It seems like Eric is not the man I used to know before. He keeps on smiling now, bawat taong nakakakilala sa kanya ay ina-acknowledge niya at kinakausap. Kabaligtaran sa dating Eric na kinaiinisan namin dahil sa pagiging anti social at bully. Bakit ko ba siya pinapansin? Hindi ko masasabi na naging close kami at walang sinuman na gustong makipag-close sa kanya noon. But there's a part of me telling that I should avoid him. Hindi kami puwedeng mag-usap o magbatian man lang, kahit palitan ng ngiti ay hindi rin puwede. Wala naman akong sama ng loob, at kahit may nagawa siyang mali ay napatawad ko na rin naman siya.
Nanatili ako sa sulok kung saan hindi ako napapaligiran ng tao dahil halos lahat sila ay umiindak na sa saliw ng musika ni Nicki Minaj. Okay na 'to, siguradong hindi ako mapapansin dito ni Eric. Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang huminto na naman ang nakakaindak na musika. Nagtaka ako dahil inabot siguro ng sampung segundo at wala naman si Jax sa stage para mag-anunsyo ng kung anong pakulo niya sa event na 'to. Ano kaya? Parang old school lang na papalitan pa ang cd para baguhin ang tugtog? Papalitan ba nila ng kpop?
Pero imbis na si Jax, si Eric ang nakita kong umakyat sa entablado. Wala akong idea na biglang titibok nang gano'n kalakas ang puso ko nang magsimula siyang bumigkas ng isang salita. "Hello!"
At doon na napako ang paningin ko sa kanya. "Gusto kong humingi ng sorry sa inyong mga nasaktan ko noong highschool. Kilala n'yo si Eric Salazar bilang bully, self centered at masahol pa sa halimaw. Sorry, I was too immature that time, hindi ko naisip na mali na pala ang ginagawa ko."I can sense the sincerity through his words. Para siyang nasapian ng mabuting kaluluwa. Hindi ko pa siya narinig na humingi ng paumanhin dati. Bakit ba niya ginagawa ito?
The he spoke again. Isa-isa niyang binanggit ang mga classmates, schoolmates at guro namin na nasaktan niya noon at binigyan ng sakit sa ulo. Napakarami niyang binanggit na pangalan pero hindi ko narinig ang pangalan ko. That night, I asked myself why? Matindi ba talaga ang galit niya? Ang tagal naman niyang panghawakan ang galit na 'yon.
--
Around 12 midnight na natapos ang reunion namin. Isa-isang lumalabas sa venue ang batchmates ko at pinauna ko na rin si Faye na umuwi sa kanila, sinundo kasi ng fiancé na galing pa sa malayong lugar. Hindi na ako sumabay dahil malapit lang naman din ang bahay ko sa venue, ang mahalaga naman ay nagpalitan na kami ng contact ni Faye bago kami maghiwalay ng landas sa pag-uwi. Kabisado ko na ang lugar dito, hindi na ako natatakot maglakad sa gabi kaya kampante ako na makakauwi akong safe at di naman ako uminom ng alak. Tahimik akong naglalakad habang nakasukbit sa tainga ko ang headset at pinakikinggan ang kantang "Jenny" ng The Click Five. Noong highschool pa kasi kami, sikat na sikat ang kantang ito at lagi naming kinakanta kay Ms. Jenny na english teacher namin, basta trip lang namin dahil pangalan niya ang title ng kantang 'yon kahit hindi naman siya nakaka-relate sa lyrics nito. Kapag napapakinggan ko ang kantang ito, maraming nakakabit na alaalang nagf-flashback siyempre ang high school life ko. It was kinda memorable, when I was young and my mind is filled with dreams. Hindi pa ako gano'n ka-aware sa mga nangyayari sa bansa at gusto ko lang na tumulong sa paraang alam ko. Siyempre hindi rin mawawala ang 'first love'. At lilinawin ko lang, hindi si Eric ang first love ko and he will never be. I don't get a single chance to see his face. Hanggang ngayon, curious pa rin ako kung ano na ang kalagayan niya ngayon at kung ano ba talaga ang itsura niya. Umaasa pa rin akong makikita ko siya.
The song ends. Okay, trip ko sanang ulitin pero napahinto ako kasabay ng paghinto ng kotse sa gilid ng dinaraanan ko. I almost got a heart attack. Buti na lang alisto ako at nakaugalian ko na ang pagmasid sa paligid. Awtomatikong napa-dial ako sa emergency hotline, mahirap na baka modus pala ang isang 'to at kidnap-in ako. Natuluyan yata ang pagkakaroon ko ng heart attack dahil si Eric pala ang driver ng kotse. May pagkaseryoso ang awra niya, lumabas pa siya sa kotse niya at agad akong nilapitan. "Babae ka, pero nakakaya mong maglakad nang mag-isa, sa ganitong oras?" nakataas kilay na tanong niya sa akin. Ah eh -- ano bang pakialam niya? Bakit parang concern siya sa beauty ko? Sort of 'feeling close' naman itong si Eric.
"Oo, nagawa ko na nga eh. So kaya ko talaga," with a sarcastic remark ko pang tugon sa kanya. "But why? Hindi ka sinundo ng boyfriend mo?"Natawa naman ako. "Walang susundo sa kin, wala akong boyfriend."
"Nice," sagot niya na ikina-curious ko. Anong nice doon?
"Ikaw? Wala kang girlfriend?"Inaantok na siguro ako kaya bigla kong naitanong, napakawalang kuwenta nga eh. Like I just want to disappear in front of him, baka iniisip niyang curious ako sa status niya. No way!
"Wala. By the way, ihatid na kita sa inyo." Nagulat ako sa offer niya. Akala ko trip niya lang lumabas sa kotse niya at mangharang ng tao. Pilit akong ngumiti. "Naku, salamat na lang pero okay lang talaga ako at isang kanto na lang, bahay na namin."
"Seems like you really hate me, pero naiintindihan ko." Kahit papaano, kinurot ang puso ko dahil parang may pagsusumamo at pangongonsensya ang boses niya. Hello, alam naman pala niyang may kasalanan siya sa 'kin, dapat binanggit niya ang pangalan ko sa mga taong hiningian niya ng patawad for a very long time. Maiksi lang ang pangalan ko at parang kalimutan pa niya. I shrugged. Minabuti kong maglakad palayo sa kanya at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman niya ako sinundan.
BINABASA MO ANG
Say Goodnight [Finished]
Krótkie OpowiadaniaSabi nila, ang unconditional love ay isang uri ng pag-ibig na napakasayang maranasan sa mundong ito. Nagmamahal ka kasi nang walang hinihinging kapalit, at kapag nakaranas ka nang ganito, isa ka na raw sa pinakamasayang taong nabubuhay. Well, lumaki...