CHAPTER 6: Jeep

18 2 0
                                    

Chapter 6: Jeep

Masarap na simoy ng hangin. Mga punong sumasabay sa indayog sa bawat ihip ng hangin na tila sumasayaw ang mga ito. Huni ng ibat-ibang uri ng ibon sa mga puno at halaman sa paligid. Tahimik kong pinagmamasdan ang mga ito sa terrace. Dito ako palagi pumepwesto tuwing umaga. Ang sarap kasi ng simoy ng hangin na nangmumula sa likod.

Habang nakatingin ako sa paligid bigla kong naalala ang napasarap kong tulog kagabi. Ang natatandaan ko lang ay gumagawa ako ng assignment sa isang subject ko pagkatapos nun ay nahiga na ako sa kama ko at dun na ako simulang nakatulog.

Mamaya pa ang klase ko. Mula alas-onse hanggang alas-singko ng hapon. Maya-maya lang ay magpprepare na ako sa pagpasok.

--

Nakarating ako ng school limang minuto bago mag alas-onse. Pagpasok ko sa room wala pa ang prof naming si Mrs. Miller.

"Hi Kenn!" bungad na bati sa'kin ni Januz. Ningitian  ko lamang ito bago umupo sa tabi Laurine. Himala maaga ata tong pumasok ngayon. Si Coleen nagsabi na sakin na malelate daw siya ng ilang minuto dahil hinatid niya pa ang bunso niyang kapatid sa school.  Chase Jimenez.

"Wala raw si ma'am ngayon. May meeting daw sila sa faculty." sabi ni Laurine pagkaupo ko sa tabi niya. "Mabuti kung ganon. Hindi ko pa natatapos yung assignment sa Business Math kaya gagawin ko muna." sabi ko habang nagbubuklat ng gamit sa bag. Umaayon ata sakin ngayon ang tadhana.

"Ako rin friend hindi ko pa nagagawa yung assignmen dun." saad ni Laurine habang kinukuha yung libro niya sa bag. Kaya siguro pumasok ng maaga. Hmm.

Natapos ko agad yung kulang sa assignment ko kagabi. Si Laurine hindi patapos mangopya sa assignment ko. Si Coleen naman kakarating lang. Hingal na hingal sa pag-akyat ng hagdan sa building.

"Guys, wala si ma'am?" gulat niyang sinabi nang tumapat siya sa pinto. Pawis na pawis ang bruha. "Ano sa tingin mo? May nakita kaba sa harapan?" pagbibirong sabi ni Laurine. Tapos nang mangopya ang babaeng to kaya nagawa nang magbiro.

"Buti dumating kapa? Lunch na kakain nalang kami." asik kong sinabi kay Coleen. Isang taas ng kilay ang ginawad nito sa akin. Umupo siya sa tabi ko. "Oy pakopya naman ako." saad ni Coleen. Alam ko namang wala rin tong gawa sa Math. Inaasahan ko na yun.

Lunch time na. Kumakain kami ngayon sa canteen. Carbonara at pineapple juice lang ang inorder ko. Yung dalawa nagpaparamihan sa pagkain. Mga hindi naman tumataba kain ng kain.

Business Math. Pagdating namin sa room nandun na si ma'am. May mga kaklase na rin akong nasa loob at yung iba naman wala pa. Hindi pa ata sila tapos kumain. Nagsimula na silang magdatingan matapos ang sampong minuto.

"Good afternoon 2A!" bungad na bati ni ma'am Martin. Mukhang good mood ngayon si ma'am ah. Sabi ko sa isip ko.

"Okay, checkan na natin yung assignment niyo." sabi ni ma'am sa aming lahat.

"Ma'am ako po sa number one!!" sigaw ni Januz sa harapan ko. "Ma'am ako din po sa number two!!" sigaw naman ni Laurine habang nakatayo. Ang lakas ng loob sumagot sa harapan. Samantalang sagot ko naman yun.

Si Alvin, Erich, at Aira ang sumagot sa natitirang number. One to five lang naman yung sasagutan pero ang haba ng solution.

Natapos silang lahat sa pagsosolve sa harap. Lahat naman sila ay tama. Perfect score. Kaming tatlo nila Coleen at Laurine. Copy right eh.

Nagdiscuss lang ulit si ma'am ng another lesson that will be tackle next meeting. Pagkatapos ay nag-iwan na naman siya ng assignment. Ang sipag talaga ng prof na to. Hindi nawawalan ng ipagagawa.

Pasado alas-singko na ng hapon bago kami lumabas room. Halos ilan-ilan nalang ang natira sa loob ng room kaya nagpasya na kaming umuwi. Nang makarating kami sa main gate ng school. Nagpaalam na kaming tatlo sa isat-isa.

Dumeretso agad ako sa sakayan ng jeep at agad naman akong nakasakay. "Manong bayad po isa pong estudyante." sabi ko sa drayber. Agad naman niyang inabot ang bayad ko at sinuklian naman agad ako.

Earphone's on to high volume. Ganito ang routine pag sumasakay ng jeep. Gusto ko ng pamparelax habang nasa byahe. One time nakalimutan ko yung earphone ko sa bahay sobrang boring ng byahe. Kaya hindi ko na tinatanggal sa bag ko yung earphone ko.

"Hanggang dito nalang po tayo." narinig kong binanggit ni manong. Agad naman akong bumaba matapos bumaba ng mga kasama ko sa jeep.

Dumaan ako ng chapel tulad ng laging kong ginagawa. Bumili rin ako ng buko juice ni Aling Nena na tig-seven pesos.

Inubos ko agad ang palamig na binili ko kay Aling Nena. Sumakay naman agad ako ng jeep sa may terminal. Hanggang Matimbo lang ang route ng jeep na nasakyan ko. Konti nalang mapupuno na ang jeep.

"Tatlong matimbo!!!" sigaw ng call boy sa terminal.

"Isa nalang aalis na!" sigaw ulit ng call boy.

Dumungaw ako sa entrada ng jeep kung masasakay naba para makaalis na ang jeep. Pagdungaw ko, nanlaki ang mga mata ko kung sino yung huling sasakay. Mr Stranger. Nakita ko siyang umiinom ng palamig na binili niya. Buko juice din. Inubos niya muna ito bago tuluyang sumakay.

Mabuti nalang nakapagbayad na ko kaya hindi niya maririnig ang boses ko. Sa isip-isip ko. Sa likod ng drayber siya naupo kung saan ikaw ang mag-aabot ng bayad sa driver. Ang pinaka-ayaw na pwesto ng mga pasahero. Tiga-kuha at tiga-abot ng pamasahe. Nakaupo ako malapit sa bukana ng jeep. Pangatlo sa bandang bandang kana.

Nakita ko siyang nagbubuklat ng wallet niya. Natawa ako bigla nang mapansin kong nagbibilang siya ng barya sa palad niya.

"Manong." narinig kong sabi niya na halos piyok na boses. Nangiti ako bigla pero hindi pinahalata. "Manong bayad nga po." sabi niya ulit sabay abot sa drayber.

Sa pagkakataong ito akala ko malalaman ko na kung saan siya bababa o kung tiga-saan talaga siya. Yun pala mali ako nang inakala. Wala siyang binanggit na lugar kung saan siya bababa dahil na rin siguro sakto yung ibinayad niya.

Bumilos yung tibok ng puso ko nang mag-play yung paborito kong kanta. Jeepney by Yeng. Napadako ang tingin ko kay mr stranger na nakatanaw sa malayo. Kinabahan naman ako nang bigla siyang lumingon sa dulo ng jeep na saktong nakatingin ako sa kanya. Kaya mabilis kong binaling yung tingin ko sa drayber.

"Para po." boses ng isang lalaki. Hindi ko agad pinansin kung sino yun dahil hindi pa rin ako maka-get over sa kanina.

Pagmukad-mukad ko si mr stranger. Nasa Atlag palang yung sinasakyan naming jeep. Bumaba siya bago umakyat ng tulay. Nakita kong tumatawid ito sa katapat na kanto. Hindi pa man tuluyang nakaka-akyat ng tulay ang jeep. Napansin kong tumingin ulit ito direksyon ng sinasakyan ko.

Natawa naman ako nang biglang businahan ito ng isa pang jeep na patungong bayan. Doon niya napansin na huminto siya sa gitna ng kalsada. Napansin niyang natawa ako sa nangyaring pagbusina sa kanya. Sa paglayo ng jeep ay unti-unti ko na siyang hindi nakikita.

U.T. I : Umibig Tapos IniwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon