-10-

5.7K 134 1
                                    

“Anak?”

Mahinang umungol si Melody at nahagod ang kumikirot na sentido. Naririnig niya ang tinig ng mga magulang at kapatid niya. Ganoon na lang ang pagtataka niya nang tumambad sa kaniya ang pamilya niya. Ang huling natatandaan niya bago siya nakatulog kanina ay kasama niya pa si Train. Dinala siya ng binata sa ospital dahil sa nangyari sa kaniya.

Mabagal na bumangon siya. Nataranta naman ang mommy niya kaya mabilis na inalalayan siya nitong maupo. Napangiwi siya nang mapansin ang labis na pagtataka sa mukha ng mga ito. Nag unahan sa pagpatak ang mga luha niya nang maalala si Train at ang naging pag uusap nila. Ang huling natatandaan niya ay niyakap siya nito bago siya tuluyang nakatulog dahil sa matinding sama ng pakiramdam niya.

"Anak,”

“Mommy.” Umiiyak na yumakap siya sa ina. Naaawang hinagod naman nito ang likod niya.

“Tahan na, magiging okay ka rin, anak. Nag alala ako ng sobra sa'yo, isang araw kang nakatulog. A-ang akala ko hindi ka na naman magigising. Bakit naman kasi hindi mo inaalagaan ang sarili mo? Ang sabi ng doktor ay sobrang taas daw ng lagnat mo nang isugod ka sa ospital.”

“S-si Train?” nagsisikip ang dibdib na anas niya.

Bumalatay ang matinding galit sa mukha ng kaniyang ama. Marahas na umiling ito.

“Pinaalis ko siya kanina, inamin na niya sa amin ang totoo. Magmula ngayon ay hindi na siya pwedeng lumapit pa sa'yo.”

“Daddy!” pinilit niyang tumayo para lapitan ang ama pero pinigilan siya ng ate Jenna niya.

“Tama si daddy, Melody. Hindi makakabuti sa'yo na makasama mo si Train. Gusto lang naman niyang gumanti dahil sa ginawa mo sa kaniya noon.”

“Pero mahal ko siya, hindi ba ninyo naiintindihan iyon?” nagsimula na siyang maging hysterical kaya hinawakan siya ng daddy niya sa magkabilang braso.

“Nakapagdesisyon na kami, anak. Ilalayo ka na namin.”

“H-hindi ninyo pwedeng gawin 'yan. Daddy, please…”

“Para sa'yo ang ginagawa namin kaya huwag ka nang magmatigas pa. Magpahinga ka na lang dahil bukas na bukas din ay aayusin ko ang paglabas mo ng ospital. Isasama kita sa tiyahin mo sa Nueva Ecija. Mas mabuting doon ka na muna tumira para makalimutan mo siya.”

“Ayoko!” dahil sa malakas na pagsigaw ay mas lalong nanghina ang katawan niya.

Nasapo nang nanginginig niyang palad ang kumikirot na ulo niya. Gusto niyang kontrahin ang sinasabi ng daddy niya pero wala na siyang lakas pa para makipagtalo sa mga ito.

Hindi niya alam kung may mas sasakit pa ba sa lahat nang nararamdaman niya ngayon. Muli na namang nakialam ang tadhana. Gusto ulit nitong paglayuin sila ni Train. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya papayag. Mapapatawad naman siguro siya agad ng mga magulang kung suwayin niya ang mga ito.

Ang mahalaga ay maayos na muna niya ang problema nila ni Train. Handa na siyang kalabanin ang tadhana. Dahil kung hindi niya gagawin iyon ay magiging kapalit iyon ng habang buhay na pagsisisi niya.

“Hindi ninyo ako pwedeng ilayo kay Train.”

“Bigyan mo kami ng magandang dahilan para huwag kaming makialam sa mga desisyon mo, Melody.” Hamon sa kaniya ng ama.

Luhaan na sinalubong niya ang naghahamong tingin nito.

“May nangyari na sa amin, gusto ko siyang pakasalan.”

Kasal.

Iyon lang ang tanging paraan para huwag na siyang malayo pa kay Train. Sana lang ay pumayag ito sa gusto niyang mangyari.

LOVE FOR HIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon