Not A Dude

1.6K 25 3
                                    

Dedicated to ---> CrimsonCrinkles

Hi author CC! Na-inspire ako ng bongga doon sa Still A Girl at isa nga pala ako sa mga pasahero ng Ambrex Ship! <3 Team Ambrex Forever!

2nd story ko na ituu! \m/ Gusto ko pahirapan ang sarili ko eh, bakit ba?

PROLOGUE:

"Ang pogi pogi niya talaga!"

"Marry me, Amber-sshi!"

"So handsome!"

"OMG! She's so gwapo like, my gosh!"

(=____=#)

Pag gwapo papakasalan agad?! Anak ng! Gulpihin ko kaya ang mga haliparot na butiki na toh? Aish. Nakakasira ng magandang umaga eh, tss.

Naglakad ako hanggang makapunta ako sa registar's office. Hindi ako mage-enroll oy! Aalis na kaya ako sa school na puro haliparot lang ang mga babae, tss.

"Hi Miss." bungad ko dun sa cashier, nagulat naman hinawi yung buhok niya sa tenga, ayt! Talande din tong isang toh! -_-

"Yes, sir? Ano pong kailangan nila? Hihi." sabi nito at kumindat pa! May sakit ba siya? Kindat ng kindat ang wala!

Huminga ako ng malalim para kontrolin ang sarili ko bago ako magwala dito "Miss, paki-check nga yung enrollment list kung nandoon yung pangalan ko." sabi ko

"Ah-eh, ano po ba yung pangalan niyo sir?" tanong niya at nag-pacute pa

"Amber Lorraine Stephanie Yu."

(O__O) (^__^)

OH HA! MAS BABAE PA YATA SAYO YUNG PANGALAN KO EH!

Oo. Nakakaputa yung pangalan ko noh? Di bagay sakin. Tsk. Ambaho eh.

"B-Babae po kayo?!" gulat na gulat na tanong nung cashier. Ay pota! May lalaki bang pangalan ay Stephanie? Bobo ampu.

"Yes miss." sambit ko

Natatarantang hinanap nung babae yung pangalan ko sa enrollment list. Nakakahiya ano po? Kikindat-kindat ka pa! Mukha ka namang lamang dagat! Aish.

"Sir, I mean Miss. W-Wala po yung name niyo." sabi niya at yumuko

"Sige, thanks." yan nalang ang nasabi ko at umalis na ng school. Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive pauwi. Yes nemen, naka-alis na ako sa school na puro haliparot ang estudyante.

Saan naman kaya ako mage-enroll ngayon? Pangalawang beses ko nang lumipat ng school eh. Kailangan ang lilipatan ko ay yung walang babaeng epal at lalandiin ako.

*poot*

Nyemas! Naabutan pa ng red light oh! May gagawin pa ako eh! Ilang segundo pa ang masasayang dahil sa pesteng pulang ilaw na yan! Napalingon ako sa gilid at nakita ang pinaka-sikat na all-boys school.

'Winston University'

Hmmm... I've got an idea! Mehehe.

Not A Dude [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon