Chapter 2

13 1 0
                                    

CHAPTER 2: RACE

"Clark! Ano na? Asan ka na ba? Palagi ka na lang late ganon?" Makasigaw naman tong mokong na to kala mo kung sinong leader.

"Sino bang leader satin ha?" Inis kong tanong sakanya habang nag lalakad palabas ng bahay. "Pasalamat ka pa nga na wala dito sila dad dahil kung nandito sila, mas lalo na akong hindi makakapunta." Dagdag ko pa. "Tska pwede ba, huwag na huwag mo kong masisigawan dyan."

"Sorry naman. Tagal mo kasi eh, tska nandito na yung kalaban mo tapos ikaw wala pa." Paliwanag niya. Sumakay ako sa kotse ko at binuksan ni kuya Dante yung gate.

"Easy men, ok? Mamaya pang 8 yung race 6:30 pa lang, wag kang excited." Lumabas ako sa gate at pinaharurut yung kotse.

"Hoy! Bagal bagalan mo naman! Baka mamaya hindi dito sa race deretso mo." Saway niya. Susuntukin ko talaga to mamaya kapag nakita ko. Kanina pinag-mamadali ako, ngayong nag mamadali ako sasabihin bagalan ko.

"Ano bang gusto mong kupal ka ha? Kanina pinag-mamadali mo ako tapos ngayon sinasabi mong bagalan ko takbo ko." Inis kong tanong.

"Baka kasi may ibang mangyari, alam mo na." Hindi ko na lang siya pinansin at binabaan na siya ng tawag. Bahala sila sa buhay nilang mag hintay.

Nag-isip ako ng lugar na pwede kong tambayan. Tinatamad pa akong pumunta sa race.

Pero teka, asan nga pala yung kapatid ko? Bat Hindi ko yun nakikita sa bahay kanina. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan yung kapatid kong kung nasaang lupalop na naman.

{Oh men?} Bungad niya sakin.

"Where are you?"

{Nandito ako kila Shane.} What? Andun na naman siya sa bahay ng Shane na yon?

"San ka ba nakatira? Sa bahay nila Shane o sa bahay natin?" Sarkastiko kong tanong. Totoo naman eh, minsan nga dyan na siya tumutulog sa bahay nila Shane.

{Hindi ka pa nasanay saken.} Natatawa niyang sagot. Tch.

"Anyways, pupunta ka ba sa race mamaya?"

{Hindi na muna siguro, hahanapin ko si Shane eh.} Nasaan naman si Shane?

"Nasan ba siya?"

{Hahanapin nga diba, it means di ko alam kung nasaan siya wag kang tanga bud.} Natatawa niyang sabi. Hindi ko alam kung matatawa din ako o maiinis.

"Huwag kang uuwi sa bahay bugbug aabutin mo sakin." Matapang kong sagot.

{As if kaya mo? Haha.} Nan-ttrip na tong mokong na to eh. {Sige na, hahanapin ko na si Shane baka kung ano ng nangyari dun.} Binabaan na niya ako ng tawag. Bastos talaga.

Minsan napapaisip ako kung anong meron dun sa Shane na yun at bakit laging nakabuntot sakanya yung kapatid ko. I mean, hindi naman siya sexy, maganda, at kung ano ano pang nakakaakit sakanya pero bakit naging kaibigan siya ng kapatid ko? At parang hindi lang kaibigan ang turing niya sakanya. Kilala ko ang kapatid ko at alam ko ang mga tipo niya sa babae at hindi ko makita kay Shane kung nasaan yung kagandahan at kasexy-han.

Hindi Kaya...ginayuma siya ni Shane!? Pero....hindi naman siguro ganun si Shane. Nakikita ko naman sakanya na medyo mabait siya at masarap asarin. Hahaha. Naalala ko na naman yung epic niyang mukha nung pinag-tripan namin siya.

Flashback

"Dito mo ilagay yan para sakto talaga sa ulo niya." Utos ko kila Keith at Kurt dahil sila yung nag-aayos dun sa taas ng pintuan ng timba na puno ng slime.

Inlove In OneWhere stories live. Discover now