Characters:
Anak:Betty
Nanay: Pasyang
Tatay: TanoMay isang mag asawa sa isang liblib na lugar na naghahangad na magkaroon ng anak, sadyang napaka damot ng mundo sa kanila dahil bukod sa mahirap na sila ay hindi pa sila magkaroon ng anak,.masaya ang unang araw ng mag asawa kaso sadyang nababagot na sila na Sila lang dalawang mag asawa ang magkasama.. Isang araw habang nangangahoy ang mag asawa nag pasya sila na maghiwalay para makarami ng kuha ng maibebenta sa kabayanan.. Si Aleng Pasyang ay dali dali na umalis para makarami ng tuyo na kahoy sa hindi kalayuan ay may napansin siyang kakaiba sa paningin nya, sadyang nakakaakit ang kanyang panlabas na kaanyuan at kung anong bagay ang nagpapakinang sa kanyang damit.. Sabi ni Aleng Pasyang: Ano ba ang maitutulong ko sayo wari nya, ang wika ng mahiwagang nilalang"ang inyong pinapangarap ay matutupad na bibiyayaan kayo ng anak na may kakaibang kakayahan" hindi makapaniwala si Aleng Pasya na isa palang makapangyarihan ang kanyang nakausap.. at siya naman pagdating ng kanyang asawa.. tinanong ni Aleng Pasya si Mang Tano kung nakita nya ba ang kausap nito kanina, ngunit Sabi ni Mang Tano ay wala naman daw siyang napansin..at dahil mag didilim na ay dali dali na silang umuwi ng bahay..pagdating pa lang ng bahay ay may kakaiba na siyang nararamdaman na ngayon nya lang naramdaman may kung ano sa kanyang sinapupunan.. Kaya tinanong nya ang asawa niya kung may natira pa bang pagkain, Sabi ni Mang Tano eh wala na, at saka kakakain pa lang nila bakit ito naghahanap agad ng pagkain..kaya Dali dali na pinagluto ni Mang Tano si Aleng Pasya ng makakain, at dahil masama ang kanyang pakiramdam ay di na siya nakasama pa sa pagluwas sa bayan.,sa unang pagkakataon ay mag isang bababa ng bayan si Mang Tano na hindi kasama ang kanyang asawa sobrang naiintindihan niya naman ito kahit nagtataka siya kung bakit ganun ang nararamdaman ng asawa niya gayong nung nangahoy ito sa pagka lakas lakas pa, At dahil naibenta lahat ni Mang Tano ang mga kahoy ay nakapag dala ito ng pagkain mula sa bayan, Pagdating niya sa bahay ay naabotan nya ang kanyang asawa na nkahiga at himbing na himbing sa tulog,..Kinaumagahan at maagang nagising ang mag asawa at nagpasya silang bumaba ng bayan para ipatingin si Aleng Pasya sa Doctor, at gayong na lang ang tuwa ni Mang Tano na malaman na buntis na ang kanyang asawa at dahil unang anak nila ito lahat ng payo ng doctor ay sinunod nila,Sa pagbubuntis pa lang ni Aleng Pasya ay may mga kakaiba na siya nagpapansin o nararamdaman, hindi malaman ni Aleng Pasya kung bakit hindi sila mawalan walan ng pagkain at tubig sa tapayan..
Isang araw may isang hindi inaasahang bisita silang dumating