Naranasan mo na bang mawalan ng pakeelam sa mga taong nasa paligid mo?
Yung tipong kahit anong gawin nila sayo, iniisip mo nalany ang kapakanan mo. Hindi mo na iniisip ang sinasabi ng iba.
Hindi naman sa manhid ka na pero,
sanay ka na.Ako? Hindi ko pa nararanasan mawalan ng pakeelam sa ibang tao kahit minsan gustong gusto ko.
Bakit?
"Hoy! Tignan mo tong picture mo sa IG story mo HAHAHAHA" sabi ni Kim sakin. Kaibigan ko. Nakaupo kami ngayon sa bench malapit sa 3rd class namin.
"Bakit? Cute ko naman ah!" sabi ko. Tinuturo niya ang picture ko na naka-pout. Aaminin ko hindi naman ako maganda. Hindi ako sexy, hindi ako matangkad, hindi ako makinis.
Pero marunong akong makisama.
"Talaga ba?" Natatawa niyang sabi sakin. "TIGNAN MO YANG NGUSO MO PUTOK NA PUTOK!"
Tumawa si Clarissa. Isa ko pang kaibigan. Nagtatawnanan sila. Ako? Ito nakikitawa lang rin. Kahit deep inside wala namang problema sa picture ko.
Or meron?
Ewan? Hindi kasi ako nangengeelam sa itsura ng iba kahit gaano ka pa kapangit o maganda. Simple lang : anong pake ko sa itsura mo? May sarili akong mukha na kailangan pagtuunan ng pansin.
"Uy! Parating na si Sir!" Sigaw ni Liam habang tumatakbo sa hallway. Kahit kelan napaka-ulit. Argh.
Papasok na sana ako sa classroom ng makasalubong ko si Clint. Naka-uniform siya suot suot ang blue backpack niya na nakasabit lang sa isang balikat niya.
"Tinitingin-tingin mo?"tanong ko.
Siya si Clint Salvador. Ang kaklase ko slash kaaway ko everyday/everynight. Magkapit bahay kami at close ang magulang namin pero hindi kami close.
Inirapan niya lang ako at pumasok sa room. Walang kwenta talagang lalaki.
Palagi kaming magkaaway kasi palagi niya akong inaaway. Yun lang yon. Wala ng ibang dahilan. Minsan kahit nakaupo lang ako sa bahay pupunta siya sa bahay para maki-kain tapos sisipain niya ako para umulis ako sa inuupuan ko tapos dun siya uupo. Walang hiya.
Pagpasok ko sa loob ay nandon si Clarisse at Kim na nagkwekwentuhan kasama sila Divine , Anthony at Robert. Mga kaibigan ko pero mas close nila. Madalas nga akong sinasabihan ng alalay o P.A daw nila kasi sunod ako ng sunod. Kahit na nakikisama nalang ako.
Hirap parin pala talaga humanap ng kaibigan na swak na swak sayo. Pero siguro ganun talaga, it takes time para marealize mo kung ano at sino ba talaga ang kailangan mo.
Umupo ako maya maya at dumating na ang teacher ko sa Math. Hay, wala nanaman akong maiintindihan nito.
--------------------
Tapos na ang 6 subjects ko at ngayon wlaa akong ibang iniisip kundi umuwi. Yung mga kaibigan ko chikahan ng chikahan. Hindi ko naman alam yung pinaguusapan nila kaya sabi ko matutulog muna ako kahit iniisip ko talaga kung saan ako pupunta.
"Guys pwede mauna na ako sainyo?" sabi ko. napatingin sila saakin at tumango. See?wala manlang babye babye.
Tumayo nalang agad ako habang busy sila sa pagkwekwentuhan. Dala dala ko ang bag kong mabigat at isang pink expandable envelope.
Hays, bakit ba ganito? Araw araw naman akong nag-aayos, araw araw akong tumatawa ng malakas, araw araw akong nakikisama pero bakit parang pakiramdam ko hindi padin ako belong.
Mabagal akong naglalakad sa gilid ng kalsada. Ramdam na ramdam ko ang mainit na sinag ng araw. Yung pawis ko jusko! Pumapatak ng pumapatak. Argh!
Pero kahit anong init gusto kong bagalan yung paglalakad. Wala, ewan ko ah? Parang wala akong magawa eh.
*beep !! beep!!*
"HOY!"
Napatingin ako sa sumigaw saakin at hindi ko mapigilan kundi itaas ang kilay ko. Kung mamalasin ka nga naman!
"Ano?!" Sigaw ko pabalik. Alam kong malapit lang to sa school at marami ang nakakakita at nakakarinig saamin. Pero alam naman nila simula noon na magkaaway kami kaya natatawa nalang sila pag nakikita nila kami.
"Sungit sungit mo akala mo maganda ka? Magsungit ka kung bumalik na ex mo!"
Yan nanaman siya. Porket alam niya ang nga naging ex boyfriend ko, gusto ko niyang ipalandakan sa buong mundo kung ano ang nangyari.
Alam naman ng lahat na meron akong ex-boyfriendS, yes with 's' pero yung sa huli, hindi nila alam. Amg pinaka huli kong ex boyfriend, the reason why we broke up, everything is hidden.
"Ano ba?! Wala ka ba takagang magawa kundi mambwisit? Kitang kita mo namang wala ako sa mood diba?"
Siya na siguro ang pinaka-ayokong lalaki sa buong mundo. Alam mo, nakakainis para sakin na naging close ng mama ko ang lalaking to. Nakakabwisit.
"Ah wala ka ba sa mood?" tumawa siya ng malakas. "Edi bwibwisitin pa kita para mas masaya!!"
Para siyang bata na lumabas mula sa kotse niya. Kotse niyang isang black Ford Mustang.
Mayabang.
"Oh? Bubuhusan mo ko tubig para lumamig ulo ko? Babatuhin mo ako ng bola para isigaw mga gusto kong isigaw? Oh patatayuin mo ako dito hanggang sa magsawa ka?"
Inirapan ko siya at akmang aalis na. Hindi ko mapigilang mamula ng maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko para pigilan mo akong umalis.
"Uwi na tayo"