Chapter 1

7 0 0
                                    

Naglakad papasok ng barn si Ruiz. Pahapyaw ang kanyang pagtingin sa mga kabayong naroon. Ang lahat ng mga ito ay kanila. Hindi naman talaga siya taga-rito ngunit mas pinipili niyang umuwi dito sa kanilang probinsya sa tuwing kailangan niyang mamahinga sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya sa Maynila. Ngunit hindi rin naman siya nagtatagal dito.

Sapat na ang simoy ng hangin dito, ang kanilang mga alagang hayop at ilang araw lang na pamamalagi dito.  Anumang problema ay maaaring kaharapin ng kanyang kumpanya habang wala siya. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kanyang mga empleyado. Minsan nang nalugi ang ang kanyang kumpanya dahil naloko na siya ng isa sa investors niya. At alam niya, aminado siyang may kasalanan siya dito. Kung hindi niya nilulong ang sarili sa labis na pagmamahal sa manlolokong babaeng iyon ay hindi sana siya mananakawan ng pera sa banko na naging dahilan upang malugi ang kumpanyang minana pa niya sa kanyang Abuelo na ama ng kanyang ama.

'Fvck that bitch.' He cussed.

Ngayon, natuto na siya. Hindi na siya ulit pa magpapakasasa sa mga babaeng bibihag na naman sa kanya. There's no way that he will let his guards down for another woman again.

Naputol ang pag-iisip niya ng biglang mag-ring ang kanyang cellphone na sa kaniyang bulsa. His dad is calling.

"Where are you?"

"Sa Rancho." simpleng sabi niya habang nakatanaw pa rin kay Aga na kanyang paboritong kabayo.

"Since when?"

"Just yesterday, Dad."

"How's the company?"

"It's fine, Dad. I assigned Zach and he just called that everything's under control."

His dad sighed. "That's good to hear. Pero alam mo naman sigurong mas gugustuhin kong mamalagi ka dyan sa Rancho, hindi ba? You're still 25, iho. We have Zach to do things for our company. "

"Ako na ata ang pinakabatang CEO." Pagmamalaki nito. Yeah right. At the age of 23, siya na ang CEO ng kanilang kumpanya. It is not all about the connections. Pero ginawa pa rin naman niya ang lahat at ginamit niya pa rin ang talino sa pagiging empleyado ng sarili nilang kumpanya bago siya mahirang na CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Na yun nga lang ay naloko siya ng isang bwisit na babae kaya naman ay sinabihan na siya ng ama na hindi pupwedeng ganoon palagi. Pinapili siya noon kung gugustuhin niya munang mamuhay ng normal o magpatuloy sa pagiging CEO dahil masyado pa naman siyang bata para sa posisyon ngunit nanindigan siya at pinatunayan naman niya iyon sa Daddy niya. 

"And I also heard about your Lolo Juancho." May kalungkutan sa boses nito.

Lolo Juancho is his mother's father. Kasalukuyan itong nagpapahinga sa mansyon at kagagaling lamang nito sa hospital kaya naman ay narito siya upang makasama ang kanyang lolo habang nagpapagaling ito.

"Your mom's very worried, and I am too. At nataon pa na nasa honeymoon kami ng Mom mo." he rolled his eyes when he heard the word honeymoon from his father.

"So, I'll send Quero to be with Zach. Inaasahan kong magtatagal ka dyan habang wala pa kami. Please, son. Kailangan ka ng Lolo mo."

Bilang nag-iisang apo, sino pa ba ang aasahan nila? Malamang ay siya rin lang. Nagpapasalamat naman siya at hindi siya pwersahang pinapili kung ano nag mas maatimbang, ang kumpanya ba o ang rancho. Pareho pa rin naman ang mamanahin niya at marami din namang mag tauhan ang kanyang Lolo Juancho upang mapangalagaan ang rancho.
Tunay nga siyang suwerte sa kaniyang naging buhay.

"Pero pangako namang uuwi kami ng Pilipinas upang bisitahin din ang Lolo Juancho mo."

"Until when?" It sounds good actually.
Dahil sa Maynila man o dito siya sa probinsya magtagal ay walang problema dahil pareho naman siyang napamahal sa trabaho at sa Rancho at kanyang Lolo Juancho. Lalo pa ngayong hindi siya mamomroblema sa magiging kahihinatnan ng kanyang kumpanya. Magaling na kanang-kamay si Zach, isama pa ang assistant ni Daddy na si Quero.

The Newest Girl in TownWhere stories live. Discover now