Naiwan silang dalawa ni Robert.Naglalakad ...
“Ouch !!” daing ni Dixie at napaupo sa kalsada habang sapo-sapo ang paa.
“Oh ? Anong nangyari?”nagaalalang tanong ni Robert.
Tiningnan ni Robert ang paa ni Dixie na dumudugo.
“Nakatapak ako ng pako.” Sabi ni Dixie habang hindi maipinta ang mukha sasakit na nararamdaman.
“Hala buaon..” sabi ni Robert habang sinisipat ang paa na dumudugo..
“Obvious ba ? hugutin mo..”
Hinila nga ni Robert ang pakong bumaon sa paa ni Dixie.
“Hala may kalawang ..” sabi ni Robert habang tinitingnan ang pako.
Bumula ang bibig ni Dixie.
“Natetano na ata ako..”sabi nito habang nabula ang bibig.
“OO nga ! bumubula na yang bibig mo!” kinakabahang sabi ni Robert.
Nawalan ng malay si Dixie kaya nagtitili na si Robert sa takot. Dali-dali nya itong binuhat para dalhin sa malapit na ospital.
“Walangya ! ang bigat !” daing nito habang tumatakbo papuntang ospital.
Palinga-linga si Robert sa paligid naghahanap ng ospital na gusali at hindi naman sya nabigo.
Dali-daling tumungo si Robert doon.
Pagdating nya sa entrance nito ay naghihiyaw sya ngunit wala naman syang nakita na tao sa loob at walang narinig na sagot. Pumunta sya sa isang kwarto at inihiga nya si Dixie at dahil wala ngang doctor ay sya na lang ang gumamot kay Dixie. Hindi nya alam ang gagawin sa sobrang ngatal.pinunasan nya ang bibig ni Dixie na nabula ngunit muli parin itong na bula na akala mo ay washing machine. Sinuksukan ni Robert ng maraming tissue ang bibig nito para tumigil ang pagbula.
“Juzko po ! help ! ano bang gagawin ko ?! mamamatay na ata ang bruha...” nagulat si Robert ng mangisay si Dixie sa takot nito ay kinuha nito ang parang plantsa na nasa ospital at inilagay sa dibdib ni Dixie.pauli-ulit nya itong inulit ngunit mas lalo lang itong nangisay.
“hala ! Juzko lord! Ano bang nangyayari ? Aaaaay !! Juzko nangingisay sya..” kabadong sabi ni Robert.
Tinalian ni Robert ang mga kamay at paa ni Dixie para tumigil ito sa pangingisay ngunit bigo siya na tumigil ito sa pangingisay. Hindi na talaga alam ni Robert ang gagawin kaya uli nyang kinuha ang plantsa at hinampas sa ulo nito. Sa lakas ng pagpukpok nya ay tumigil ito sa pangingisay.
“Dixie ?? Ok kana ba ? patay ka naba ? kung buhay ka na imulat mo ang mga mata mo...” bulong ni Robert kay Dixie.
Ngunit wala syang narinig na sagot galing dito. Sa sobrang takot ay napahagolgol na si Robert
At nagtatakbo palabas ng silid nakarating sya sa isang chapel sa loob ng ospital .
Agad syang lumuhod at nangdasal.
“Juzko po ! amang mapagpala, nakapatay po ata ako pero wag naman po sana. Parang awa nyo nap o iligtas nyo po ang kaibigan ko, kahit na may balat yun sa pwet, kahit na ang baho nun, kahit na ngarag ang buhok nun please po iligtas nyo sya” unti-unting tumulo ang kanyang luha.
“sa totoo lang po Masaya naman talaga ko pagkasama ko yung bruhang yun, nagmamakaawa po ako iligtas nyo po sya !”humahagulgol nitong sabi..
Unti-unting iminulat ni Robert ang kanyang mata at nakakita sya ng liwanag mula sa altar sa sobrang liwanag ay nag-iwas sya ng tingin dito. Nilingon nya ito muli laking gulat nya ng Makita ang isang lugar na mala paraiso, maraming naggagandahang puno, mga isdang lumilipad sa himpapawid, mga kababaehang nakaputing suot,at mga lalaking nakapangwakas habang may hawak-hawak na gitara, mga baboy na may kaliskis,at marami pang iba na ngayon nya lang nakita sa buong buhay nya.
Napaiyak si Robert sa sobrang ganda ng nakikitasa paligid, sobrang tahimik, may mga bahay sa taas ng puno, mga iba’t-ibang prutas na nagsasalita, mga bulaklak na may kamay.
“Lord, patay na po ba ako ?” sambit nito.
Nagulat si Robert ng may marinig na sigaw ng isang babae. Tumingin sya sa kanyang likuran at nakita nya si Dixie.
“Dixie?” tuwang-tuwa nya itong nilapitan.
“tatawa ka na lang ba dyan?” naiiritang tanong ni Dixie sa ngiting-ngiting si Robert.
“Tulungan muna man akong makaalis ditto !”
Nagpupumiglas na sabi ni Dixie dahil sya ay na sa loob ng isang malaking sapot ng gagamba.
Agad na tinulungan ni Robert si Dixixe na makaalis sa sapot. Nang makaalis na si Dixie sa sapot ay agad naman syang niyakap ni Robert ng mahigpit.
“Pinakaba mo naman ako ?” sabi nito habang yakap-yakap parin si Dixie.
“Baliw ka talaga kanina pa kaya tayo naglalakad” sabi nito sabay batok kay Robert.
Nangunot ang nuo ni Robert sa narinig.
“Huh? Ano bang nagyayari ?bakit nandito tayo ?” nagtatakang tanong ni Robert.
Biglang may sumulpot na maladyosang babae’t lalaki.
Ang babae ay nakabikini at ang lalaki ay naka tranks na akala mo ay sasali sa isang pageant.
“sino kayo?” tanong ng lalaki kay Dixixe at Robert.
“Anong sino? Kayo ang sino ? “ pagalit na sabi ni Robert.
“Akala mo matcho ka, di kita type no !” pabulong na sabi ni Robert bahagya syang siniko ni Dixie.
“Aa! Taga Pilipinas kami eh kayo ba ?” sabi ni Dixie.
“Anong Pilipinas ?” taking tanong ng babae.
Natawa si Robert.
“Oh my Gosh! Ambobo mo girl, ganda pa naman ng katawan mo ..” sabi ni Robert habang napapailing.
“may sa babae kaba? Bawal dito bakla!” naninindak na sabi ng lalaki.
“Oo, pinupugutan ang bakla dito” dagdag pa ng babae.
Natahimik si Robert at inilayo ang tingin sa lalaki.
“Hmmp! Sinong bakla ?! ako ?! matcho ata to , gusto mo umpog kita sa muscles ko!” pagmamayabang ni Robert habang ipinapakita ang kanyang braso.
“OO nga hindi sya bakla..” pagtatanggol ni Dixie.
“Kung ganun anong pangalan nyo ?” tanogn ng lalaki.
“Ako si Dixie at sya naman si Robert.” Pagpapakilala ni Dixie.
“Kamusta bro !” bati ni Robert na makikipagdambahan sana ng hindi naman tumugon ang lalaki.
BINABASA MO ANG
My Epic Love (Comedy)
AdventureAng kwentong ito ay nabuo lamang dahil sa walang magawa ang mga sumulat. Kaya may posibilidad na makornihan kayo at maewanan.... Feeling seryoso lang po ang kwentong ito. Ngunit ano't-ano pa man, nirerekomenda ko pading basahin nyo ito.... ♥♥♡♬♬☆★♤♠...