Chapter 10 - Spicy Sauce

80 5 0
                                    

--------

[ Krystel's POV ]

Bogsssshhh

Galit kong sinipa yung gate ng bahay ko.Gutom na nga,iniinis pa.Paasa wala lang palang pagkain.

Dumiretso muna ako sa kusina at naghalungkat ng maaring makain.Unang sumagi sa paningin ko yung pancit canton.Dahil sa sobrang pagkagutom hindi ko na ito linuto,binuksan ko at yung canton nalang niya ang kinain ko.Yung sauce niya ibinasura ko nalang.Walang hindi masarap para sa mga taong gutom.

Sunod kung kinain yung loaf bread na may palamang ladies choice na may corn beef.

"Hoy Babs"

"Ay kabute !"

Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Lei.

"Ang Oa mo.Late reaksyon ka naman palagi.Tsaka ka lang nagulat nang tapos na akong magsalita"

Talagang nagpakita na naman ang nakakainis na pagmumukha niya.

"Bakit ka naman ba andito?Leche ka umalis ka na nga.Nakakainis yang pagmumukha mo"

"Sorry na,hindi ka naman mabiro.Actually,dinalhan kita nang pagkain"

"Paki ko ba sa pagkain mo?tapos na akong kumain.Lamunin mong magisa mo"

"Sorry na kasi,nakain ko na kasi yung pagkain kanina.Binilhan na nga kita nang pagkain oh"

Sabay pakita sa akin nang mga binili niyang pagkain

"Talaga?"

May naisip akong maganda.haha humanda kang Lei ka

"Samahan mo akong kumain"

"Ha?kala ko ba tapos ka na?"

"Tanga,kakain nga uli diba?"

"So hindi ka na galit sa akin?"

"Gutom lang ako"

Agad naman siyang umupo sa tabi ko.At inihanda yung kakainin namin na binili pa niya sa Jollibee.Yung favorite foods namin.

"Hep hep ! Ako nang bahala dito,kumuha ka nalang ng plate at mga kutsara't tinidor."

"Okay na ito,kumpleto na naman."

"Nagrereklamo ka?"

"Ah hindi"

Sabay tayo niya uli at kumuha na ng pinapakuha ko.

Ako naman dalidali kung nilagyan ng spicy sauce yung hamburger niya.Haha

"Oh heto na"

Sabay lapag ni Lei ng dalawang pinggan,kutsara at tinidor.

Kunwari kakainin ko yung hamburger para maki sabay siya.Hehe

Pagkasubo niya,bigla niyang binitawan agad yung hamburger at napaubo-ubo.

Agad naman na namula ang mukha niya.Tinuro niya yung baso saka agad agad ko namang nilagyan ng suka,basta yung puti na suka na naka bote.Yung iniwan pa ni ate bago siya umalis haha

Sorry yun lang kasi ang available na nasa table hehe

Ininom niya lang iyon at halos ininom niya yung kalahati.Nagulat nga ako kasi sobrang laki nong baso.

Hahahahahaha kawawang Lei hahaha

"A-ang b-bastos mo !"

Pilit na sabi ni Lei.Kawawa nga,sobrang pula na ng mukha,tulo yung pawis at nangingiyak na rin haha.Sobrang hanghang kaya ng nilagay kong spicy sauce tapos yung suka na pinainom ko.

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon