The night we first met

28 0 0
                                    

"Urghhh! Bakit  parang wala lang sa kanya?!" Paulit-ulit nyang sinasabi habang pagulong gulong sa kama. Nica Leviste, isang babae na mahilig magsuot ng short shorts at crop top, isang babae na napapag-isipan ng masama ng ibang tao dahil sa pananamit, madalas napapagkamalang suplada. Pero mga tunay na kaibigan lang nya ang nakakakilala ng husto sa kanya.Isang babae na magpapatunay na hindi sa paraan ng pananamit makikita ang tunay na pagkatao kundi sa kung paano makisama at tratuhin ang mga tao sa paligid nya.

Nica's POV

    Hay naku! Akala ko ok na, bakit ang dami ko pa din tanong sa sarili ko? Tsk! Wala manlang makausap dito sa bahay. Gusto kong lumabas! Gusto kong uminom! Kailangan ko ng dadamay! Pero naka move on na ako e! Ano ba talaga? Ay ewan! Matawagan nga si Sher.

Ring! Ring! (Phone call)

Sher: hello gf!

Me: gf! San ka? Tara sa central! I need kausap! Yayain ko din  sina Lalaine and Lee. Treat ko!

Sher: bakit? Anong problema? Sayang! Kakauwi ko lang. Di na ako papayagan umalis. Alam mo na, may curfew.

Me: aw. Sayang . . E kasi nag-usap na kami kanina. Hay naku. Basta chika ko sayo next time.

Sher: magkita tayo bukas! Agahan mo naman kasi.

Me: sige. Tawagan ko sina Lalaine. Baka pwede sila. Huhu. Alam mo naman ako, kailangan ko ilabas toh!

Sher: Bakit kasi kailangan nyo pa mag-usap e ang tagal na nun! Sya sige. Bukas ha. Sayang. Gusto ko din gumimik e,libre pa naman. Haha! Ingat kayo. Balitaan nyo ako.

Me: duh! Kailangan kaya ng closure! Ayan, basta libre e gorabels ka! Luka!  Haha! Ge, see you tom! Loveyou! Byeee!

   Sher Maglinao, isa sa mga bestfriend ko. Pinakaluka sa lahat. Haha. Sya yung una ko nakilala nung college. Lima kami sa grupo, 'g girls' (gorgeous girls) kung tawagin. Pero right after graduation, nag-asawa yung dalawa tapos nasa Dubai na yung isa so kami lang si Sher ang naiwan. Then napasama narin samen sina Lalaine and Lee. Oh, speaking of them, maitext na nga lang. Baka sakaling pwede sila kahit medyo late na.

To: Lalaine;Lee

Hey gf! San kayo? Pwede ba kayo tonight! Central tayo. My treat! Chill lang! I have chika din! And.. you know.. about him.

Sent!

    Hay! Sana naman pwede sila. Ok naman na ako, pero syempre nagmahal ako, medyo affected parin. Oo, problemado ako sa pag-ibig. Pero ngayon lang toh. At hindi ko na sya iisipin after tonight. It's been 3 months na din naman since we broke up.

(1 message received)

Lalaine: aw, sorry gf. Di ako pinayagan. Gabi na daw e. Bakit kasi now lang? Anyway, matulog ka nalang. Idaan natin sa food trip tomorrow. Nagtext narin saken si Sher na magkikita tayo after lunch tom. So see you! Muah!

  Urgh! Bakit ako lang kasi ang walang curfew? Ang boring pa naman dito sa bahay. Nasa kanya kanyang room lang kami ng mga kapatid ko. May mga sariling mundo. Puro boys kasi. Isa lang kapatid kong girl, 8y/o palang so di ko din makakausap bout sa mga ganitong bagay.

(Lee calling)

Me: hello gf!

Lee: gf! Where are you?

Me: bahay. Bored. Kaw?

Lee: i'm here sa lipa. Kala ko magcecentral?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Long Distance LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon