Chapter 29"Please be happy"

5.4K 1K 96
                                    

RID2#CHAPTER 29
PLEASE BE HAPPY

The way my father looked at me habang nakapamaywang sa harapan namin ni Gavin ay iisa lang ang ibig sabihin.

Hindi niya gets ang sitwasyon.

"Pinalaki naman kita ng maayos! Mumultuhin ako ng Nanay mo Erikka!"He exclaimed.

"Please do not blame her Sir--" Gavin said.

"--Wag mo ako sine-Ser at di naman ako teacher" Tatay snapped.

Siniko ko si Gavin. Nakakainis bakit kasi di nalang niya sinabi na wala akong alam sa nangyari? Victim lang ako tsss!

"Marikit is the mother, she always had been and we cannot undo it anymore"

Jusko! Anong klaseng pagpapaliwanag ang alam nito?

Inirapan ko siya. Dalawa kami ni Tatay.

Then I sighed.

"Ako ang alam na ina ng bata Tay, Ica died, end of story" eksplika ko.

"Isa ka pa" turan ni Tatay.

Malabo ba ang explanation ko?

Napatingin ako sa bintana nang tumili si Titi dahil pilit inaalalayan ni Ken sa likod ni Brownie.

"I said. I can do it Kenny, shooo, this is somekind of a horsey just thrice fatter" taboy nito kay Ken, natawa tuloy ako.

"Rikky" tatay called my attention. Napabaling tuloy ako sa kanya.

"Mahal ano ba ang di mo ma-gets? Ang alam ni Chastity ay si Rikky ang mommy niya, ganon lang kadali iyon" Ani ni Tiyang na may dala ng mga kape.

"Bakit nga? Eh hindi naman sila! Oh kayo na ba? Ang hirap sa inyong mga kabataan puro kayo may sayad dahil sa mga social media na iyan eh" sermon pa nito.

"Ano naman kinalaman ng social media aber? Nako Igo, mag-isip ka nga minsan" Si Tiyang ulit.

"I am going to court your daughter" Sabi bigla ni Gavin.

"So naunang naging mommy siya bago liligawan? Retarded ka ba?" Inis na sabi ni Tatay.

"Tay, anak siya ni Ica, pamangkin ko siya at apo mo talaga" I explained further.

Mas napakamot ito ng ulo.

"Igo, si Ising na ex mo may half sister at si Jessica ang anak non, pero nategi na at si Titi ang anak nila ni Gavin, gets mo na ba?" Makalmang sabi ni Tiyang.

"Ang gulo niyo putang-ina" he said at inilabas ang itak mula sa pagkakasalikot sa baywang nito.

Naalarma tuloy ako. Ano siya? Mananaga na?

"Ica wanted to make Marikit be the known mother of Titi because she was dying then" Gavin sat straightly when he saw the edge of the knife pointed at him.

"At pumayag ka naman?" turo naman ni Tatay sa itak sa akin.

Napatingin ako sa labas kay Titi.

"Tay, masakit mawalan ng ina" I said at tumingin ako Tiyang pagkatapos at nakakaunawang tumango lang din.

Ibinaba nito ito ang itak.

"Magpakasal na kayo kung ganon" turan ni Tatay.

"Ho?" I blurted out.

"Nakapagdesisyon na kayo na magbahay-bahayan, totohanin niyo na, kung inaalala niyo talaga si Titi, ayusin niyo ang pamilya niyo" He said at isinalikot muli ang itak sa baywang niya.

"Mahal mo ba anak ko?" He asked Gavin.

"Mahal na mahal" Gavin said without even blinking saka ako tinignan.

"Ikaw Rikky, mahal mo ito?" nguso niya kay Gavin.

"Tay!" I protested.

"Kung hindi, mabuti pang ipaliwanang niyo kay Titi ang kalokohan niyo, she has to know the truth! The truth will set her free" Ingles pa nito.

Gusto kong matawa sa pag iingles ni Tatay pero si Gavin ay nablanko ang ekspresyon habang nakatingin sa akin.

"Igo, samahan mo ako sa kusina" rinig kong sabi ni Tiyang.

Napayuko naman si Gavin at titig na titig ito sa mga kamay niyang nakahawak sa baso ng kape.

"I'm sorry, you shan't have been dragged into my mess, tama ang tatay mo." sabi nito.

I frowned at kumabog ang dibdib ko. "There is no use pretending, kung hindi mo naman ako mahal, I'll explain to Titi everything, bigyan mo lang ako ng panahon, ako na ang magpapaliwanag" he said at saka tumayo na.

I can feel the distance building.

"S-sorry for not choosing you, the situation then was just fucked up" tumango-tango siya and smiled bitterly.

"Aalis na kami" mamya ay sabi niya.

"Ano?" I asked.

"Naiintindihan ko na na naging unfair ako, I could have had chosen you but I didn't. Natural na magalit ka, at malimutan ako. I should understand better, naging tanga ako, pabaya pero hindi ko naman mababago ang nakaraan ko, nauna si Chastity sa'yo then I thought I was doing the right thing then for both Titi and you. Mahal ko ang anak ko. Deserve niya ang isang pamilya. Mahal din kita, pero di ako ang the best na lalake para iyo nang dumating si Titi. There are a lot of men- single men out there. But then destiny had a u-turn, may sakit pala ang mommy ni Titi and not just sick, she was dying."

"Di ko na kailangang ulit-ulitin ang istorya. I will never be the best choice for you anyway, dapat ko ng tanggapin" He added

"What are you saying?" I asked.

"She'll get by--we will get by."

"At ano ang mangyayari kay Titi?" Naaalarmang sambit ko.

"Life is unfair as it always is. Kasi kung perpekto naman ang buhay di ang saya-saya na sana ng mundo. Chastity will understand. I will love her no matter what, dodoblehin ko ang pagmamahal ko para sa kanya para mapunan ang kawalan niya ng ina."

Naluha ako sa sinabi niya

"P-paano ako?" I sobbed.

Ngumiti siya. "You'll get by. Marikit hindi mo naman ako mahal, hindi ko na ipipilit ang sarili namin. Masyado ka ng nasaktan."

"I promised Ica to--"

"--She's dead." he cut me off.

"Gavin--"

"If you only love me then it's another story." he said.

Hindi na naman ako nakapagsalita. Bakit ba hirap na hirap akong umamin sa kanya?

"I want you to be happy, God I want every good thing if not the best for you Marikit. I am a flawed single dad at ngayon ko lang na realize na napaka sakim ko naman pala kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa'yo"

"G-gavin--" Mas lalo pa akong naiyak sa sinabi niya.

"Please be happy, find someone who can make you his priority before someone else, kasi ako di ko kayang ibigay ng buo. Do that atleast for me, be happy Ma'am" he said and kissed my forehead before going out the door.

Napahagulgol ako. Bakit ba ang drama ng buhay ko? Hindi ba pwedeng maging marupok nalang at umamin na sa kanya?

What is hindering me from doing so?

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon