CHAPTER 9 PART 1

5.3K 145 2
                                    

Day off ni Melody ngayon kaya naisipan niyang yayain si Train na manood ng anime. Samurai X ang napili niyang panoorin na alam niyang magugustuhan nito dahil nabanggit nito sa kaniya na paborito nito ang anime na iyon noong bata pa ito.

Wala rin naman itong trabaho ngayon dahil araw ng linggo. Gusto sana ng binata na sunduin siya sa bahay pero tumanggi siya. Ayaw niyang istorbohin pa ito dahil minsan lang ito magpahinga. Madali naman niyang nakuha ang instruction nito kaya pagkalipas ng halos isang oras na biyahe ay nakarating na siya sa condominium tower kung saan ito nakatira.

Sa tenth floor pa ang unit nito kaya sumakay siya ng elevator at nang makarating sa tapat ng unit ay agad na nagbuzzer siya.

Ang mukhang inaantok at naghihikab pa na Train ang sumalubong sa kaniya. Napangiti siya nang mapansin ang magulong buhok nito. White t-shirt na may v-cut ang kwelyo at gray na jogger pants ang suot nito na bumagay sa malaking built ng katawan nito.

“Good morning.” Bati ni Train sa kaniya.

Nang ibuka nito ang mga kamay ay humakbang naman siya palapit dito para mayakap siya nito. Ibinaon niya ang mukha sa malapad na dibdib nito at ilang beses na napasinghot. Parang kahit siya ay biglang inantok dahil sa mainit na yakap nito.

“Train….” Natitigilang anas niya.

“Hmmm?”

“Bakit parang mainit ka?” mabilis pa sa alas kuwatrong bumitiw siya mula sa mahigpit na yakap ng binata.

Siya na ang mismong nagsara ng pinto at hinila ito patungo sa sala. Hindi niya mapigilang mag alala dahil kahit ang palad nito ay mainit din ang singaw.

“May sinat ka!” nag alalang sabi niya.

Nagkibit balikat lang ito at muli siyang kinabig. Nawalan siya ng balanse dahil sa bigat nito kaya pareho silang napaupo sa malambot na sofa. Iniyakap nito ang mga braso sa baywang niya at kontentong isiniksik ang mukha sa leeg niya. Iglap lang ay dumaloy na sa buong himaymay niya ang malakas na boltahe ng kuryente na alam niyang ito lang ang maaaring makagawa sa kaniya.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga at masuyong hinagod ang likod ni Train. Naalala niya na nabanggit nito sa kaniya na nabasa ito ng ulan kahapon dahil sa paghahanap ng tuta ni Menchie. Anak si Menchie ng may ari ng katabing unit nito.

Nakawala ang tuta habang namamasyal ang mag ina sa park na malapit lang doon. Panay daw ang iyak ni Menchie at naawa naman si Train kaya ito na ang nagprisinta na maghanap sa nawawalang tuta. Nahanap naman agad ang tuta kaya lang ay umuwi daw ang binata na basang basa na ng ulan.

“Hindi na muna tayo manonood ng anime, magpahinga ka na muna. May sakit ka kaya aalagaan kita.”

Alam niyang wala na itong ibang kasama pa sa unit dahil ang daddy nito ay may pag aaring mansiyon. Ayaw naman ni Train na pumisan sa ama kaya bumili ito ng sariling unit. Pumanaw na rin ang ina nito dahil sa atake sa puso. Maliban sa kaniya ay walang ibang pwedeng mag alaga dito ngayon na may sakit ito.

Umungol lang ang binata at muling nagsumiksik sa leeg niya.

“Train.” Tawag niya.

“Yes?”

“Doon ka na sa kwarto mo. Kailangan mong matulog at magpahinga. Sige na, magluluto ako ng breakfast mo.”

Siguradong hindi pa ito kumakain ng almusal kahit lampas alas diyes na ng umaga. Kailangan na nitong kumain at makainom ng gamot para hindi na tumaas pa ang lagnat nito.

“Kaya ko naman ang sarili ko.” Giit nito.

Nagusot ang ilong niya sa narinig.

“Ay naku, tigilan mo ako, Mister. Ikaw ang doktor kaya dapat lang na mas alam mo na hindi pwedeng binabalewala lang ang lagnat. Bilis na!” mahinang tinapik niya ito sa balikat para bitiwan na siya nito.

LOVE FOR HIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon