-order si Sabrina para saming dalawa.

Pinipilit ko pa sya kaninang wag na akong bilhan ng pagkain dahil may bente pesos naman ako at may tinapay na di ko pa nakakain pero sya tong nag pumilit na bilhan ako

Mahal ang mga pagkain dito kaya siguro mamayang uwian pa ako makakabili sa labas ng biscuit dahil yun lang naman ang kaya ng bente pesos ko. Pamasahe ko pa kasi sa jeep papauwi.

"Look oh, si Sabrina ang bumili ng pagkain nila"

"Bakit naman kasi ang bait ni Sabrina?"

"Di nya alam, nau-uto na sya"

Di naman dapat talaga ako masaktan dahil di naman totoo, pero kasi ang sensitive kong tao. Mahirap mag bingi-bingihan at mahirap mag kunwaring okay lang kahit you're dying inside.

Nakabalik na si Sabrina at patapos na syang kumain pero nakayuko parin ako. Di ko ginagalaw ang pagkain ko. Nakakahiya na'to, dapat talagang pigilan ko na syang lumapit sakin dahil pati sya, madadamay sa masasakit na salita na dapat ako lang ang tumanggap.

"S-Sabrina, s-salamat sa pagkain. M-may sasabihin pala ako sayo" napatigil sya sa pagkain at binaba ang mga kubyertos.

"Ano yun Athena?" Nakangiti pa sya nung nagtanong sakin

We're Destined TogetherWhere stories live. Discover now