"Bakit hindi mo naman sinabi agad na si Ice pala ang susundo sa atin. Edi sana hindi ko na inaya si Faustin para ako ang nakaupo ngayon sa harapan." Bulong sa akin ni Jona.
Binigyan ko lang sya ng hilaw na ngiti at itinuon ang mata kay Vincent na seryosong nagmamaneho.
Paminsan-minsan ay sumusulyap sya sa katabing si Faustin saka mag-iigting ang mga panga. Tahimik lang ang byahe hanggang sa makarating kami sa University nila.
Naunang bumaba sila Jona, Marie at Diary pati na rin si Faustin. Nakagitna ako kaya nahuli ako sa pagbaba.
Napapitlag ako ng may bisig na pumalupot sa baywang ko.
Buti na lang ay nahuhuli kami sa paglalakad at nangunguna ang mga kaibigan ko. Pilit kong iniaalis ang malapad nyang kamay pero mas lalo pa nyang hinihigpitan ang pagkakahawak doon.
"Baka may makakita sa atin." Mahina kong sabi. Yumuko lang sya at itinapat ang bibig sa tainga ko.
"Sit beside me." Bulong nya at inignora ang una kong sinabi.
Maingay na ang loob ng gym halatang kanina pa nagsisimula ang laro. Agad na nakahanap ng mauupuan sila Diary. Pero nasa bandang likod na kami napwesto dahil halos mapuno na ang buong gym.
"Dito kana maupo Coligne." Alok ni Faustin sa akin sabay turo sa bakanteng upuan katabi nila Jona at ng upuan nya.
"S-sige salamat." Alanganin kong sabi, hindi nakaligtas sakin ang pagtitig ni Faustin sa kamay ni Vincent na nakapalupot sa aking baywang.
"Sa akin sya tatabi." Pahayag ni Vincent, napatikom ang bibig ko dahil sa lamig ng boses nya. Bumalik ang mga mata ni Faustin sa akin saka sya ngumiti ng tipid at tinanguan lang nya si Vincent.
Napalakas yata ang pagbuntong-hininga ko dahil napatingin sa akin si Vincent.
"Naiinitan kaba? Gusto mong lumabas na lang muna?" Nag-aalalang tanong nya sa akin.
Umiling lang ako at itinuon na ang atensyon sa laro. Hindi ako mahilig sa basketball kaya medyo naiinip ako. Napapatili naman sila Jona at Marie tuwing nakaka-shoot ang team nila Bench. Habang si Diary naman ay busy sa cellphone nya.
Kailangan ko talagang malibang dahil hindi ako makapag-concentrate sa panonood.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay naming dalawa na kanina pa magkahawak. Tuwing magtatangka akong alisin iyon ay mas lalo pa nyang hinihigpitan ang pagkakahawak. Pagkatapos ay marahang hahaplusin iyon. Buti na lang at hindi nagagawi ang tingin nila sa amin maliban kay Faustin.
"Mas magaling ako magbola kesa kay Bench." Mayabang na sabi nya ng mapasigaw si Jona at Marie dahil naka-3 points si Bench.
Hindi ko na lang sya pinansin at pilit na itinuon ang atensyon sa pinapanood.
"Go! Bench, kahit na galit ako sayo ang hot mo pa rin!" Sigaw ni Jona kahit na medyo malayo kami ay narinig pa rin iyon ng mga naglalaro.
Napatingin tuloy sa amin ang mga teammates ni Bench. Natawa na lang ako dahil sinimangutan lang sya ni Bench.
Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa katabi ko dahil bigla na lang nyang iaangat yung kamay ko na hawak nya at panggigigilan iyong kagatin.
Sa halip na masaktan ay kinikilabutan lang ako sa ginagawa nya. Kapag naman inililihis ko ang kamay sa bibig nya ay marahan nya itong pipisilin at uulitin ulit ang pagkagat.
"Ouch, masakit." Pagkukunwari ko dahil hindi ko na matiis ang ginagawa nya kulang na lang ay gawin nyang lollipop ang kamay ko.
"Sorry" Labas sa ilong na paghingi nya ng tawad bago ako nginisihan.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomansaBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...