CHAPTER 39.

916 22 14
                                    

*Jayson POV*







Isang buwan ko na ng malaman ang totoo..
At isang buwan na rin ako hindi nagpapakita sa kanila..



Ewan ko ba..
Nung nalaman ko ang totoo..
Parang na ulit lang yung nangyari..


Yung iniwan nya ako nung una ng diko malaman ang dahilan..
At iniwan nya ulit ako ng dahil sa Mike na yun..
Tapos ngayon mas masakit..
Mas hindi ko matanggap..



Bakit?
Ano bang ginawa kong kasalanan sa kanila at nagawa nila ito sa akin?
Napapikit ako at napainom ng alak ng maalala ko naman ang nangyari..



>flashback<




Nang matapos ako mag bigay ng dugo sa anak ni Jane..
Dumiretso nako umuwi nun..
Baka hindi ko mapigilan at ma question ko sila lahat..



Mga gabi na nang mabalitaan ko mula kay Nicole na natapos na yung operation ng anak ni Jane..
At ok naman daw ito..


Hindi ko maiwasan na hindi matuwa hindi dahil naging ok yung operation ng anak ni Jane,,
Kundi hinanap ako neto nang magising sya..



May kung anong tuwa akong naramdaman nun nang sabihin sakin ni Nicole yun..
Hindi ko mapaliwanag yung tuwa..


Kaya pagkatapos namin mag usap ni Nicole
Agad ako pumunta ng Hospital dahil may pinagawa rin ako sa doctor neto..
May gusto pa akong malaman..



Ilang sandali nakarating ako agad ng hospital at dumiretso sa opisina ng doctor ng anak ni Jane..


Pagkapasok ko,,
medyo nagulat pa yung Doctor pero agad nawala dahil inaasahan naman nya akong dumating..

"Umupo ka Mr.Garcia.."
Sabi nito kaya agad akong umupo sa harap ng mesa nya..


"Tulad ng request mo sakin,,"
Sabi pa neto at saka inabot saakin yung isang papel..


"Hindi ko Alam kung ano meron,,
O may problema kayong Pamilya.."
Sabi pa neto saka nag suot ng salamin..



"Bakit mo ba ito ginawa Mr. Garcia?"
Tinignan nya ako ng seryoso..




"Magkamukha naman kayo,,
Bakit kailangan mo pa neto?
Hindi kaba naniniwalang anak mo sya?.."
Nagtatakang tanong neto sakin..
Na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko..


Bakit?
Akala nya ba Pamilya kame?
Akala nya ba ako ama ng anak ni Jane?
Pero ano sabi nya?
Magkamukha kame?
Ah oo lagi ko naman naririnig yan..
Pero yung 'hindi ba ako naniniwalang anak ko sya?'


Bigla ko binuksan yung papel
At oo nga..
It's P-positive!!!
99.999999

A-anak ko sya??
Bigla ako napatingin sa doctor..

"D-doc..
A-anak ko sya??"
Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya..


"Oo Mr. Garcia..
Anak mo sya..
Bakit Hindi mo ba Alam?"
Nakangiting tanong neto sakin..
Umiling lang ako..


"Hindi ba kayo kasal ni Ms. Ocampo? Ah oo pala kay Ms.Ocampo pala yung dinadalang Apelyedo ng anak nyo.."
Patuloy neto..
So anak ko nga sya??
Bakit ang tanga ko?


"Doc..
Salamat po..
Maraming maraming salamat po.."
Sabi ko dito at lumabas na ng opisina nya..




Gusto ko puntahan ang anak ko..
Ang anak ko na si Jm..
May anak ako??
Naluluha akong papunta sa kwarto ng anak namin ni Jane..



My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon