Impinit (One Shot)

49 4 6
                                    

Hi! Ako po si Rain. Sabi nila masyado pa daw akong bata para mainlove. Pero diba po wala naman po sa age yan? =)).

Sa tuwing magsasagot ako ng autograph ng mga kalaro ko, ang lagi kong isinasagot sa tanong na "Who's your first love?" ay si Yesu. Nge, ate't kuya naman eh! Kinikilig ako :">

Sabi nila, wag ko daw masyadong seryosohin. Kasi daw po "Puppy Love" lang ito. Opo, alam ko naman po iyon. Pero mahal ko na po talaga si Yesu eh.

Dati, noong naglalaro kaming dalawa malapit sa may dalampasigan nagkausap kami ng masinsinan...

"Yesu!"

"Bakit Rain?"

"Crush kita! Crush mo ba ako?"

"Matagal na."

Sobrang saya ko nun! Crush niya din pala ako. :"> Oha oha diba. Dati pa nga, sabi niya sakin...

"Uy Rain."

"Oh bakit?"

"Wag mo akong kakalimutan ha."

"Nyay, oo naman. Never!"

"Impinit tayo?"

"Impinit?"

"Oo, pang-habangbuhay."

"Oo, IMPINIT TAYO!"

Ang cute noh? Impinit daw kami. :"> Sa kanya ko lang nalaman yung meaning nun eh! Hay, nakakainlove talaga siya.

Tapos dati sabi niya pa sakin ...

"Rain."

"Bakit?"

"Mahal mo ako?"

"Hmm."

"Uy ano?!"

"Ikaw muna!"

"Ako nagtanong eh."

"Sige na nga. Oo."

"Talaga?"

"Oo."

"Mahal din kita."

Oy ang sweet niya po nuh? :"> Geez. Aga kong nakaramdam ng kilig!! Tapos, nung 10th birthday ko, sinopresa niya pa ako.

"Yesu? Nasaan ka na ba?" biglang may nagtakip sa mata ko.

"Hulaan mo kung sino ako."

"Yesu?"

"Hindi."

"Eh sino?"

"Eh di mahal mo!"

"Yesu nga." saka niya tinanggal ang mga kamay niya sa mga mata ko.

"Surprise!" inabot niya sakin ang isang singsing, at doon nakaukit ang IMPINIT.

Ang sweet nya po talaga ano? :"> Ako na maswerte sa kanya!

Pero hindi niyo po ba maitatanong kung kamusta na kami ngayon? :)

Sige, ako na magsasabi.

Ngayon kasi, LD na kami. As in sobrang layo.

Pero alam ko pong palagi siyang nasa tabi ko.

Kahit na magkalayo kami, ramdam ko yung pagmamahal niya.

At araw-araw pa rin kaming nagkakausap.

Hindi kami nawawalan ng communication.

.....

Araw-araw ko siyang dinadalaw sa sementeryo. :)

Never ko siyang nakalimutan.

6 years na siyang patay.

Hanggang ngayon, suot ko parin yung singsing na ibinigay niya.

Hanggang ngayon, siya pa din ang mahal ko...

IMPINIT kasi kami eh. :">

Impinit (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon