September 22, 2012
3 taon na ang nakalipas..
3 taon na ang nakalipas ng mahalin ko sya..
naka move on na nga ba ako?
sabi nga" "It’s a lie to say you’ve let go of the past. Nobody lets go of memories. Each tear is an unforgettable memory. Each smile is an undeniable mark. Each heartbeat is an unerasable scar because really, there’s no such thing as forgetting. Only acceptance."
Tanggap ko na!
OO tanggap ko na!
Tinanggap ko ng may mahal na syang iba.
Wala na kong balita sa kanya..
Huling balita ko, masaya silang nagsasama ni Lia.
Ok yun!Atleast alam kong masaya sya..
Yun naman gusto kong mangyari dati pa..
Ang maging masaya sya..
Ako?
Ok nman ako!
Alam ko ok ako..
Masaya ko sa buhay ko ngayon!
Magandang trabaho, magandang buhay at mga BALIW na kaibigan.haha
Sila ang nagpapasaya sa buhay ko.
Lahat ng pangarap namin nun ni Jake tinutupad ko..
Hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko..
Hindi nga talaga siguro kami ang para sa isa't isa.
Hindi talaga sa tagal ng isang relasyon nasusukat ang pagmamahalan nyo..
At lalong hindi mo makukuha ang kaligayahan mo sa ibang tao kundi sa sarili mo.
Hindi ko pinagsisisihan ang nakaraan namin ni Jake..
Ang dami kong natutunan at napatunayan dun!
Naging masaya ko sa halos 3 taon naming relasyon..
Kung nasan man sya ngayon, sana masaya sya..
Sana nga makita ko pa din sya. After all naging magkaibigan naman muna kami bago kami nagkaroon ng relasyon.
Nakakapanghinayang lang kasi nawala yung pagkakaibigan..Ganun talaga siguro yun..
Buhay nga nman.
Napaka unpredictable.
Kung may BF na ko ulit?
Wala pa!
Wala pang magkamali.
Siguro hinuhubog pa sya ni LORD para sa'kin.
Inip na nga ko kung kelan darating:p
Basta ang alam ko MAS MASAYA ko ngayon kesa noon:)
BINABASA MO ANG
Maling Panahon at Pagkakataon
Short StoryIn every relationship there are two people, the one who gives, and the one who holds all the power. ~ Tigress Luv