new beginning??

35 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw at linggo.Sinubsob ko sarili ko sa trabaho para makalimutan ang sakit na nararamdaman ko..

Si Jake?

Magkaibigan kami!

OO Magkaibigan kami!

NAg usap kami pagkatpos ng breakup at pinagdesisyunan na ipagpatuloy ang pagiging MAGKAIBIGAN nmin,.

Kinukulit nya pa rin ako lagi na kami na lang daw ulit..

Pero ayoko.

"Ok naman na tayo ng ganito ah!Yung magkaibigan lang.Masaya naman diba?

Yan ang lagi kong sinasabi sa kanya kapag kinukulit nya ko na magbalikan kami..

Si Lia?

Hindi ko alam.Hindi namin pinag usapan si Lia.

Hindi na ko nagtanong kasi ayaw ko ng madagdagan pa ang sakit na patuloy ko pa ring nararamdaman.

Minsan ko syang tinanong kung nagkakusap pa ba sila.Hindi na DAW.

Lumipas pa ang mga buwan.

Isang araw nakareceive ako ng text mula sa EX ni Lia na friend ko.

"Kumusta Kisha?Nu na balita sayo?Balita ko yung EX mo na daw at EX ko ah."

Nagulat ako sa text na yun!Wala akong alam!Akala ko ok kami sa set up namin ni Jake.

Nagawa ko pa ding magreply.

"Ok naman ako.Ah talaga sila na?Ok yun!"

message sent

Agad kong tenext si Jake.

"Ui congrats!Kayo na pala hindi mo man lang sinabi ah."

-message sent

1 message received

"Sinong maysabi?"

"Basta!"

Wala syang kinumpirma at lalong hindi sya nag DENY.

Ayan na naman yung sakit na nararamdaman ko.Bumabalik na naman!Panandalian ko na ngang di naramdaman pero hayan na naman sya.

Kaya siguro parang iba na si Jake netongmga nakaraan.

Halos wala na syang time sakin.Puro na sya alibi.

Siguro nga sila na!

Sh*t lang!Ang sakit!

Dumating na ang kinatatakutan ko.

1 message receive

"May sasabihin ako sa'yo"

-Jake

"Kayo na ba?"

message sent

"Mahal ko sya'

-jake

Yun na ata ang pinakamasakit na text na nreceive ko.

Hindi naman yun bala ng baril pero bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko!?!?

Mahal ni Jake si Lia!

"Mahal ko sya'

"Mahal ko sya'

"Mahal ko sya'

"Mahal ko sya'

Wala naman ako sa bundok pero bakit parang nag e echo yung text na yun ni Jake?

Gusto kong sumigaw!

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh"

Tapon dito, hagis dun!

Ang gulo gulo na ng silid ko.

Gusto kong magwala sa sobrang sakit na nadARAma ko!

Pakiramdam ko muli na naman akong naloko!

masakit...sobrang sakit...ung tipong parang tumigil n ung mundo ko sa pag ikot nito...

na di ko na alam gagawin..

"masama ba 'kong tao para masaktan ng sobra?"

Ang mga araw, buwan at taon n pinagsamahan namin nauwi lang sa wala..

Patuloy na namang pumapatak ang mga luha mula sa'king mga mata...

Muli ko na namang nararamdaman ang sakit..

ang sobrang sakit n nagpapahirap  sa mga araw na lumilipas..

mula sa umaga sa'king paggising hanggang sa aking pagtulog..

Lahat ng alaala ng pagmamahalan namin na nakikita ko ay isa rin sa patuloy na nagpapahirap..Muli na namang nadudurog ang puso ko..

kapag malungkot ka, parang wala ng saysay p ang mabuhay..parang gusto mu na lng pigilin ang pagtibok ng puso mu para kusa na itong sumuko..

Maling Panahon at PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon