[ Yana ]
Matapos naming mag agree lahat sa naisip ni Rina ay napagpasiyahan naming gumala muna nang kaunti bago tuluyang umuwi.
At nang kasalukuyan na kaming nag sha-shopping ay biglang tumunog ang cellphone ko dahil may nag text sa'kin.
Kinuha ko ang telepono sa aking bag at sinilip kung kanino galing ang text message.
From Roach-head
Yes, roach-head ang pangalan niya sa phone ko dahil nga utak ipis siya.
Where the hell r u?
Napasimangot ako sa nabasa.
Ano na naman bang kailangan sa'kin nang lalakeng 'to!?. pagmamaktol nang isip ko.
Masaya na sana ang araw ko eh, knowing na may solusyon na sa aking problema at tutulungan ako ng mga kaibigan ko. Pero mukhang lahat nang iyon ay mawawala pa dahil sa istorbong utak ipis na 'to!.
Napasimangot ako't ibinalik sa bag ko ang cellphone.
Ngunit ilang segundo lang ang nakalipas ay bigla na namang tumunog ang cellphone ko at nakatanggap nang isa pang text message mula sa kaniya.
Txt me kung nsan ka & i'll pick u up.
I rolled my eyes and deleted the text message.
At bakit ko naman siya ite-text?. Sino ba siya sa inaakala niya!?.
"Alam na ba niya ang plano mo?".
Napapitlag ako nang mag salita si Lia na kanina pa palang nasa likuran ko at nakikibasa lang naman ng text nessages.
I shook my head in response. And she looked at me in disbelief, na para bang it's a big crime not to tell Andrei my whole "new" plan.
"P-pero sasabihin ko din naman sa kaniya...soon".
Okay, i lied. Pero 'wag naman kayong masyadong judgemental. May reason naman ako kung bakit 'di ko sasabihin sa kaniya eh.
Honestly speaking, parang feeling ko kasi imbes na makatulong ay nakakasira pa siya sa mga plano ko. Para siyang isang malaking jinx na kapag nadikit sa'kin ay puro kamalasan ang inaabot ko.
Kaya nga sina Lia na lang ang mas pinili kong hingian nang tulong. Para in any case, atleast alam kong hindi aabot from bad to worst ang mangyayari sa'kin. And i know na and'yan sila't naka supporta sa'kin no matter what.
Nagulat na lamang ako at kamuntikan pang mabitiwan ang aking cellphone nang tumunog itong muli, and this time ay tumatawag na si Andrei.
Nangibabaw ang ringtone nito kaya napatingin na din sa'kin sina Rina, Casey at Sherry.
"Sagutin mo na. Baka importante". sabi sa'kin ni Lia.
Napabuntong-hininga na lang ako at sinunod ang sinabi nang huli.
"Hello?".
My bestfriends inched a bit closer to me para lang marinig ang boses ni Andrei.
"Si Andrei ba 'yan?".
Rina mouthed in a whisper and Lia waved her hand to signal her to shut up.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...