WAKAS

7.6K 189 19
                                    


Halos ikabaliw ni Train ang ibinalita sa kaniya ng nurse na nakaassign sa private room ni Melody. Nang pumunta siya doon ay nalaman niya na nakalabas na pala ito ng ospital at balak pa itong isama ng mga magulang sa Nueva Ecija. Sa labis na pagkataranta ay hindi na siya nakapagbilin pa sa staff niya na aalis siya ng ospital. Basta na lang siya sumakay ng kotse at mabilis na pinaharurot iyon.

"Damn!" ilang beses siyang napamura habang hawak niya ng mariin ang manibela.

Hindi na dapat siya pumayag pa sa gusto ng ama ni Melody na huwag itong lapitan. Ngayon niya labis na pinagsisihan ang lahat. Napahiya kasi siya nang aminin niya sa pamilya nito ang buong pangyayari. Nagalit sa kaniya ang daddy nito at ipinagtabuyan siya. Wala naman siyang magawa dahil alam niya na hindi magkakaganoon si Melody kung hindi dahil sa kaniya.

Inayos na muna niya ang problema niya sa daddy niya. Kinompronta niya ito tungkol sa mga ipinagtapat sa kaniya ni Melody. Inamin naman nito sa kaniya na totoong nagtalo ito at ang kaniyang ina. Ayaw ng daddy niya na umalis siya at mag aral sa Amerika kung may maiiwan siyang girlfriend.

Hindi daw siya makakapagconcentrate sa pag aaral at baka maging dahilan pa iyon nang pagbagsak ng mga marka niya. Hindi madali ang kursong kinuha niya kaya dapat lang na buo daw ang loob niya at walang ibang gumugulo sa isip niya. Nagalit ang mommy niya sa gustong mangyari ng daddy niya kaya nagtalo ang mga ito at bandang huli ay si Melody ang nagsakripisyo para lang sa kapakanan niya.

Hindi niya magawang sisihin si Melody dahil alam niyang siya lang naman ang iniisip nito. Wala itong kasalanan sa nangyari. Ngayon na naiintindihan na niya ang lahat ay hindi na siya papayag na malayo pa ito sa kaniya. Kinapa niya ang kahita ng singsing na nasa bulsa ng coat niya. Buo na ang desisyon niya. Wala na siyang pakialam pa kahit ipagtabuyan siya ng mga magulang ni Melody. Ang mahalaga ay ang mapatawad na siya nito sa ginawa niya at tanggapin ulit siya nito sa buhay nito.

Pagkalipas ng mahigit kalahating oras na biyahe ay nakarating na siya sa village at tinunton ang bahay nila Melody. Ipinarada niya ang kotse sa labas ng bahay ng mga ito at nagmamadaling bumaba siya ng kotse. Bumaha ang matinding takot sa dibdib niya nang makitang sarado ang bahay at may nakapulupot pang kadena sa bakal na gate. Nahuli na ba siya ng dating at kanina pa nakaalis ang mga ito?

Nagsimula na naman siyang mataranta at nahahapong hinagod niya ang batok. Kung kinakailangan na gamitin niya ang pera niya at halughugin niya ang buong Pilipinas para lang makita niya si Melody ay gagawin niya. Pero maisip pa lang niya na hindi niya ito mahahawakan ngayon ay para na siyang mababaliw sa labis na takot at pag aaalala.

Nabuhayan siya ng loob nang makita ang paparating na lumang pajero. Parang wala na siya sa sarili nang takbuhin niya ang kalsada at iharang ang katawan sa daraanan ng sasakyan. Bago pa man sumalpok ang nguso ng pajero sa katawan niya ay kusang tumigil na iyon kasabay nang paglangitngit ng mga gulong.
Bumukas ang pinto ng pajero at iniluwa ang nakasimangot na ama ni Melody.

"Ano ba? Magpapakamatay ka ba?" singhal nito sa kaniya.

Hindi siya nagpatinag kahit kulang na lang ay sugurin na siya nito at suntukin sa mukha. Lumapit siya sa matandang lalaki at binigyan ito nang nagmamakaawang tingin.

"Kailangan ko pong makita si Melody. Please, mahal na mahal ko po ang anak ninyo." Pagmamakaawa pa niya.

Napaismid naman ito.

"Kung talagang mahal mo siya ay hindi mo dapat siya niloko. Kahit pa alam mong niloko ka niya noon, hindi mo dapat magagawang gumanti sa kaniya."

Desperado na siya kaya tuluyan na niyang ibinaba ang pride. Lumuhod siya sa harap nito at paulit ulit na humingi ng tawad.

LOVE FOR HIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon