"A friend is someone who can see the truth and pain in you even when you are fooling everyone else."
Kaibigan.
Friend.
Bestfriend.
Sister.
Brother.
At kung ano-ano pa.
Sila yung mga taong kasama natin sa saya at lungkot.
Karamay mo sa problema.
Sila din ang maasahan mo kapag wala kang assignment sa Math subject niyo.
Sila yung pumupunta sa bahay niyo. Feel at home pa.
Sila ang dahilan kung bakit nauubos ang baon mong chichirya tuwing recess.
Sila rin ang dahilan kung bakit nabubuking ka ni CRUSH.
Sila ang nagbibigay ng good advices 'daw' pag nagkakalabuan kayo ng karelasyon mo.
Sila rin yung tutulong sayo pag napada ka o kung ano man. Pero bago ka nila tulungan, tatawa muna sila.
Kasama mo sila umiyak sa pinapanood mong drama series o movie.
Sila ang dahilan kung bakit nauubos ang papel mo.
Nanghihiram sila ng mga gamit mo. Pero pag tinanong kung nasan na yun, its either nawala o nasira na. Minsan pa nga iniisip na nila na sa kanila yun.
Mahilig din silang mag sleep over sa bahay niyo. Take note, SILANG LAHAT.
Dahilan rin sila kung bakit madaling maubos ang monthly allowance mo.
Sila ang kasama mong gumawa ng project overnight kasi nga bukas na ipapasa.
Pag kayo ang naatasang maglinis ng classroom, uupo lang yan sila tapos ikaw ang gagawa ng lahat ng gawain.
Kapag may group project, dapat kayong lahat magkakasama. Asahan mo na rin na sayo lang sila aasa.
Mahal na mahal ka nila kahit magunaw man ang mundo.
Kahit ang populasyon niyo ay halos isang barangay na, wala pa rin silang pakialam, basta pag birthday mo, present silang lahat. Kakain lang yang mga yan hindi tutulong sa pagliligpit.
Kahit kayo pa ang pinakasikat sa school, pantay-pantay pa rin ang turing niyo sa ibang tao.
Pero kahit ano mang ang imperfections nila, sa kaibuturan ng puso mo, mahal na mahal na mahal mo sila. At walang makakaagaw ng pagmamahal na yun.
Kahit magkahiwa-hiwalay man kayo, hinding-hindi niyo puputulin ang communications niyo.
Dahila ang pagkakaibigang sinimulan, walang kahit anong bagyo man ang makakapaghiwalay.
Meet The Populars of Popular's Academy
----------------------------------
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
De TodoYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)