Dianne's POV
Ang ating ikatlong pagsubok ay tatawagin nating Give Me Five! Dito ay makikita ko ang inyong husay sa musika at sa mga mang aawit dahil parehas nyo iyang iisip in ngayon. Paunang sabi ng head master. Di ko alam pero medyo nanginginig ang aking mga kamay. Mukhang nakakaba na kasi ang ikatlong pagsubok.
Dito ay magbibigay ako ng mga limang mang aawit at ang tangi nyo lang gagawin ay isulat ang isang awit o kanta nila na dapat ay sila ang orihinal na kumanta. Pagbibigay ng panuto nya.
Ahh head master? Paano namin isusulat ang sagot? Wala naman kaming papel o ballpen na gagamitin para isulat ang mga sagot? Pagtataka ni Xiara. Sa halip na sumagot ito ay nagpatugtog ito ng kanyang plawta. Yung totoo, saan ba gawa ang baga nya at ang dami nahihipan sa plawta nya nang walang kapaguran.
Maya maya pa ay mula sa kanyang mahiwagang musika ay tila ba may pinupuntahan itong lugar at mukhang papunta ito sa bandang kaliwa kung nasaan ang mga mahihiwagang instrumento nya. Sinundan ko lang ng tingin ang kanyang mga magical sound waves at bigla itong pumaikot ikot sa isang instrumento at biglang lumutang ito na tila ba binuhat ang instrument.
Dinala ng mga sound waves ang Violin na kanilang kinuha kanina sabay lumapit sa akin ang Violin at tumigil lang sa harapan ko. Kinuha ko naman ito kahit na medyo naguguluhan ako kung anong gagawin ko sa Violin na ito.
Head master ano naman ang gagawin ko rito tsaka nasabi sa akin ng inyong alagad na ikaw lamang ang pwedeng gumamit ng mga instrumento dito kaya bakit mo ibinigay sa akin ito? Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Iyan ang gagamitin mo upang maisulat ang sagot sa bawat mang aawit na ibibigay ko. Tugtugin mo lang iyan at ikonekta mo lang ang nilalaman ng iyong isip at lilitaw ang mga letra at mabubuo ang bawat salita na iyong isasagot. Totoong ako lamang ang gumagamit nyan pero may tiwala naman ako sayo lalo pa't ramdam ko na marunong kang gumamit nyan. Mahabang paliwanag nya. Tama ba yung narinig ko? May tiwala daw sya sa akin?! Halaa kinilig ako doon ah.
Ngayon wala nang patumpik tumpik pa, simulan na natin ang inyong huling pagsubok. Nagsimula nang tumugtog ang head master at mula sa mga sound waves ay nagpalitaw ng limang mga pangalan
Ito ang mga sumusunod na mga singers na kanyang ibinigay:
Miley Cyrus
Sarah Geronimo
Mariah Carey
Angeline Quinto
Christina Aguilera
Tumingin ako sa kanila at kita ko na napalunok si Xiara samantalang si Bryce naman ay napakamot ng ulo. Mukhang hindi nila alam ang mga singers na ito o di naman kaya may ilan silang di alam.
Paano ba yan Xiara, mukhang di ko sila kilala. Sambit ni Bryce na tila nahihiya.
Don't worry Bryce, alam ko naman ang iba rito. Tulungan nyo na lang ako sa pag rerecall. Sabi ko sa kanila. Napangiti naman ito at muling tinignan ang mga singers.
Simulan natin dito kay Miley Cyrus? May alam ba kayong kanta nya? Tanong ko sa kanila.
Hmmm parang may napanood akong isang video nya eh. Yung sumasakay sa sya bola at may hawak ba syang martilyo. Turan ni Xiara. Iniisip ko yung mga binigkas ni Xiara. Parang may hint na akong naiisip.
Ayun! May sagot na ako para doon. Kaya sinimulan ko na ang pagtugtog ng flute. Medyo nagulat ako ng konti nung may lumalabas na sound waves at kulay pink pa iyon. Pero kinakabahan ako kasi baka di ko maipakita ng tama.

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...