Mahal Ko o Mahal Ako

640 8 0
                                    

Di ko alam kung paano uumpisahan 'to. Di naman kasi vocal ang mga lalaki, ang alam ko lang ay mahirap mawalan ng taong mahal mo at mahalaga sa'yo. Mahirap magdecide, pero kung sya na ang nagdecide, tatanggapin ko ba o ipaglalaban ko pa rin sya?

---

High School days. Ito daw yung pinakamasayang part ng buhay estudyante. Dito mo makikilala yung mga matured at totoong kaibigan na makakasama mo sa kalokohan at kasiyahan. Tss. Teka, ang bading kong magkwento, pero anong magagawa ko? Ganun talaga pag nagrereminisce e.

Every weekend may group meetings para sa projects. Halos lahat ng groupings kagroup ko yung bestfriend kong babae at yung mahal ko. Kaya masaya ako lagi. Bading man pakinggan pero kinikilig ako. Isa pa natutuwa ako kasi andyan si bestfriend para pagkwentuhan ng kilig. Suportado naman nya ako kung sino mang mahalin ko, kaya ko nga bestfriend e.

Cliché man, pero, oo, ramdam kong may gusto sya sakin. Si Agatha, yung bestfriend ko. Yung taong mahal ko na si Twinkle, di ko pa din alam kung may pag-asa ako.

February 13, birthday ko. Sayang, di pa naging 14 no? Nasa canteen ako ngayon kasama yung barkada ko at may konting salu-salo. Biglang may tumakip sa mata ko.

Agatha. Regalo ko? sabi ko sa kanya.

Ouch. hindi sya si Agatha! Bigla akong nanlamig. At kinilig.

Twinkle, ikaw p-pala. Sorry. For the first time, pinansin nya ako pagkatapos kong umamin sa kanya nung December.

Ayos lang yon. Tapos nginitian nya ako sabay abot ng cupcake. Happy Birthday! Bye.

Natulala ako. Pinansin nya na ulit ako. Ang saya. Ito na ang pinakamasaya kong birthday. May maikukwento na naman ako kay Agatha. Ililibre ko pa nga pala yun mamaya kasi nga birthday ko. Hindi ako masama ha. Ramdam ko lang na may gusto sya sakin, pero siguro hindi yun totoo. Feeling ko lang.

Kinantyawan ako ng barkada ko. Alam kasi nila kung gaano ako nag-ipon ng lakas bago umamin kay Twinkle tapos ang ending, umiyak sya at tinalikuran ako. Mula noon, di na nya ako pinansin personally pero nagkakatext kami. Weird diba.

---

Uwian na. Iniintay ko pa si Agatha sa bench sa labas ng locker room ng babae. Naliligo pa, pinagpawisan sa badminton e.

Habang iniintay ko sya di ko maiwasang mag-isip. Bakit kaya di na lang sya yung naging crush ko? Tapos bigla kong mavivisualize si Twinkle at maiisip na "Kasi si Twinkle ang mahal ko."

Joseph, kanina ka pa tulala. Haha. Matagal ba ako? Ang bango talaga nito. Pero mas gusto ko yung strawberry shampoo ni Twinkle. Di ko nga lang madalas maamoy, wala e, malayo lagi.

Kelan ka ba naging mabilis? Tapos pinisil ko yung pisngi nya.

Aray naman. Pasalamat ka birthday mo di kita gagantihan. Sinabi nya habang hinahalwat yung bag, may kung anong hinahanap.

Kahit naman hindi ko birthday di mo ko sinasaktan e. Kaya nga bestfriend kita. Tapos nilabas nya yung suklay at nag-umpisang magsuklay. Ang haba ng straight nyang buhok. Pero mas gusto kong buhok ni Twinkle, wavy na may pagka-blonde.

Akin na yang suklay. Baka bukas pa tayo makaalis dito sa bagal mong kumilos. Bukas di ko na birthday, valentine's na. Ikaw din, wala ka ng libre. Ngumiti sya tapos tumahimik na lang habang sinusuklayan ko. Ang lambot ng buhok nya at ang bango. Sana magawa ko din 'to kay Twinkle.

---

Nakasakay na kami ng jeep at kinwento ko yung nangyari kanina sa canteen. Syempre, bilang supportive bestfriend nagcongrats sya at natuwa para sakin. At dahil daw dun ililibre ko sya ng kahit anong gusto nya. Baliw din 'to minsan e.

Mahal Ko o Mahal AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon