Keeping you with me Yasmina

56 2 0
                                    

Prologue

"Hindi siya ang para sayo Vladir! Si Anja ang babaeng nararapat sayo at siyang magtatayong muli sa lahi natin!" galit na sigaw sa'kin ni Madeleen.

Siya ang ina ko na ang laging hangad ay ang kapangyarihan. Nagagalit ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na saktan siya dahil kinikilala ko pa rin siyang ina.

"Hindi ko mahal si Anja. At kahit na ikamatay ko pa, hindi ko mamahalin ang tulad niya." kalmang sagot ko sa kanya pero galit akong tumingin.

Humakbang siya paatras at napatulon na lamang ng laway.

"Listen to me son. Ako ang nakaka-alam kung sino ang karapat dapat sayo. Si Anja yun at hindi ang mortal na babaeng kinahuhumalingan mo." mahinahon din nitong sabi pero bakas dito ang galit.

Napailing na lang ako sa sinabi niya saka umalis ng walang paalam. Simula ng mawala si ama ay parang nawala na rin siya sa sarili.

Pinapakasal niya ako sa babaeng hindi para sa akin at alam kong alam niya yun. Gusto niya lang akong ipakasal kay Anja dahil ang pack nila ang pinakamalakas ngayon at nanganganib naman ang pack namin dahil sa pagkawala ng ama kong si Martin.

Ang dapat sana ay ako na ang nasa pwesto ni ama pero hindi pa pumapayag si ina.

Isa kaming werewolf at ang bawat pack ay dapat na may Alpha. Pero hindi pa kayang isuko ni ina ang position bilang Luna dahil nais pa nitong maghigante sa pumatay kay ama.

Sinabi ko sa kanyang ako na ang bahala pero mas nais niya na siya ang papatay sa lalaking yun.

Sumakay ako sa sports car ko saka nagtungo sa city para makita ang babae mahal ko.

Nag-aaral pa lamang siya bilang freshman sa may kamahalang University at ganito lagi ang routine ko araw-araw. Nasa loob lamang ng kotse at pinagmamasdan siya. Binabantayan kung saan man siya magpunta at binabalaan ang mga lalaking gustong manligaw sa kanya.

Walang sino man ang dapat na humawak sa kanya. She's mine. My mate.

**********************************

"Bye Yas! Tomorrow ulit.!" paalam sa'kin ni Lyka. Kaklase ko noon pa mang high school at bestfriend ko na rin. Maaga kaming nagsi-uwian ngayong araw dahil may pagmemeetingan ang mga professor namin.

"Ingat." nakangiti kong sabi saka nagwave ng kamau. Sumakay na siya ng kotse nila at umalis na. Ako naman naglakad na rin pauwi. Malapit lang kasi ang bahay namin dito 15 minutes lang ang lakad kaya hindi ko na kailangan pang sumakay. Dala excercise na rin.

Habang naglalakad ay naaamoy ko na naman ang mabangong amoy na yun. Hindi ko alam kung saan nanggaling yun pero gustong-gusto ko talaga ang amoy niya.

Napapangiti na lang ako hanggang sa nasa bahay na ako.

Ako pa lang ang narito kaya nagsimula na akong magluto para sa hapunan namin at naghugas ng pinggan na pinagkainan namin kanina.

Ampun lang ako nila mama at papa, ang akala nila noon ay hindi sila magkaka anak kaya inampon nila ako when I was 3 years old. Pero after 6 years ay biniyaan din sila ng anak. Si Princess, na ang turing sa akin ay katulong niya. Dati ay tinuturing akong mabuting anak nila mama at papa pero dahil sa kamalditahan ni Princess at pagdadrama nito na sinasaktan ko siya ay pinagmamalupitan na nila ako.

Nilunok ko lang lahat ng pride ko at tinatanggap ang parusang hindi dapat sa akin dahil ayaw kong umalis. Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sa pagkupkop nila sa'kin at pagpapa-aral.

Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanila dahil hindi naman nila alam na wala talaga akong ginawang mali. Ang problema ko lang ay si Princess, lagi siyang galit sakin. Kunting bigay pansin lang ni mama at papa sakin dinaramdam na niya at laging sinasabi na inaagaw ko raw sila sa kanya.

Maya maya pa ay dumating na si Princess, tinaasan niya lang ako ng kilay saka umakyat na ng kwarto niya. Ilang minuto din ay dumating na sila mama at papa.

Agad akong lumapit at kinuha ang dala nilang plastic.

"Magandang gabi po ma, pa. Tama lang po ang dating niyo, nakapagluto na po ako ng hapunan natin. Si Princess nasa kwarto na po niya." masayang sabi ko.

Nilagay ko ang dalawang plastic sa lamisa sa kusina.

"Mabuti kung ganon. Maghain ka na para makakain na tayo." sabi na mama. Umupo ito sa sofa, si papa naman ay dumeretso sa kwarto nila.

Wala kaming imikan habang kumakain, hindi ko rin gustong magsalita dahil ayokong magalit na naman sakin si Princess.

9 o'clock na ng gabi at nagsipasok na sila sa kwarto nila sa taas. Ako ay dito naman sa baba, maliit lang pero ok na rin dahil may sarili akong kwarto.

Natutulog na ako ng maalimpungatan ako dahil parang may humahaplos ng paa ko. Hindi lang pala parang. May humahaplos talaga.

Agad akong napabangon at akmang sisigaw pero nauna ng tinakpan ng lalaki ang bibig ko.

"Shh." nanginginig ako sa takot at kaba. Si papa.. Ang kinikilala kong ama ang lalaking nandito. Nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ko. May kung anong malamig na dumampi sa pisnge kaya mas lalo akong nanginig sa takot. Naiiyak na rin ako.

Bakit?

"Wag kang maingay. Madali lang 'to." sabi niya habang nakapaskil sa labi nito ang malademonyong ngiti.

"Subukan mo lang mag-ingay, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." binaba niya sa leeg ko hawak niyang patalim.

Gusto kong sumigaw sa takot sa kanya pero ayaw ko pang mamatay. Nagsimula na naman niyang haplusin ang paa ko. Nilagay niya gilid ang kutsilyo pero nanatili pa rin ang isang kamay niya sa bibig ko.

Para siya demonyo sa paningin ko ngayon at may kung anong mainit sa loob at gusto kong patayin siya.

Ng medyo naging maluwag ang pagtakip niya sa bibig ako ay agad kong kinuha ang kutsilyo at sinaksak sa leeg niya sabay sigaw.

Tumakbo ako palabas ng kwarto at nanginginig na umupo sa tapat ng pintuan.

Patakbong bumaba sila mama at Princess at nanlaki ang mata habang nakatingin sakin.

"m-mama, gusto akong pagsamantalahan ni p-papa. N-nasaksak ko po siya." nanginginig ako sa takot at mas lalong humalukipkip sa pintuan.

Tumakbo si mama sa kwarta at narinig kong sumigaw ito ng malakas at umiiyak.

"Mamamatay tao ka! Hayop!" galit na sigaw sa akin ni Princess at sinugod ako. Sinipa niya ako sa sikmura at sinabunutan. Tinaas ko ang braso ko para pigilan siya at sumigaw ito ng malakas.

Pagtingin ko sa kanya ay hawak hawak nito ang sariling braso. Malaki ang sugat niya, nakalimutan kong may hawak pa pala akong kutsilyo kaya nasugatan ko siya.

"Hayop kang babae ka! Halimaw! Lumayas ka sa pamamahay na'to at wag na wag ka ng babalik pa kahit kailan!" galit na sigaw sa akin ni mama habang nilalayo niya si Princess sakin.

Gusto kong magpaliwanag sa kanya pero alam kong hindi sila makikinig sakin. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak. Dahan dahan akong tumayo, nanginginig ang tuhod ko pero pinilit ko ang sarili kong makatayo habang hinawakan ang door knob para makabalanse ako.

Tumakbo agad ako ng mabilis pagkabukas ko ng pinto. Bahala na kung saan ako pupunta. Ang importante sa akin ngayon ay ang makalayo ako sa kanila.

Ako, si Yasmina Mason ay magiging si Yasmina Jade Travis na simula ngayon. Gusto kong kalimutan na ang pamilya Mason, na akala ko noon ay magiging tahanan ko habang buhay.

Ano bang nagawa ko? Bakit kailangan pa nila akong pagmalupitan at gahasain?

Pumasok ako sa madilim na gubat at umupo sa ilalim ng isang malaking puno. Yakap-yakap ko ang sarili habang umiiyak. At sa pagod ay nakatulog na.

Keeping you with me YasminaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon