CHAPTER 13 Odette

30 9 2
                                    

"Odette can I court you? Please?" sabi ni Mark.

Ano gagawin ko!? Inhale, exhale Odette. Inhale, exhale. Oh my! Ano isasagot ko!?

"Pumayag ka na Odette!"

"Oo nga! Ngayon lang umakyat ng ligaw yan si Mark!"

"Di ka magsisisi pag pumayag ka!"

Mga hiyawan ng mga students na naka palibot sakanilang dalawa ni Mark.

Odette! Magisip kaaaa! Mukha ka ng tanga!

"Uhhmm... Is it a NO then?" tanong ni Mark habang nakayuko.

"No! I ... I m-mean my answer is y-yes. Yes! You can c-court m-me."

Sheeeeet! Ang init ng mukha ko! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Baka nagba-blush na ko!

Ngumiti si Mark.

Nakakaloka ang ngiti niya!

"So see you after school?" Tanong ni Mark.

"Sure!"

"See you later Odette." Sabi ni Mark sabay kindat.

Waaaaaaaaaaahhh! Nililigawan na ako ni Mark! Sasabog na puso ko sa sobrang saya!

Pumunta na si Odette sa parking lot ng school nila para hintayin si Josh. Ang laki laki ng ngiti ni Odette sa mukha niya. Biglang dumating si Louise.

"Anong meron Odette? Ngiting ngiti ka ah! Ngiting tagumpay. Hahahahaha!" Tanong ni Louise.

"Nililigawan na ako ni Mark! Louise! Nagiging totoo na ang mga dreams and fantasies ko! Kyaaaaa!~"

"Ganun ba? Basta ikaw bahala. Nagbabala na ako sayo." Sabi ni Louise.

"Sungit mo ngayon ha?"

"Di kasi kayo bagay ni Mark! Ang pangit pangit mo! Bruha ka!" Sigaw ni Louise kay Odette.

"Bakit ka nagkakaganyan Louise!?"

"Gusto mo malaman kung bakit ako nag kakaganito!?" Hamon ni Louise.

"Oo! Gusto ko!"

"Mahal ko si Mark kaya kita kinukumbinsi na kalimutan mo na siya! Alam mo na ngayon!? Matagal na kitang gusto sampalin at ipahiya sa lahat ng mga students dito pero baka ano isipin ni Mark sakin. Pero ngayon hinding hindi ko na palalampasin 'to. Ang kapal ng mukha mo! Malandi ka! Dapat kay Josh ka nalang eh! Tandaan mo 'to! Isaksak mo sa kokote mo ang sasabihin ko ngayon! Hindi ko na uulitin 'to para sa walang kwentang tulad mo! SIMULA NGAYON GAGAWIN KONG IMPYERNO ANG BUHAY MO." Sabi ni Louise sabay sampal kay Odette.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Nanglait ka na, namampal ka pa!"

Sinampal din ni Odette si Louise. Hindi naman nagpatalo si Louise kaya sinabunutan niya si Odette. Biglang dumating ang isang babae sa parking lot ng school kung nasaan yung dalawang babae.

"Hoy! Anong ginagawa mo sakanya!?" Sigaw nung babae.

"Wag ka mangielam dito!" Sigaw ni Louise.

Lumapit yung babae kay Odette at tinulungan siya makatayo.

"Okay ka lang ba?" Tanong nung babae.

"Oo okay lang ako."

"Kung may kelangan ka hanapin mo lang ako. Lydien name ko." Sabi ni Lydien.

"Sige. Salamat. Umalis ka na dito."

Tumungo nalang si Lydien at umalis. Sinabunutan ulit ni Louise si Odette. Biglang dumating na si Josh.

You and Me Best friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon