Amethyst's
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Hoseok nang makapasok ako sa unit ni Zoe at umupo sa sofa.
"Masama?" sagot niya.
Tinignan ko siya ng nakakunot kilay ko. Parang tanga, nag-tatanong lang ako eh. "Oh eh ba't ganyan tono ng boses mo? Nagta-tanong lang naman ako. Napaka-defensive." Binato ko siya ng unan.
Ang kabayo, binato din yung unan sa akin pabalik. "Anong defensive ka dyan? Sipain kita eh."
"Sige, pairalin mo pagiging kabayo mo."
Bigla siyang tumakbo papunta sa akin at dinaganan ako. Parang timang, akala mo magaan eh siya itong mas malaki sa akin!
"Sinong kabayo ha?!" Nangigigil siya guys.
"Aray ko! Ang bigat mo! Lubayan mo ko!"
"Sino munang kabayo?!"
Kapag ba sinabi 'kong sya yung kabayo, papalayain niya na ako sa kalayaan ko? "Ikaw! Di ba obvious?!"
Aba ang sira ulo mas dinaganan lang ako. Grabe, kasalanan mo pa talagang masaktan kapag naging honest ka.
"Sige lang, Amethyst. Sige lang."
"Uggh! Ano ba kasi gusto 'mong sabihin ko eh totoo naman?!" Aray ko ang bigat nya in fairness para sa katawan nya.
"Pano ako naging kabayo eh ang gwapo gwapo ko!"
Nang sabihin niya iyon parang... parang may mali.
"Gwapo lang. Gwapo gwapo, asawa ko na yun." Asar ko sakanya.
Magsa-salita pa sana siya nang biglang may mag-salita sa may t.v. Pagka-tingin ko si Zoe, kanina pa pala siya nakatingin.
"Oh, andyan ka pala." Sabi ko kay Zoella.
Nakapa-mewang lang na nakatingin si Zoella. "Oh ano, natuwa naman kayo sa wrestling niyo?"
Si Hoseok aalis na sana nang pigilan ko siyang bumangon. Kala niya ha.
"Oh ba't ka aalis? Nandyan lang si Zoella magpapaka-good boy ka na." Nakangising sabi ko kay Hoseok.
"A-Ano? Zoe, promise, nakikipag-biruan lang ako kay Amethyst." Depensa nya sa sarili niya.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Zoe. "Alam ko, halata namang nakikipag-biruan lang din sayo yang si Amethyst." Sabi ni Zoella bago umupo sa isang couch niya at kinuha yung folder na nasa coffee table.
"Huh?" Tanong ni Hoseok.
Binitawan ko yung hawak ko sakanya at bago pa sya bumangon, ako na ang sumipa sakanya para maka-bangon siya. Lumanding naman sya sa sahig.
"Aray!" Hinawakan niya pwet niya. "Ikaw 'tong kabayo sa atin eh!"
Binelatan ko lang siya.
"Malakas sumipa yan si Amethyst kung gusto niya." Comment ni Zoe habang tinitignan mga shots nya sa portfolio.
"Putangina. Kaya mo naman pala sumipa eh! Bakit doon sa elevator kung kelan mamamatay ka na di ka nanipa?!" Ang ingay naman ng kabayong to, ang sakit sa tenga ng boses.
"Gago ka ba? Kung gusto ko nga lang eh. Edi kung sinipa ko yun, saksak lang aabutin ko kasi nasa elevator kami at closed space. Saan kaya ako tatakbo pagtapos ko siya sipain sige nga?!"
Napa-isip siya saglit bago ma-realize na tama ako. Dios mio itong lalaking ito. "Oonga sabi ko nga!"
Parang tanga, sumisigaw pa din siya. Sarap kurutin ng nail cutter eh.
Sinamaan ko lang sya ng tingin bago kalabitin si Zoella. "Isa ka pa, ba't di mo ko in-inform na sumasali ka din pala sa mga ganyang contest?"
Bago pa sumagot si Zoe, sumingit si Hoseok para mang-asar. "Ahhh! Di ini-inform!! Kawawa!"
"Manahimik ka! Wag kang yuyuko!" Bato ko sakanya. Slow siya, maya maya niya pa yan mage-gets kaya binaling ko ulit atensyon ko kay Zoe.
"Nah, hindi naman siya big deal." Sagot niya sa akin kaya binatukan ko siya.
"Anong di big deal?! Magb-best friends tayo at dapa ini-inform mo kami sa mga ganyang bagay para masuportahan ka namin, sabunutan kaya kita?"
"Sabunutan din kaya kita, eh bakit di mo sinasabi kay aisla kung ano yung status mo ngayon, sige nga."
Napa-tahimik ako bigla kasi totoo hehehe. Kumamot ako sa ulo ko. "Okay fine! Kalimutan mo sinabi ko yun hehe."
Palaro akong inirapan ni Zoe at patuloy na tinignan lang yung mga photo shots nya. Well, kahit ako kung ako ang kumuha ng shots na yan, paulit ulit ko din siya titignan.
Biglang may bumato sa akin ng unan at tumama iyon sa likod ng ulo ko. Nilingon ko si Hoseok. "Inano kita?!" Nangigigil na tanong ko sakanya.
"Hindi naman mahaba baba ko ah!" Depensa nya nanaman sa sarili niya kaya naman humagalpak ako sa tawa. Tangina ang slow, ngayon lang na-gets.
Pati si Zoe natawa nalang din pero ako yung mas tawang tawa. Tumagal ng ilang seconds tawa ko, bwiset ang sakit sa tyan. Eventually, kumalma don ako at naalala ko yung tanong 'kong di nasagot.
Tumingin ako kay Zoe.
"Zoella."
"Amethyst."
"Bakit nga pala nandito yang si Hoseok?"
Napa-isip siya saglit bago mag-salita. "Actually ngayong tinanong mo, ngayon ko lang din na-realize, palagi yang may dalang kung anong pag-kain after ng schedule nila."
Nang-sabihin iyon ni Zoella tinignan ko kaagad ng mapanglokong ngiti si Hoseok. Hanep, galawang marino!
Ngumiti din si hoseok. "Manahimik ka!" Babala niya sa akin.
Pinilit 'kong kagatin labi ko para di ako matawa. Yes naman, may pang-black mail na ako sa kanya, kala nya ha. Alagad ko na sya ngayon bwahaha. Bumuntong hininga ako bago tumayo. Nakaka-istorbo ata ako kainis.
"Oh, uuwi ka na?" Tanong ni Zoella.
Tumango ako. "Ang sakit ng kuko ko, kailangan ko na humiga sa bahay." Palusot ko.
Tinignan ako ni Zoella na parang may sinabi akong mali. Meron naman talaga syempre palusot yun eh. Magpa-paalam na din sana ako kay Hoseok nang biglang may tumawag sa kanya. Pero pake ko don. Kinawayan ko nalang sya at inayos na mga gamit ko.
"Bye girl." Nakipag-beso sya sa akin.
"Bye. Ingat ka sa kabayo na yan." Nguso ko sa direksyon ni Hoseok. Tumawa lang si Zoe at pinag-buksan na ako ng pinto.
"Ingat din sa pag-drive pauwi." Sabi ni Zoella. Tinanguan ko lang sya bago mag-lakad pabalik sa elevator.
As if namang uuwi ako.
--x