"Jake...
Tapusin na natin to!Tapusin na natin ang relasyong ito!"
Masakit pero kailangan kong magdesisyon.Mahal ko sya pero di ko kayang patuloy pang masaktan ang puso ko.
"Kisha please...Wag mong gawin to.mahal na mahal kita!Di ko kayang mawala ka!Please.." pagsusumamo ni Jake.
"Kung mahal mo ko bat mo nagawa yun?Ang tagal tagal nyo na palang nagkikita ng wala akong kaalam alam!Nagtiwala ako sayo.na ako lang!Pero bakit Jake?Bakit?
Ayoko na!Itigil na natin to.Hayaan na natin ang isa't isa. Sabi ko nman sayo dati pag may nakita kang iba, sabihin mo sakin matatanggap ko.Hindi yung ganito."
Pareho na kaming umiiyak!
Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.Di naman ata ganun kadaming tubig ininom ko pero bakit parang ang daming tumutulo mula sa mga mata ko?
Puro sakit ang nararamdaman ko.Sobrang sakit!
"Mahal na mahal kita!Alam mo yan!At kaya kitang pakawalan kung yun ang makakapagpasaya sa'yo."
Para kaming eksena sa teleserye.
Sobrang drama!
Puro iyakan!
Kahit anong sabihin nyang MAHAL nya ako.
Di ko maramdaman..
Dahil puro sakit lang ang nararamdaman ko.Sobrang sakit..
Tenext ko si Lia.
"Gusto ko lang malaman.MAHAL MO BA SI JAKE?"
message sent
1 message received
"OO"
Sa sagot na yun ni Lia, sobra kong nasaktan.
Tama nga sigurong pinalaya ko na si Jake.
Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong may mahal ng iba.
Kahit masakit..
Kahit halos madurog ang puso ko.
dahil mahal ko sya...
hahayaan ko sya sa piling ng bagong mahal nya..
</3
BINABASA MO ANG
Maling Panahon at Pagkakataon
Short StoryIn every relationship there are two people, the one who gives, and the one who holds all the power. ~ Tigress Luv