16

5.2K 205 23
                                    

Author's

Halo-halong emosyon ang naramdaman ng binata nang tignan siya ni Amethyst na parang nakasalalay kay Taehyung ang puso nito. Totoo naman.

"Amethyst..." Napa-isip si Taehyung kung ano ba ang dapat at tama niyang isagot. Alam ng puso niya kung ano ang tama pero ang utak niya ang nagsasabi kung ano ang dapat niyang gawin.

"I'm sorry.. I.."

Isang parte kay Taehyung ang willing mag-let go kay Megan at mag-simula ng panibago kasama si Amethyst habang ang isang parte naman sa kanya ay nagsa-sabing hindi pa siya handa.

Muli niyang tinignan ang dalaga. Matapos ang ilang minuto, doon na nag-salita si Taehyung.

"..I still can't."

.

The next day...

Amethyst's

Samu't-saring mga reaksyon ang narinig ko nang matapos i-announce ng prof namin ang magiging event sa friday. Unfortunately, magkakaroon ng singing competition at ang bawat klase ay dapat na may pambato.

Sa stress ng pagiging college student, nakuha pa nilang magpa-contest? Anong klaseng free time ang tingin nilang meron ang mga students?

"Si Amethyst nalang naman pag-asa natin pag dating sa singing contests eh." pa-epal na singit ng isa 'kong classmate na lalaki.

Halos lahat naman sila nagsi-'oonga' na akala mo payag ako sa desisyon nila. "Anong ako? Asa kayo busy ako." sabi ko habang patuloy na nagha-highlight ng mga key points sa book ko.

"Dali na McKelia. Balita ko may mga managers at mga agency na bibisita." Pilit ng isa ko pang ka-klase.
"Pake ko dun." sagot ko sa kanila at tinuloy lang yung gawain ko.

Kinalabit naman ako ni Zoe. "Ano ka ba Amethyst, wala namang ibang marunong kumanta dito kundi ikaw lang."

Biglang sumingit si Aisla. "Ayoko man um-agree kay Zoe pero totoo. Kung marunong lang ako kumanta, ako na nag volunteer eh." sabi niya pagka-tapos ay tumawa.

Wala akong time para sa mga gany—

"Come on, Miss Lee. Don't worry if you win, the prize will be all yours. Hindi kami mangengealam." sabi ni sir na ikinapalakpak ng tenga ko.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti at tumingin kay sir. "Okay. What are the criterias?"

after class..

Sa hindi malamang dahilan, bigla nalang nawala sa paningin ko sila Zoella. Matapos nila akong i-push na sumali sa gaganaping competition, iiwan nila ako? Sarap pag untugin ng mga ulo eh.

Naglalakad ako sa hallway ng department namin nang may sumitsit sa akin. Aba syempre hindi ako tumingin, malay ko ba kung sino sinisit-sitan niyan.

"Sst!"

Okay sige sabihin nating ako lang pala tao dito sa hallway. Bakit ko yan lilingunin ha.

"Sst!"

Mga tao talaga ngayon, walang pinapawat na lugar. Pati ba naman sa hallway namin may manggaganito? Hindi pa ba sapat yung mga lalaking wagas maka 'baby ko'sa mga truck?

"Sst!!!"

Aba palong palo manitsit. "Ano bang problema mo at may pangalan ak—"

Pagka-lingon ko napa-ops nalang ako.

"Ay s-sorry sir." sabi ko sa prof namin na kanina pa pala ako sinusundan. Akala ko naman kung sinong estudyante.

"You walk too fast." sabi niya habang bahagyang hiningal. Inilahad niya sa kamay ko ang isang folder. "It's for Ms.Adams. She was supposed to come to my office for this but she left. I figured you two are friends?"

"Ano po ito sir?" hindi ko mapigilan maging chismosa.

"That's a portfolio I asked her to make. Tell Ms.Adams I'll update her as soon as we receive a reply."

Sinilip ko yung folder and puro photos ang nakita ko. Wow, hilig niya pala ang kumuha ng litrato.

"If you don't mind me asking but, what for?"

Ngumiti si sir. "Well Ms.Lee, You're not the only one who's in a contest you know."




Kaka-park ko lang sa driveway ng condo nila Zoe. Tamad man akong ibigay yung portfolio niya, pero gusto ko parin naman siyang sabunutan kasi hindi niya ako iniinform sa mga ganitong bagay.

Turns out, she joined a photography contest na may prize ng malaking halaga. That's some serious shit and seeing her portfolio, napa-isip nalang ako bakit ni-isang beses hindi ako nito kinuhaan ng matiwasay na photo.

Anyways, nag-lakad na ako sa loob ng building nila at sumakay ng elevator para makapunta sa floor niya. Mabilis lang ako nakarating sa unit niya dahil malapit lang sa bandang elevator.

Para mang-inis, pinindot ko yung door bell niya ng tuloy tuloy. Yung tipong mababanas sya sa sobrang inis. Hindi ko alam kung bakit pero tumagal ng 1 minute bago mag-bukas ang pinto. Usually, mabilis niya lang buksan ang pinto eh.

"What the hell is your proble—"

Bumukas yung pinto at isang hindi inaasahang mukha ang bumungad sa akin. Napa-kurap ako ng ilang beses pero hindi, siya talaga yung nasa harapan ko.

"Putangina, ba't ka nandito hoseok?!"

--x

h0s30K gHin@g@whA mU?

veneer | taehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon