Not A Dude
Chapter 2: Amber's Girlfriend
Room 259.
Amber's POV
*kring kring*
Eh? Ano ba yun? Malamang alarm clock. Peste, istorbo sa tulog! I reached for my side table but my eyes are still closed pero wala akong makapa. I stretched my arms farther then *boogsh*
"Aray! Potek!" sambit ko, nyeta! Nahulog ba naman ako sa kama oh! Aish. Napatingin ako sa lalaking naka-upo sa kama niya. Naka-uniform siya at hawak-hawak yung alarm clock
"Mabuti naman at gising ka na. Kanina pa tunog ng tunog yung alarm clock." sabi niya "Tss. Anong oras na ba?" tanong ko tapos napa-ngisi siya
"You only have 10 minutes to prepare before the first period starts, Mr. Yu."
O____O
Nanlaki yung mata ko at dali-daling pumasok ng banyo para maligo, magbihis, etc. Nakalimutan kong may pasok pala ngayon! Jusko, Amber. First day na first day kakalimutan mong may pasok? Vacation Sickness, ganern? =___=
Sumapi sakin ang espiritu ni The Flash dahil mabilis na mabilis akong nakapag-handa, natatawa naman tong si Kieffer at mukha daw akong nagsu-super saiyan habang nag-aayos, tss.
Tinuro ni Kieffer yung isang classroom "Dito sa Winston. Hindi ka na lilipat ng classroom. Kung saan kang course, doon ka lang magse-stay ng room. Teka? Ano nga yung course mo ulet?" tanong niya
"Tourism, ikaw?"
"Ayos ah! Classmate kita? Ganun din mga tropa ko eh. Tara na!" aya niya at inakbayan ako, agad ko namang tinanggal yung akbay niya at sinimangutan niya ako "Amber naman eh!" pagmamaktol niya
"Puta Kieffer ang bakla mo ah! Tsaka wag ka ngang FC!"
Ngumisi ito at ginulo yung buhok ko "Fine." suko niya pero hinila naman ako sa classroom, hays.
Pagpasok namin sa room ay tumigil ang lahat ng classmates namin, bakit? May dumi ba kami sa mukha? O ano? Baka bullies ang mga ito! Kaloka ah. Nandoon din yung lalaking may sapak sa ulo kahapon, yung si Liam. Naging classmate ko pa, bwiset.
"Listen guys! Meet Amber, our new classmate."
=___=
POTA. KAYA KONG MAGPAKILALA NG SARILI KO! NAPAKA-EPAL TALAGA NITONG ISANG TOH.
Tinadyakan ko yung binti niya at napa-aray naman siya tapos nagulat naman ang lahat. Serves him right.
"Di mo na kailangan na ipakilala ko, I can introduce myself." sabi ko at inirapan siya tapos nag-smirk lang ito "My name is Amber Lawrence Steven Yu. Transferee lang ako, nice to meet you." sabi ko at humanap na ng upuan
Habang naghahanap ako ng pwede upuan, nakatingin silang lahat sakin. Di kaya? May bakat sa chest ko? Wala naman eh.
"May problema ba, classmates?" tanong ko sa kanila
Umiling naman silang lahat at pinagpatuloy ang mga ginagawa nila, hays. Ano kayang iniisip ng mga toh? Nababakla na po sila sakin. :'(
"Amberrr~"
=____=
Eto pa isa. Tss.
"Ano na naman, Liam?" tanong ko tapos hinila niya ako sa isang grupo ng mga lalaki, barkada niya siguro "Guys, isama na natin siya sa grupo ah? Transferee kasi, walang kaibigan." biglang sabi ni Liam
"Hoy! Sinong may sabing gusto kong sumama sa grupo niyo? Ikaw Liam ah! Kahapon ka pa! Babaliin ko lahat ng buto mo diyan sa patpatin mong katawan!" pagbabanta ko

BINABASA MO ANG
Not A Dude [On Going]
TeenfikceAng Winston University ang isa sa mga pinaka-sikat na all boys school sa panahong ito. Saksakan ba naman ng gwapo, talino at hotness ang mga boys dito, won't you pay a visit? Pero ano ang mangyayari kapag may nakapasok na babae sa university na ito...